Chapter 3 (Encouraging Word)

109 11 10
                                    

Ave POV

"Haaaay" Nakakailang buntong hininga na ako, paano nakakaboring talaga itong Professor namin magturo si Celine ayun papikit pikit na samantalang si Fiona ganang gana makinig kay Prof.

( KRINGG ) Okay i stood up, Finally nag bell na rin.

"Ms. Mendiola bakit ka tumayo? Tapos na ba ako mag turo?

Pagsita sakin ng teacher tss. Parang di naman to nasanay sa kin. Tiningnan ko lang siya at dire-diretso akong lumabas. They followed me with their eyes at narinig ang buntong hininga ni Prof.

Pagkalabas ko, dumiretso ako sa canteen dito ko na lang hihintayin sila Fiona, marami na ring tao sa canteen. Naghanap lang ako ng seat namin and may isang table lang dun na dalawa lang ang nakaupo at kasya talaga kami dun kaso tendenenen!! Guess what? May isang bakulaw at bruha ang nakaupo. Yes naman! Ang swerte ko talaga, naaalibadbaran pa naman ako sa pagmumukha nila. Pero pumunta pa rin ako sa table nila, at I approach them in a very very sincere way.

"Excuse me, pwedeng makiupo"

Halatang nagulat sila sakin pero mas nagulat si Michael na makita ako.

"A-ave" ~ Michael

"You know him babe?" bruha

"Yes! He knows me. Im his Ex."

Di ko sinabi yun para maghanap ng gulo gusto ko lang malaman ni bruha na napakaganda ng Ex. niya Nagiba na yung reaksyon nung bruha.

"So? Pwedeng makiupo? Paguulit ko sal tanong ko.

"Y-yes" ~ Michael

Umupo na ako, ang pangit ng ambiance, iimagine niyo lang na nasa gitna yung lalaki tapos sa magkabilaan niya yung Ex. niyang maganda at yung new niya na. bruhilda. Oh diba ang cliche ng set up. Nakita kong pumasok si Fiona and Celine nung nakita nila ako napatingin din sila sa mga katabi ko, at gulat sila na natatawang lumapit sakin.

"Bruha ka talaga"~Fiona

"Ahmm tara sophie let's go"~ Michael

Tumango lang si Sophie at sabay silang lumabas.

"Baliw ka talaga! Ano naman ang naisipan mo at tumabi ka sa lovers." ~ Celine

"Wala lang trip ko lang" mataray kong sagot

"Tara na nga kain na muna tayo" ~ Fiona

Pagkatapos naming magkwentuhan, pumasok kami sa last subject namin. Tapos uwian nanamin inaya ko sila na mag mall muna kami kaso yung mga bruha may kani kanilang lakad kasama ang mga boyfriend nila.

"Edi sila na may boyfriend"

Bumuntong hinga ako. Kasalukuyan ako nagmamaganda dito sa park, wala naman kasi akong ginagawa sa unit ko, kaya dumiretso ako sa Park na madalas kong puntahan dala ko yung motor ko, ang peace kasi dito. Nakaupo lang ako sa bench. hindi ako nakatira kayla mama at papa pagkatapak ko ng 3rd year umalis na ako. I started to be independent, Why? They are so strict, they control me in everything. Okay lang sana eh, naiintindihan ko naman sila because they are my parents and they know best for me kaso dalawa lang ang hiniling ko sa kanila na ayaw nila akong payagan, ang mag-aral sa iisang school kasama ang mga kaibigan ko at ang tanggapin nila si Michael . Oo pinaglaban ko si Michael sa parent ko nakakainis lang dahil pinagsisisihan ko yun, dahil nauwi lang lahat sa wala o diba ansaya?

"Paul sorry may iba na akong mahal"

Grabe ! Ngayon naman naalala ko kung paano siya nakipagbreak sakin.

Wait! Hindi naman "paul" yung sabi niya eh "Ave."

"No! Please sabihin mo sakin na nagjojoke ka lang, please tell me Sophie"

Yan na yan mismo ang sinabi ko pero hindi sophie. Michael yun . Natigilan ako sa pagkatulala dahil hindi pala yun alaala. Totoo palang may nagaganap na hiwalayan sa likod ko . Napasilip ako na kunti lang ayaw ko namang mapagkamalang magandang chismosa kaya nagtago ako sa gilid.

"Hindi ako nagjojoke paul" ~ yung babaeng nakatalikod

Tae nangaagaw talaga sila ng linya namin.

"Ganun na lang ba kadali yun Sophie nangako tayo sa isat isa na walang mangiiwan diba? Kahit anong manyari bakit sophie!! ~ umiiyak na yung lalaki na hindi ko masyadong maaninag dahil medyo madilim.

Okay medyo mas madrama lang siya sakin pero ganyan din halos yung linya ko. Nakita kong paalis na yung babae na pinipigilan nitong si lalaki sa pamamagitan ng pagyakap habang umiiyak ngunit hindi nagpapigil si babae at tuluyan ng naglakad palayo. abangan niyo ang susunod na kabanata, ito po si Avegail Mendiola na naniniwala sa kasabihang kundi ako ang naging girlfriend niya Kawawa naman siya. *scratch that* hahaha pero wait lang si sophie ba yun?. Yung bruhang pinagpalit sakin ni Michael.

Tendenenen si sophie nga, tiningnan ko ulit yung lalaki tapos balik yung tingin kay sophie, sa lalaki, kay sophie at sa lalaki huminto na ako medyo nakakahilo pala.

Nakaupong umiyak yung lalaki . Tss.napakahina naman tong lalaking to. Aalis na sana ako ng bigla siyang sumigaw.

"Bakittt sophie? Bakitt? "

Nakakairita yung boses niya napakalampa naman to. Tinamaan naman ako ng konsensya. Na feel ko na yan kung gaano kasakit . Bibigyan ko siya ng powerful/encouraging word ni Avegail. Nilapitan ko siya

"Hoy lalaking lampa, mahina at payatot, Anong iniiyak mo diyan?"

To be continued

Authors Note : Hi sa lahat Thanks again for reading Don't forget to comment and share

DaysPadilla

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon