Ave POV.
"Ano?"
"Pero bago ko sabihin kunan mo muna ako ng pagkain"
"Utut mo, wag mo na lang sabihin" tapos pinagpatuloy ko lang ang pagkain.
"Bahala ka, ikaw din" nung pagkasabi niya nun. Kinabahan ako. Bwisit kasi bakit di niya na lang sabihin kailangan may kondisyon pa. May kamay naman siya.
Paalis na sana siya ng hilain ko braso niya.
"Hoy payatot. Diyan ka lang " pagkatapos kong sabihin yun narinig ko pa siyang tumawa. Leche talaga yang lalaking payatot na yan.
Pumunta na ako sa Buffet. Maraming marami nilagay ko. May mga tumitingin sakin. Bahala siya maimpatcho sana siya. Bwiset talaga.
Dinala ko na sa kanya yung pagkain at pabagsak kung nilagay sa lamesa
"oh ayan!" Tiningnan ko siya ng masama. Tiningnan niya rin ako ng masama.
"sa tingin mo mauubos ko yan?" Pagrereklamo niya pagkatapos niyang makita yung nasa plato na may madaming pagkain sari sari pa.
"Kailangan mo yan para tumaba ka" sabi ko sa kanya..
Nilagay niya sakin yung iba sa plato niya."Hoy ano ba?" Binalik ko naman sa kanya yung pagkain.
Binalik ko naman ulit sa kanya, hanggang sa naglalagayan na kami ng ulam sa mga plato. Nakaramdam na lang ako na may nagtatawanan. Sabay pa kaming lumingon ni Paul at ako.....
Pfffft. Bakit halos lahat nakatingin samin.
Nagsorry naman ako sa eksenang ginawa ni Paul. Leche kasi tong lalaking ito walang magawang matino.
Napagkasunduan na lang namin na paghatian yung pagkain dumami tuloy ulit yung pagkain ko piste naman.
"Ano na sasabihin mo?"
"your Ex boyfriend and my Ex girlfriend are here" muntikan ko nang mabuga kinakain ko. Shit! Bigla naman akong Kinakabahan, si Michael ay anak ng isang Franchiser pero kagalit ito ni mama kaya, ayaw niya magkaroon kami ng relasyon.
Di ko lang alam na pati Sophie ay nandito din. Bakit kailangan nandito kaming apat. Para ano? Para paglaruan kami ng tadhana Piste!
"Anong plano natin?" Tanong ko sa kanya
"Ewan ko sayo!" Wala ka talagang kwenta.
"Ako nanaman magiisip, wala kang kwenta!"
Di niya ako pinansin at nagpatuloy kumain.Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain. Pagkatapos niya kumain, tumayo na siya at umalis. At kahit hindi pa ako tapos kumain sinundan ko na siya. Hinila ko yung braso niya.
"Saan ka pupunta? Dapat lagi tayong magkasama lalo nat nandito sila Ex's" sabi ko sa kanya. Kinunutan naman niya ako ng noo.
"Ang sabihin mo gusto mo lang ako kasama" inapakan ko bigla ang paa niya.
"Hahaha asa!" sabi ko sa kanya habang may pilit na tawa.
Naggala gala kami sa labas banda sa may beach. Kahit na nakakabadtrip to kasama kasi napakawalang kwenta kausap. Pinilit ko na lang sumama sa kanya.
"Okay lang isang araw lang naman tayo dito. Bukas ng gabi pwede ng umuwi"
"Anong isang araw? 3 days tayo dito."
Nanlaki naman mata ko Dapak. Eh ayaw ko nga dito manatili at napilitan lang ako na pumunta dito tapos yung magaling kong mama at papa di man lang sinabi na 3 days pala kami dito.
Sabagay di naman ako nagtanong.
"Ngayon yung 1st day bukas naman pwede maggala, magswimming dito at kahit ano yun yung 2nd day tapos yung pang 3rd day natin Grand Ball"
"Ano ba yan ang daming alam." Naglakad lakad pa kami ni Paul, habang nagaasaran. Tinanggal ko na yung heels ko kasi sumasakit na talaga paa ako.
Di namin napansin na meron na pala nasa harapan namin. Sabay pa kaming lumingon sa harapan and Swearr sana di na lang ako lumingon. kinakabahan ako bumibilis yung tibok ng puso ko. At parang nanghihina tuhod ko.
Naalala ko yung text message na yun. Sa kanya ba talaga galing yun?.Naramdaman ko na hinawakan ni Paul yung kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin.
"Hello Avegail, hello Paul" Si sophie ang unang umimik samin.
Naghello rin ako tapos di umimik si Paul at Michael.
Hihilain ko na sana si Paul, nang biglang magsalita ulit si Sophie.
"Bukas magswimming tayo dito ah." Magsasalita pa lang sana ako. Ng nagsalita ulit siya.
"Aasahan ko kayo" pagkatapos niyang sabihin yun umalis na sila nakapulupot yung kamay niya sa bewang ni Michael.
Mga isang minuto kaming tahimik ni Paul. Nakaupo lang ako sa seashore. Tapos nakaupo sa tabi ko si Paul. Ganito talaga kami may aftershock lagi pag nakikita sila.
"Well Great" sabi ko. Tinitigan ko si Paul.
"Oh bakit ka nakatitig?" Nakatitig pa rin ako. Kumunot noo niya.
"T-tigilan mo nga yan" tapos tinakpan niya yung mata ko. Inaalis ko yung kamay niya. Tapos tinitigan ko na naman siya. Inaasar ko lang siya. Nakakatuwa kasi pag naiinis siya.
''Pag di mo yan itinigil hahalikan talaga kita''
Pagkasabi niya nun. Inalis ko agad yung tingin ko. Siraulo tong payatot na to. Napansin ko naman na tumawa siya. Napakabipolar talaga ng taong to.
"E-ewan ko sayo" tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilain paupo ulit kaya lang medyo na out of balance ako. Tapos napahiga ako sa ibabaw niya. Nagkatitigan lang kami. Medyo matagal akong natulala, napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. A-ang ganda ng mga mata niya. Pati ng ilong niya napababa ako ng tingin sa labi niya. Ghaddd bakit ang kissable ng lips niya.
Natauhan ako ng ngumisi siya ng nakakaloko. Tumayo ako agad tapos sinipa yung paa niya.
Napaaray naman siya pero parang natatawa pa rin siya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.. naglakad na ako paalis dun sa manyakis na yun. Ng narinig ko siya magsalita.
"Baka naman may gusto ka na sakin." Napalingon ako sa kanya.
Lub Dub Lub Dub Lub Dub----
"A-anong sabi mo?" Pagkukunwaring di ko siya narinig.
"Hahaha gusto mo ulitin ko?"
"Ako may gusto sayo Hahaha asaness kang payatot ka." Pagkasabi niya nun. Mabilis na akong naglakad palayo sa kanya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganun to. Abnormal na puso ko. Tibok lang to ng tibok. Ghaaad, wala naman akong hika pero bakit di ako makahinga. Sa bilis ng tibok ng puso ko.
Dumiretso ako sa kwarto. Ambilis lang ng tibok ng puso ko. Nagbihis ako ng pantulog at dumiretso ako sa higaan.
"Baka naman may gusto ka na sakin."
"Baka naman may gusto ka na sakin."
"Baka naman may gusto ka na sakin."
Nagrereplay lang sinabi niya sakin. Bakit ako ganto? Bakit ganto na nararamdaman ko?
Am I really inlove with him?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
B R O K E N
Teen FictionThey both can't move on with their Ex's. They both don't know what LOVE is anymore. They both don't believe with happy ending is. All they want is to break their Ex's hearts.