Chapter 17

43 9 6
                                        

Ave POV.

♪I hold the door
Please come in
and just sit here for a while
This is my way of telling you
I need you in my life♪

Sino ba yun? Sheteness naman ang ganda pa ng tulog ko. Kinuha ko yung cellphone sa side table.

"Hello"

"What time is it?" Aba! Tumawag lang para tanungin kung anong oras na!! Istorbo sa tulog to.

Tiningnan ko yung oras

"10:46 am" sabi ko ng wala ka gana gana.

"Yun naman pala eh, bumaba ka na dyan"

"Aba! Sino ka ba para utusan ako?"

"Boyfriend mo" napadilat naman ako ng di oras. May boyfriend ba ako? Siraulo tong payatot nato, kala niya kung sino siya.

"FAKE BOYFRIEND!!" Sinigawan ko siya, tapos inend ko agad yung call, ayaw ko na kasing makipagtalo.Masisira lang araw ko, Bumangon na lang ako at siyaka naligo. Bababa na lang din ako para kumain.

Pagkalabas ko ng pinto nakita ko si Paul nakasandal sa gilid. Wag mo ko inisin ngayon galit ako sayo.

Di ko siya pinansin at naglakad na palayo, hinabol naman niya ako at inakbayan. Tiningnan ko siya ng masama at tinanggal yung kamay niya.

"Galit ka ba?" Hahaha ang galing mo namang manghula.

"Oo"

"Bakit ka galit?" Nagpout naman siya, napaka bipolar ng taong to akala mo naman cute tingnan.

"Ang pangit mo kasi!"

"Ang gwapo gwapo ko kaya" sabay ngiti niya.

Yuck! Ewww diba siya nasusuka.
Di ko nalang pinansin atsyaka patuloy na naglakad. At itong lalaking to kinukulit parin ako hanggang sa pagkuha ng pagkain.

Yung mga kinukuha ko, parehas sa mga kinukuha niya.

"Wag ka ngang gaya gaya" sabi ko sa kanya.

"Ikaw kaya gaya gaya"

"Ako kaya mas naunang kumuha"

"So? Di porket ako nahuli, ako na gaya gaya."

Nagtalo talo kami, hanggang sa narinig ko may nag Eehem na, tiningnan ko likod namin marami na pala nakapila, nagsorry nanaman ako, Eto kasing lalaking to, hilig gumawa ng eksena.

Hinayaan ko na lang siya gayahin pagkain ko. Umupo ako sa medyo punong table, yung isa lang bakante. Para di nato sumunod.

"Pwedeng makiupo?"

"Ahmm. Ms. Avegail pwede naman po." Ay kilala pala ako nito.

"Avegail na lang masyadong formal yung ms."

"A-ah sige po" ang bait naman nito. Nakita ko naman na lumapit si Paul samin.

"Wala ng vacant seat sa ibang table ka na lang tsupi!" Sabi ko sa kanya, di niya ako pinansin tapos tiningnan niya yung katabi ko na kausap ko kanina.

"Hello Miss. Pwede ba makiupo ako sa upuan mo. Gusto ko kasi katabi girlfriend ko" nagulat naman yung katabi ko kanina, at tumayo agad.

Hinawakan ko braso niya.

"Naku! Wag ka ng umalis. Upuan mo yan eh!"

"Hindi okay lang A-avegail patapos na rin ako kumain" ngumiti siya sakin, magsasalita palang sana ako kaso umalis na siya.

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon