Chapter 11

56 10 8
                                    

Ave POV.

"Your 30 minutes late Ms. Mendiola" alam ko may relo po ako.

"Sorry po maam!" Dumiretso na ako sa upuan ko sa tabi nila Celine at Fiona.

"Bakit ka late?" Tanong ni Fiona sakin.

"Ang sarap kasi ng tulog ko" pagsisinungaling ko sa kanila. Hindi na rin kami nagusap kasi nagsimula nang magturo yung prof. Namin.
Natapos ang buong oras namin ng nakakatamad, nakakawalang gana pakinggan yung sermon ng prof namin. Last subject. I badly want to go home.

Omo uwian naaa, uuwi nanaman ako ng walang natutunan.

At dating gawi ako nanaman ang magisa uuwi dahil yung dalawa may gala with their boyfriend , ansaya ang ganda ganda ko para maging alone kaya naman tatawagan ko ang aking BOYFRIEND

"Hel-" napatigil ako sa nakita ko, nakatayo sa harapan ko ngayon si Michael, pinatay ko agad ang cellphone ko.

"Ow hey Michael!"

"Can we talk?"

"Right now?" No! Wag ngayon Michael baka kung ano nanaman kabitteran ang masasabi ko sayo.

He walk towards me at hinawakan ang kamay ko. Ito nanaman ako , si Avegail na hindi makapagsalita, na hindi man lang makatanggi at ipakita na naka move on ka na . Here we go again!

Ghaad namiss ko yung paghawak niya ng kamay ko. I've missed everything.

Hell Nooo. Avegail wala ka ng namimiss okay? Gusto lang niya makipagusap sayo , wag assumera okay? Maybe he just wanted me to become his friend again. Pero ayaw ko talaga sumama kinakabahan ako.

Nakaramdam ako ng may humawak sa kabila kong kamay . At sino naman to anghel na ipinababa sa lupa para iligtas ako! Nilingon ko kung sino nga siya

"Paul" imbis na ako ang kausapin, tiningnan niya si Michael.

"At san mo dadalhin ang girlfriend ko" Tanong ni Paul kay Michael

tama paul ganyan nga, good job my boy!

"Ah, gusto ko lang siya kausapin!"

"Well sorry may date pa kami ng girlfriend ko" tuluyan na akong hinila ni Paul palayo kay Michael.

"At san mo naman dadalhin ang girlfriend ko" panggaya ko kay Paul kanina ko pa siya inaasar.

"Pwede ba tigilan mo nayan pasalamat ka nga tinulungan pa kita dyan, oh baka naman gusto mong sumama talaga sa Ex mo"

"Hahaha ayaw ko sumama dun, kaya salamat, isa kang anghel na payatot at pangit" sabi ko sa kanya.

"Pero bakit ka daw gusto kausapin ni Michael?"

"Ewan ko dun, baka gusto na niya ulit ako. Pag nangyari yun edi job well done tayo"

"Sus! Ang sabihin mo pag nangyari yun makikipagbalikan ka na sa kanya" hindi ako agad nakasagot.
Sumegway ka avegail, segway!!

"Oo nga pala diba sabi mo kanina may date tayo"

"Date? Syempre sinabi ko lang yun para makaiwas ka!"

"Hmmph, magdate na tayo, dali na"

"Ayoko nga!" Binatukan ko naman siya

"sige na!" Hinila ko na lang siya papuntang starbucks.

"Ikaw pa choosy, hello? Ang magandang si Avegail ay niyaya kang makipagdate, napakaswerte mo"

"Malas kamo, dahil for sure ako papabayaran mo."

"Hala paano mo nahulaan?"

"Sabi ko na nga ba" umorder na lang kami at binayaran na ni Paul.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa may nakita akong pamilyar na tao, oh shit! Si mama agad akong lumipat ng upuan sa tabi ni Paul,siniksik ko siya sa dulo, kinuha ang menu at tinakip sa mukha naming dalawa.

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon