Aki's PoV
"Joanna, Ayusin mo nga yung buhok nya. Nagulo kasi eh" -Mom
"Yes Ma!" Sabi ni Ate sabay lapit sakin para ayusin yung buhok ko.
Its been two weeks. Inurong ang kasal namin. Ang dami pa kasing inayos. Pero eto ako ngayon, abot langit ang ngiti dahil ikakasal nako!
"Kyaaah! Super excited na talaga ako!" Tili ni Lauren.
"Daig mo pa si Aki eh?" Sabi ni Ate sa kanya.
Natawa nalang ako dahil kay Lauren. Tama naman si Ate, mas excited pa sya eh hindi naman sya yung ikakasal. Sa totoo lang, kanina ko pa talaga gustong tawagan si Steve kaya lang sabi nila dapat daw hindi muna magkikita o magkaka-usap ang ikakasal.
Naka Simpleng wedding gown lang ako. Yung dine-sign ni Ate Joanna. Tapos 6 inch na silver heels at complete pearl accesories. Nae-excite ako na kinakabahan. Nae-excite ako dahil ikakasal nako at kinakabahan ako kasi first time kong ikakasal xD
"Tara na daliiii! 15 minutes nalang oh! Male-late pa tayo!!" Sabi ni Gail habang nakatingin sa relo nya....
"See yah later Bessy" Sabi sakin ni Lauren, Gail at Margarette atsaka sila sumakay dun sa sasakyan nila. Nag-hire muna sila ng driver kasi Ayokong sila lang ang magda-drive.
Kasama ko si Mom at Dad sa iisang kotse.... Ang ganda ng kotse namin at may malaking ribbon pa sa taas. Onting byahe lang at nasa wedding place na kami. Nakaupo at ready narin ang mga bisita. Napa-ngiti tuloy ako bigla...
Ang ga-ganda ng tables at may picture pa naming dalawa na nasa-frame. Ang cute grabe! Yung mga souvenirs nandun sa isang tabi. Im so glad to be in this life.
Mag uumpisa na ang kasal kaya nag line up na kami..... Kami ni Dad sa pinaka-huli at naka-hawak ako sa braso nya...
*wedding march song*
*tententenen tententenen*
Ako na. Naka-ngiting naka-tingin sakin si Steve. Ang gwapo nya talaga kahit anung isuot nya. Mas gumwapo pa sya sa White Tuxedo nya. Naka lapit na kami ni Dad kay Steve. Kinissan muna ako ni Dad sa kamay at nakipag shake hands muna sya kay Steve baho pumunta sa pwesto nya.
Hinawakan na ni Steve yung kamay ko at pumunta na kami sa harap ni Father. Naka upo kaming dalawa sa isang silver chair na napaka galante. Yung parang upuan ng mga royalties.
*fastforward*
"You may now kiss the bride" Sabi ni Father na sinunod naman agad ni Steve, pag-dikit palang nung labi nya sa labi ko, Nagpalakpakan at nagsi-tilian ang lahat ng mga bisita.
Napa-ngiti naman kaming dalawa at masayang tumingin sa mga bisita. Kahit na hindi gaanong ka-bongga ang kasal ko, madaming dumalo.
Napa-hawak ako sa tyan ko at masayang tumingin duon. Baby, official asawa ko na ang daddy mo. Hinila ko na palabas si Steve at masaya kaming lumakad habang magka hawak ng kamay.
Nang makarating kami sa Pintuan ng simbahan, Hinagisan nila kami ng flower petals. Iba't ibang kulay ng flower petals. Habang nagsisigawan sila sa saya.
"CONGRATULATIONS!!! Whuuooooo!!!" Sigaw ng mga Bisita.
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL! MABUHAY!!" Sigaw nila kasunod ng mga tawanan.
Tuwang-tuwa ako talaga. Sobrang saya ko at finally, kinasal nako sa taong mahal ko. Iisa na kami ngayon. Sumakay na kami ni Steve sa kotse dahil pupunta na kami sa Reception area. Habang nasa byahe, naka-akbay saakin si Steve. May driver kami kaya pareho kaming nasa likod.
"Happy 1st minutesary Hon" Sabi ni Steve sabay tawa.
"Tarantado ka talaga" Sabi ko sabay hampas sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/19669749-288-k981548.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect For Each Other [Book 1]
Teen FictionGya ng sinasabi madalas ng iba, WALANG FOREVER. Pero siguro may mga tao talaga na Perfect for Each Other. Yung mga taong kung magmahalan ay Over Pero mukhang matutuloy sa Forever. Parang sila Aki at Steve lang. Sa lahat ng problemang dumaan, walan...