Chapter 13

60 10 10
                                    

Paul POV.

Ang sakit ng ulo ko, nilibot ko yung paningin ko sa kwarto kung saan ako nakatulog, naalala ko naman na dito ako dumiretso kay Avegail pagkatapos ko magpakalasing, at yun lang ang naalala ko. Nakita ko naman nakaunbuttoned ang polo ko. At hubad na rin ang sapatos ko. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Avegail na mahimbing na natutulog sa sofa, may namuo namang ngiti sa labi ko nilapitan ko siya atsyaka hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.

Maganda siya, magugustuhan mo lahat ng parte ng mukha niya , may pagka angelic ito. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko napansin na gising na pala siya. Napaupo agad siya sa Sofa. At galit na galit na tumingin sakin.

"walang hiya kang lalaki ka di mo ba alam na sobra akong napagod sa paghila sayo, binuhat pa kita sa kama akala mo ba ang gaan gaan mo, grabe! Halos naramdaman kong nagkakaroon na ng build ang mga muscle ko" sabi niya habang sinasakal sakal ako. Hindi naman masyado mahigpit ang pagkakasakal niya.

"Tapos ang baho baho mo pa, pas-" pinatahimik ko siya gamit ang mga daliri ko.

"Mamaya ka na manermon, may panis na laway ka pa" sabi ko sa kanya, pinunasan naman niya ang gilid ng labi niya kahit wala namang panis na laway ito.

"Wait lang pupunta lang ako sa banyo, wag kang aalis di pa ako tapos sayo" sabi niya sakin, natawa na lang ako sa kanya.  Umupo naman ako sa Sofa habang nag hihintay sa kanya.

loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But its the only thing
That i know

Nabigla naman ako sa ringtone ko, chineck ko kung sinong natawag.
Si mama ang natawag.

"Hello?"
"Where the hell are you?" Napalayo naman ako sa cellphone dahil sa pagsigaw ni mama.

"Im in my friend's house" kalmadong sagot ko sa kanya.

"Go home right away ,you're father is coming"

"So?  Salamat sa pag inform mas lalong di ako uuwi."

"Paul! Dont be like this! Go home right now!" I ended the call.

But I still have no choice I have to go home now. They will just track me.

Hindi ko na hinintay si Avegail na lumabas at pumunta na sa bahay. Nakita ko sila mama na nakaupo sa sala. Magisa lang akong anak at tanging ako lang ang inaasahan nilang mag take over ng mahal na mahal nilang kumpanya. But I didnt even take it seriously. Pinagtake niya rin ako ng kursong ayaw ko, BS Business Administration. Gusto ko sana maging piloto. Pero wala pinilit niyang ang gusto niya. At sure ako kaya ako gustong kausapin nun ay dahil may ipapagawa nanaman siyang gusto niya.

"So what's now?"

"Son, you have to meet your future wife" See? Ngayon naman gusto niya ako i arrange marriage. Whats next? Pati sa paghinga ko kailangan niya rin kontrolin.

"Ok" simpleng sagot ko hindi na ako makikipagdebate kasi for sure sila parin ang masusunod. Tiningnan lang nila ako ng may halong pagtataka. Kinunutan ko sila ng noo.

"So thats all? Cause I have to go now" tumayo na ako at papalabas na.

"Son, where are you going?, you also have to attend here. " Nilingon ko sila 

"Just give me the details. Where and when!"

Pagkasabi ko nun lumabas na ako ng bahay,

Pumunta ako sa unit ni Avegail at baka naghihimutok na yun,

Di nga ako nagkamali.

"Hoy lalaking payatot diba sabi ko dito ka lang at san ka naman pumunta" di ko siya sinagot at umupo lang sa sofa niya.

Ave Pov.

Naghihilamos na ako, at bwiset talaga na lalaking yun angbilis ng tibok ng puso ko nung pagkagising ko malapit yung mukha niya sakin.

"Waaaah Avegail ano nangyayari sayo" pinagsasampal ko sarili ko ng mahina

"Piste ka Avegail pasalamat ka marunong magisip yung utak mo ng segway"

Nagulat ako nung nakita ko malapit ang mukha ni Paul sakin. Halos 3 segundo akong nakatulala at maririnig mo ang malalakas na tibok ng puso ko.

Huy! Avegail, segway dali. Magmumuka kang tanga habang nakatitig diyan.

Natauhan naman ako at iniba agad ang ekspresyon ko galit ko siyang tiningnan

"walang hiya kang lalaki ka di mo ba alam na sobra akong napagod sa paghila sayo, binuhat pa kita sa kama akala mo ba ang gaan gaan mo, grabe! Halos naramdaman kong nagkakaroon na ng build ang mga muscle ko" sabi  ko sakanya habang sinasakal.

Binilisan ko lang maglinis ng mukha baka tumakas na yung payatot na yun, ililibre niya pa ako ng Pizza.

Pagkatapos ko dumiretso agad ako sa sala at di nga ako nagkamali mukhang tinakasan na nga ako. Hinanap ko siya sa kusina , cr , at sa labas baka nakikipag hide and seek lang siya kaso wala eh.

"Bwisett talaga yung lalaking yun, naku Paul Cruz magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay."

Speaking of mahal

I still love you…

I still love you…

I still love you…

May I still love you syndrome na ako, di ko kasi alam, di ako sure baka di siya, nagaassume lang ata talaga ako.

Eh paano kung siya. E di masaya diba? Kasi pag love ako ni Michael sasaktan ko siya and probably mahuhurt din si Sophie. Mission Accomplished kami ni Paul. And we definitely won this revenge eklabu! Tapos Happy Happy kami ni Paul ngayon.

Baka kung siya nga yun, balikan mo siya.

Nabalik ako sa pagiging tao ulit. what the-- saan naman galing yun. Hoy mga nerves sino sa inyo ang may pakana? Siya babalikan ko No way over my dead sexy body.

*toktok*

Pumunta agad ako sa pintuan at binuksan ito.

"what are you doing here?" Walang gana kong tanong sa kanya.

"I just came here to give this." Sabi ni mama syaka may inabot naman siya saking Envelope tiningnan ko kung ano ang nasa loob ''Invitation Card''.

"Ano namang gagawin ko dito?"

"obviously, you will go there."

"Ok" wala ng debateng magaganap, dahil nakakatamad makipagtalo kay mama. Kasi In the end siya lang ang masusunod. Hindi parin umaalis si mama. Tiningnan ko siya.

"Sorry anak" she told me with a sad tone

"Yah! I know that youre just doing this to me for my own good. Okay?" I told her with a sarcastic tone.

"Dont hate me"

"Oo na nga ma! Isnt this enough? Lahat ginagawa ko para sa inyo ni papa. Dahil alam ko mahal na mahal niyo yung kumpanya niyo. Enough ma, dont worry I'll go there, di ako tatakas" pagkasabi ko nun. Tumitig lang siya sakin ng saglit at umalis na rin sinarado ko yung pintuan.

Bumuntong hininga ako.

*toktok*

Ano ba yan di man lang matahimik ang buhay ko kahit 5 minutes lang.

Pagkabukas ko ng pinto.
Swearr! Mas uminit talaga ulo ko.

"Hoy lalaking payatot diba sabi ko dito ka lang at san ka naman pumunta" hindi niya ako sinagot at diretso lang siyang umupo

Naginit pa lalo ang ulo ko. He never fails to annoy me.

Note:
Yeah, Chapter 13 na pala ako. Im so happy dappy.
Pasensya na laging may note, gusto ko lang sabihin sa inyo na gagawa po ako ng isa pang story support niyo po ah.

Thanks

-MaamAnna

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon