Chapter 5 (Second Meeting)

104 11 7
                                    

Ave POV.

"Hoy payatot, sumakay ka na nga"

Waaaah may sumasapi ba sakin ngayon? natatakot na talaga ako sa sarili ko, pero nakakakonsensya kasi talagang iwanan ang payatot na to, baka lalong mangangayat kargo konsensya ko pa. at pag nangayayat yan baka mamatay yan pag namatay yan di ko na matutuloy ang aking beri beri brayt idea. Tama!

Di naman siya nagreklamo at sumakay na rin sa motor ko.

Pagkarating sa unit ko. Itong isang to naghanap agad ng pagkain

"May pagkain kaba?"

"Wow naman, nakakahiya naman sayo, libre na nga yung tutulugan mo for 1 Night pati ba naman pagkain"

Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang sa kusina. Aba aba! Tinatamaan ba to ng hiya?

"Wala namang matinong kakainin dito. Puro process foods"

"Madalas kasi sa labas ako kumain"

"Ito na nga lang cup noodles, pahingi ako ah"

"Oo na, nahawakan mo na eh. Tss. Diyan ka na nga muna mag shoshower lang ako"

Dumiretso lang ako sa kwarto, naghanap ng damit pagkatapos pumuntang CR

Makakatulong ba siya sakin? Eh yung itsura niya parang ang hina hina at ang lampa lampa. Pero - - kasi parehas kami ng naranasan . At parehas pa yung mga Ex namin ang magkasama ngayon. Tama! Mukhang kailangan ko siya.

Binilisan ko na maligo at baka nauubos na yung cup noodles ko ng payatot na yun.

Pagkalabas ko nakita ko siya na nanunuod na lang ng TV, tiningnan ko yung kusina nahugasan na din naman niya yung mga ginamit niya.

"Hoy! Dito ka matutulog sa Sofa"

Di niya ako pinansin, nakafocus lang siya manuod. Umupo ako sa sofa rin.

"May tanong ako"

Tumingin naman siya sakin.

"Do you really love her?"

"Who?"

Parang tanga naman to, sino pa ba?

"Baka yung aso niyo, syempre yung iniyakan mo kanina"

"Yes I do"

"But does she loves you?"

Hindi siya agad nakasagot. Medyo nagiba na ying expression niya.

"Yes, i know she loves me"

"Okay, pero bakit ka niya iniwan?"

Okay? medyo confidencial ata yung tanong ko, its up to him naman kung sasabihin niya.

"Ewan"

"Okay, sige matutulog na ako, matulog ka na rin"

Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Thanks"

I just smile, at dumiretso na ako sa kwarto. I can feel the pain. Naranasan ko na rin yan.

Mag mamadaling araw na di pa rin ako makatulog paano, iniisip ko yung aking beri beri brayt ideya,

Paano ko sasaihin sa kanya? Papayag kaya yun? Oo naman hello? Mas madrama kaya siya sakin pero bakit ko pa kailangan ubusin ang oras ko kay Michael. Eh pwede naman din ako maghanap ng maraming boyfriend. Siguro dahil mahal ko pa siya....

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon