Chapter 9 (His Friends)

55 10 6
                                        

Paul POV.

Nakita kong pumikit siya at natatawa talaga ako sa pagmumukha niya, di ko rin alam kong bakit ako pumunta dito, at lalong di ko alam kung bakit ko siya pinagtitripan ngayon.

*toinks* pinitik ko yung noo niya at yung itsura niya pramis nakakatawa napahawak siya sa noo niya at tumingin sakin ng parang galit. Pumunta siya sakin para batukan.

"Arayyy naman" napahawak ako sa ulo ko at hindi pa nakuntento tong babae sinuntok pa ako sa sikmura napapilipit ako sakit.

"You deserve it" bumuntong hininga siya ng napakalalim at siyaka tumingin sakin, natatawa talaga ako sa itsura niya.

"Wag kang magalala ayoko ngang maging real girlfriend ang pangit na katulad mo" Nagiba agad expression niya bumalik na ako sa upuan para kumain ulit.

"Pangit, bulag ka ba o malabo mata mo?" Bumalik na rin siya sa upuan niya.

"Hindi napakalinaw nga eh" tumingan ako sa kanya at pinalaki ko ang mg mata ko. Siya naman pinanliitan ang mata ko.

"Ang ganda ko kaya, everyone can't resist my beauty and charm"

"Well except me"

"Wala akong pake sayo"

Di pala to marunong makipagsagutan sakin eh. Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin at siyaka nagyaya to na lumabas.

"Siguraduhin mo lang na wala kang ipapabili sakin"

"Of course my boyfriend" sabi niya ng may sarcastic tone.

Lumabas na kami at naglakad sa park, nagiisip siya ng mga plano at kahit ayoko pakinggan siya pinipilit ko dahil sa tuwing mahahalata niya na hindi ako nakikinig aapakan niya ang paa ko.

"Tapos dapat cool mo kong susunduin yung medyo may slow mo at kahit labag sa aking magandang kalooban ikikiss mo ko sa cheeks. Pero gagawin mo lang yun pag nandun si Ex okay"

"Okay!" Walang gana kong sagot ko sa kanya.

"So ayun nalang muna wala na akong maisip, ikaw naman magisip"

Nagakma akong nagiisip kahit wala talaga akong iniisip .

"Wala talaga eh"

"Wala nanaman napakawala mong kwenta talaga" inapakan niya nanaman paa ko.

"Paul!!!!" Nakarinig akong mga demonyong tumatawag sa pangalan ko.

"Oy brad" palapit na ang mga demonyo.

"Wag kang lilingon" sabi ko kay avegail ng pabulong, at itong babaeng to lumingon pa rin.

"Oy paul may tumatawag sayo" sabi niya sakin ng masaya.

Piste!! Kahit kailan pahamak tong babae na to lumingon na lang ako

"Brad!" Inakbayan ako ng mga kaibigan ko. Si Mark at Jeric

"Oh anong ginagawa niyo dito"

"Ito naman napakainit ng ulo"-mark

Hinilot hilot naman ni jeric ang ulo ko agad ko namang tinabig kamay niya.

"At sino naman tong kasama mong magandang binibini"
Tanong ni Jeric sakin ng nakita niya si Avegail

"Ahmm, hello Im avegail" akma naman nakipagshake hands tong si avegail, kinuha ni Jeric ang kamay niya at hinalikan ito. Tss. Napakababaero talaga nito.

"Ako si Jeric"

"At ako naman si Mark kaibigan kami ni Paul"
Nakipag shake hands naman si Mark

"Ahahaha Hi jeric and mark" napatawa lang si Avegail,

"Ka ano ano mo si Avegail?" tanong ni Mark sakin.

"Di ko kilala yan"

Napaaray naman ako dahil hinila ni avegail ying buhok ko at binatukan.

"Anong hindi kilala, Girlfriend niya ako" tapos pinulopot ni Avegail ang kamay niya sa bewang ko.

Gulat na gulat naman si Jeric at Mark.

"Wow mark, ang ganda ng girlfriend mo ah"- Jeric

"Akala namin tatanda kang binita nung hiniwalayan ka ni Sophie, eh wala pang isang buwan" nagtawanan lang sila

"Eh kasi nabighani agad sakin si Paul" sabi naman nito ni Avegail.

"Pero Avegail pag naghiwalay kayo ni Mark, baka pwede mo kong nigyan ng chance" binatukan ko agad si Jeric.

"Aray ko naman paul" reklamo ni Jeric.

"Wag ka ngang ganyan Jeric nag seselos yan si Paul" sabat naman ni Mark.

"Waaah nagseselos ka Paul?" Sabi naman ni Avegail, nababaliw na siya alam naman niyang peke tapos tatanungin ako ng ganyan.

"Selos mo mukha mo" sabi ko sa kanya at siyaka tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

Nagtatawanan lang sila.
Nagyaya sila jeric at mark na pumuntang pizza hut. At kahit na hindi ako pumayag hinila naman nila akong tatlo.

Nakaupo na kami at kumakain ng pizza, tapos feeling ko out of place ako kasi sila lang nagkwekwentuhan.

"Alam mo natutuwa ako sa tratuhan niyo sa isat isa" sabi ni Mark

"Oo nga , kasi nung sila ng Sophie halos ayaw saktan yan ni paul , prinsesang prinsesa yan kay paul." sabi ni Jeric

"Tapos ayaw na ayaw niyang sigawan si Sophie at halos ipaglandakan niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal si Sophie" dagdag ni Mark

Ito ang ayaw ko eh , ang inuungkat ang nakaraan

"hahaha ganun si paul , ang baduy baduy niya pala" sabi naman ni avegail

"Oo baduy kung baduy, kaya siya iniwan " -Jeric

napahawak naman ako sa ulo ko at sumubo ng marami.

"Pwede ba pag magkukwentuhan kayo wag ako ang topic" sabi ko may laman sa bibig

"Ikaw nalang Avegail ? Paano kayo nagkakilala ni Paul?" Wag mong sabihin ikwekwento niya talaga mag imbento ka nalang avegail .

"Ganto kasi yun nasaksihan ko kasi ang paghihiwa-" napatayo agad ako at tinakpan ang bibig ni Avegail baliw na babae ikwekwento niya talaga yun .

"Ihatid na kita umuwi Ave maggagabi na"

"Eeeh hindi pa ako tapos kumain" pinandilatan ko si Ave, wala talaga tong pakikisama.

Kumuha naman siya ng isang slice at kinuha niya na ang bag niya

"Uwi na kami" sabi ko kayla Mark.

"Uwi na kayo maaga pa"

"Maggagabi na kaya"

"Sus! Gusto mo lang solohin si Avegail" hinila ko na si ave palabas ng pizza hut.

"Oyyy gusto mo pala akong masolo eh, ikaw ha! Hahaha" tiningnan ko si Avegail.

"Wag mong ikwekwento kahit kanino yung plano natin ha" sabi ko sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa kanya at napansin ko n humibto siya ng paglalakad at nagbago expression niya. Napatingin ako sa tiningnan niya. At sana hindi na lang ako lumingon.

To be continued...

Note:
Hello there ^__^
Mag sasuggest ako ng magandang korean drama sa mga adik dun, panuorin niyo po yung Pinocchio at High school love on, Swearrr magugustuhan niyo yun.

-MaamAnna

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon