Chapter 10

45 10 7
                                        

Ave POV.

"A-ave"

"Paul"

Rinig kong sabay nilang sabi, Ghaaad ,bakit ngayon? Hindi pa kami handa ni Paul at hindi pa ako handa. Nung nakita ko sila kumirot ng unti yung puso ko , parehas kami ni Paul hindi makapagsalita at hindi makagalaw.

Agad akong lumapit kay Paul at pinulupot ko ang kamay sa bewang niya. Tumingin siya sakin at binigyan ko siya ng Just-go-with-the-flow look.

"S-sophie"

"Ow hi! Paul so she's?" Tinuro niya ako at halatang hindi makapagsalita si paul,

"She's Avegail" ipakilala mo kong girlfriend Paul ! Ano ba ? Nakatitig lang siya kay Sophie , umalis ako sa pagkahawak sa bewang niya at lumapit kay sophie at michael

"Im Avegail his girlfriend so magkakilala pala kayo ni Paul! Youre Sophie right? How are you related to paul?" I asked her while smiling.

"Im his Ex girlfriend actually" nakangiti rin niyang sabi.

"Oh what a coincidence . You remember me right, Im
Michael's Ex girlfriend." Tiningnan ko si Michael at iniwas lang niya tingin sakin

"Yes I remember! Actually kinukwento ka nga ni Michael sakin"

"Ow great! Ano naman kinukwento mo sakin Michael? " tiningnan ko siya at nginitian, hindi niya ako sinagot.

"Kinuwento mo ba kung gaano ako katanga sayo dati? Kinuwento mo ba kung paano ka nakipaghiwalay sakin at paano ako magmakaawa na balikan mo? Yun ba mga kinwento mo?" Nakatingin lang ako sa kanya gusto ko parin siya sakalin hanggang sa mawalan siya ng hininga dahil kahit hanggang ngayon inis na inis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko naman na may tumulo na luha , Ghaad thats why i dont want to meet them now im not yet ready. Nakatingin parin ako sa kanya pero tuloy tuloy lang ako lumuluha.

Naramdaman kong may humawak ng kamay ko. At naramdaman ko na lang hinila na pala ako palayo sa nakakaawang senaryo ni Avegail , tiningnan ko si Paul na kasalukuyang hinihila ako.

Nang nakalayo layo na ako, huminto kami sa harap ng isang malaking bahay. Pumasok kami dun at pumunta sa kwarto ang ganda ng kwarto na pinuntahan namin. Napakaelegant ng kulay. At ang laki ng espasyo.

"Bakit ka umiyak?" Tanong niya sakin. Bakit nga ba? Eh hindi ko na din naman siya mahal.

"Umiyak ba ako hahaha nakakatuwa tong mata ko umiiyak magisa hahaha" sabi ko sa kanya ng may pilit na tawa, sumalampak siya sa kama.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin kanina ikaw naman kung ano ano ang sinasabi kanina, hahaha i guess were not yet ready " sumalampak rin ako sa kama, at pumantay sa kanya.

"Waaah nakakahiya kanina Paul umiyak ako sa harapan nila, dapat sila ang umiyak sa harapan natin dapat sila yung magsisi at magmakaawang balikan tayo Kasi tayo yung sinaktan diba? Kasi yun yung goal natin diba." May pumatak na luha sa mga mata ko.

"Nung nakita ko si Sophie kanina umurong yung dila ko , kasi hinihintay kong siya yung mangamusta sakin, malay mo naman nagaalala parin siya sakin."

"Nung nakita ko si Michael kanina iniimagine ko na yayakapin niya ako na magsosorry siya sakin at sasabihin niyang nagsisisi na siya, akala ko-" naputol ko yung sinabi ko, bakit ko iniisip yun bakit ko iniisip na hindi pa ako nakamove on, kumuha ako ng unan at pinaghahampas si Paul,

"Kasi naman Paul eh, bakit ko ba siya minahal" umiiyak ako habang hinahampas parin si paul grabe yung iyak ko hagulgul talaga. Hanggat sa naramdaman kong kinuha ni paul yung unan sakin at lumapit siya sakin niyakap niya ako i hugged him back at iyak lang ako ng iyak sa kanya hinahagod hagod lang niya yung likod ko. Naramdaman ko na lang na naantok na ako at nakatulog sa yakap ni Paul.

Minulat ko yung mata ko, at

"Uwaaaaaaaaa nasan ako? " ako lang magisa sa kama, nakita ko naman nagmamadaling lumabas sa CR si paul at mas lalo akong nagulat

"Uwaaaaaa may abs may abs! Bakit ka nakahubad " tinakpan naman ni Paul yung bibig ko,

"Ano ba ang ingay mo, di mo ba naalala ang nangyari kagabi" tanong naman niya sakin, mas lalo akong nagulat, kinagat ko yung kamay niya kaya napaaray naman siya

"May nangyare kagabi, anong nangyari kagabi ha?" Kinuha ko yung unan tapos tinakpan ko yung mukha niya. tinulak naman niya ako kaya siya naman ang pumaibabaw sakin.

"Napakadumi ng isip mo, umiyak ka lang naman dahil sa Ex mo" at ngayon ko lang naalala ang lahat

"Ay hahaha oo nga naalala ko na di mo kasi sinabi agad eh,"

"Paano ko sasabihin eh sigaw ka ng sigaw " umalis na siya sa ibabaw ko at kumuha ng damit para matakpan ang abs niya.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya.

"8 am"

"What? 8 am na ? Uwaa may pasok ako,'' agad kong kinuha yung bag ko at cellphone at nagpaalam kay Paul pagkalabas ko ng kwarto nakita ko may magandang babae ang nasa tapat ng kwarto mga mid 40 na siya pero maganda parin ,

"Ahmm hello po"

"Sino ka?" Tanong sakin

"Im avegail po kaibigan ni Paul" madali kong sagot pwede mamaya ka na magtanong late na ako.

"Kaibigan ? Then what are you doing inside his room? Binayaran ka ba ng anak ko" ay nanay pala to ni Paul. But wait a minute gatas na mainit anong sabi niya binayaran mukha ba akong bayaran.

"Excuse me ako binayaran?" sagot ko sa kanya na may iritang tono

"Oo binayaran like to do things for him"

"Hindi niya ho ako bina-"

"Ma she's my girlfriend"

"Girlfriend? Tinotwo timer mo ba si sophie"

"Pumasok ka na Avegail" umalis na ako pero bago ako umalis

"Excuse me ho, gusto ko lang linawin ang lahat hindi po ako bayaran just like what you think. Okay?" Umalis na ako nakakainsulto kasi yung sinabi niya eh sa ganda kong to iniisip niya na magagawa ko yun like duh? Pwede naman akong pumasok sa pag momodel , nagmadali na akong pumuntang unit ko,nagbihis at pumasok sa school. Ow shit marathon !!! Sa pagtakbo ko biglang may nakabunggo sakin napaupo tuloy ako at hinimas himas ang balakang ko.

"Sorry miss okay ka lang?" Nung narinig ko ang boses niya huminto ng saglit ang pagtibok ng puso ko. Mojako naman malelate na ako,

"Michael?"

"Avegail!"

"Ah hello, sige papasok na ako ah bye!" Paalis na ako ng hawakan niya kamay ko.

"Can we talk?"

"Talk? Right now , malelate na ako eh."

"mamaya pwede" kinuha ko na ang kamay ko at hindi na sumagot, tumakbo na ako.

Anong gusto naman niyang pagusapan namin?

To be continued...

Note:
Hello! Magsusuggest naman ako ng anime.
Mirai nikki, another and
Ao haru ride mga the best yan. Hahaha

-MaamAnna

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon