Ave POV.
Dirediretso lang siyang umupo sa Sofa, tapos binuksan yung T.V at nanunuod.
Nilapitan ko siya at siyaka pinagsisipa sa paa. umiiwas iwas lang siya,patuloy ko lang siyang sinisipa.
"Hoy ano ba? A-aray"
"Bwiset ka talaga alam mo yun."
"Bakit ano ba ginawa ko?"
Ano nga ba ginawa niya sakin?
"Marami" tinigil ko na ang pagsisipa sa kanya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko yung cellphone ko at pinakita sa kanya ang text ni scammer.
"Ayan! Ikaw ba nagtext nyan?" Tiningnan naman niya yung CP ko at kumunot ang noo.
"Bakit naman ako magtetext ng ganto sayo?"
Nung sinabi niya yun, para bang nailang ako, oo nga naman Avegail bakit mo ba naisipan na siya diba?
"E-eh kasi baka nangtitrip ka"
"Parang yung Ex mo to" sabi niya sakin habang tinitingnan parin yung cellphone ko.
See? Yun din ang hinala niya.
''Baka nga" sabi ko sa kanya sabay hablot ng phone ko.
Niyaya ko siyang manuod na lang ng movie wala rin akong gana lumabas at maggala.
At itong payatot na ito kalalaking tao ayaw manuod ng horror movie, gusto ko pa naman na mapanuod yung Ouija 2014 di ko pa kasi napapanuod yun.
"Wag na kasi yan" hawak hawak niya yung braso ko pinipigilan akong isalpak yung CD.
"Payatot! Sabihin mo na lang kasing natatakot ka."pasigaw kong sabi sa kanya, habang hinihila yung braso ko sa kanya.
"Di ako natatakot no! Gusto ko lang panuorin yung yung ah oo yung spongebob 3D" binatukan ko naman siya gamit ang isa kong kamay.
"Eh? Ayoko nun." Binitawan naman na niya yung pagkakahawak sa kamay ko at pumunta sa lagayan ng CD.
Nagkalkal kalkal lang siya dun at ipinakita yung Maze Runner.
"Ito na lang" sabi niya habang nakangiti.
"Eh, napanuod ko na yan ito na lang kasing Ouija" pumunta na ako sa lagayan ng CD at siyaka ilalagay na sana yung CD. Kaso bigla niya lang akong tinulak.
"Di ko pa ito napapanuod" tapos nilagay na niya yung CD wala na akong magawa kundi ang batukan siya ng malakas.
"Ang bakla nito!" Umupo na lang ako sa Sofa. Sumunod na rin siya at umupo sa tabi ko. Bwiset di ko nanaman mapapanuod yung Ouija.
Unti na lang mapapatay ko na itong lalaking to. Paano napakarami side comment
"Pwede bang tumahimik ka na lang, pinagbigyan na nga kitang panuorin yan eh"
Tumahimik naman siya pero mga 5 minutes lang tapos mag rereact nanaman ng kung anu ano.
Napabuntong hininga na lang ako. Natapos ang palabas di parin siya tapos magcomment sa napanuod niya. Kesyo daw bwiset namatay pa si taba.
"Hoy di ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi muna."
"Aba! Ang kapal ng mukha nito, bahay mo bahay?" Dumiretso naman siya sa kusina at siyaka kinuha yung Nutella.
"Hoy! Kunin mo na ang lahat wag lang Nutella ko."sabi ko sa kanya sabay hablot ng Nutella. Kaso ang lakas ng kapit niya sa Nutella ko.
"Hoy! Bat kasi mga pagkain ko pa sa Ref napagdiskitahan mo.eh dapat nga ako yung ililibre mo kasi pinahirapan mo ko kahapon." Syaka siya pinagpapalo yung kamay niya para mabitawan ang Nutella.
Hanggang sa huli at sa haba ng pagaaway siya parin ang magwagi.
"Magkakawrinkles na talaga ako ng maaga dahil sayo."
"Eh ang damot damot mo kasi!"
"Wow naman ako pa madamot. Eh ikaw na nga pinagbigyan sa lahat."
"Aalis pala ako ng sabado."
"So?" Sabi ko sa kanya.
"Baka kasi may plano ka tapos isasama mo ako."
"Wag kang magalala, wala akong plano"
Tapos ayun natapos ang araw na ito na walang nangyari kundi ang magsapakan kami at magsuntukan.
Umuwi na rin siya nung 7 pm. Nag check lang ako ng mga Email,FB at twitter and Insta. Pagkatapos nun naligo lang ako at natulog.
Paul POV.
Umuwi na ako, kahit ayaw ko pang umuwi eh halos pinagsisipa ako nung babaeng yun palabas.
Natatawa na lang ako kasi parang di nanamin nagagawa yung mga plano namin paghihiganti blah blah. Parang nag eenjoy nalang kami sa accompany namin sa isat isa.
Napapangiti nalang ako pag tuwing inaalala yung mga asaran namin ni Avegail. Paano nga ba kami naging close halos hindi ko na maalala. Yun lang nung sinampal niya ako ng walang dahilan.
Pagpasok ko sa bahay sinalubong lang ako ng isa sa mga katulong tahimik ang buong bahay. Dahil wala nanaman si mama at papa. Busy kasi sa trabaho nila. Kaya gusto ko muna sa Unit ni Ave tumambay. Nagtry din ako lumipat ng bahay para makapagisa kaso tinract lang nila ako sapilitang pinauwi. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa malungkot na bahay pumasok lang ako sa kwarto ko at siyaka natulog.
Note:
Short Update
hello thanks for reading may short story ako. Try to read it . I hope you'll like itThanks
-MaamAnna
![](https://img.wattpad.com/cover/38640090-288-k746453.jpg)
BINABASA MO ANG
B R O K E N
Teen FictionThey both can't move on with their Ex's. They both don't know what LOVE is anymore. They both don't believe with happy ending is. All they want is to break their Ex's hearts.