Paul POV.
kasalukuyan akong umiiyak dito, di ko lang talaga matanggap na iniwan na ako ni Sophie, parang kailan lang ang saya namin, tapos ngayon ganun na lang yun.
"Hoy lalaking lampa, mahina at payatot, Anong iniiyak mo diyan?"
Napaangat naman ang ulo ko para tingnan kung sino yung nagsabi sakin.
pero pag kaangat ko biglang may sumampal sakin na isang babae na matangkad, maputi at maganda rin."A-aray ang sakit nun ah, bakit mo ko sinampal?"
sabi ko habang hawak ang parte ng mukha ko na sinampal niya
"Ahhmm k-kasi, wala lang trip ko lang"
Tapos nginitian niya ako.Nakakairita tong babae na to ah. Una sa lahat sinabihan niya akong payatot, (may laman naman ako) lampa, mahina at higit sa lahat anglakas ng sampal niya . TAPOS TRIP NIYA LANG ABA! Pero dahil heartbroken ako, di ko na lang papansinin tong babaeng to. Nakita ko na paalis na rin siya kaya babalik na sana ako sa pagiyak
pero napansin ko na bumalik rin siya..
"On the second thought, hindi naman ako kasamaang tao, at isa rin may taning na buhay ko 3 months na lang itatagal ko kaya kailangan ko ng gumawa ng mga kabutihan"
Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to. May saltik na ata to, pero wait? May taning na siya? Parang wala naman nagawa pa nga niyang manampal . Nakatingin lang ako sa kanya at nagpatuloy lang siya magsalita.
"Kahit mukha akong maldita na maganda, naatim ko parin na tumulong sa mga lampa, payatot at mahinang katulad mo at isa pa medyo konektado tayo sa isat-isa kasi parehas tayo ng naranasan mala--"
"What do you want? Direct to the point"
Cold kong sabi sa kanya, paano napakaraming sinasabi di ko naman maintindihan.
Nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan yung kamay ko, bigla na lang naramdaman kong komportable ako sa babaeng to. Kahit nakakabadtrip siya at masakit manampal. Mukha namang di ako pagtatangkaan ng masama nito .
"I'll help you . Weather you like it or not"
Ewan ko imbis na pumiglas ako nagpahila lang ako sa kanya . Sumakay siya sa motor niya. Tiningnan ko lang to sigurado ba tong marunong siyang magdrive ng Motor. EH MOTOR PA? sa mukha nitong babae na to mukha siyang maarte.
"Anong tinitingin mo diyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng motor?"
Hindi ba siya marunong mag approach ng tama? Sumakay na lang ako sa likod niya. At siyaka niya pinaandar.
Nakahawak lang ako sa likod ng damit niya.
"Hoy! Pag napunit yang damit ko, babayaran mo talaga yan ng doble"
Sa totoo lang di ko ako sanay sumakay sa motor, saan ba pwede humawak? Sa balikat na lang niya ako humawak,
Bigla na lang ito huminto
"Wag ka sa balikat humawak di ako makapagdrive ng maayos, alam mo kung gusto mong magpakamatay wag mo kong idamay"
"Ikaw kaya ang humila sakin para sumakay sa motor mo kahit na alam kong endangered buhay ko sayo"
Pinaandar niya ulit.
Nataranta naman ako kasi di ako aware na bigla niya itong paandarin.Papatayin talaga ako ng babaeng to
"Sa sexy kong bewang ka na humawak, at wag na wag mo akong pagnanasaan ah."
"Di kita pagnanasaan di ikaw yung type kong babae"
Bigla niyang binilisan ang pagdadrive
"Mas lalong di kita pagnanasaan, ang payatot mo kaya"
Humawak na ako sa bewang niya .
"Hindi ako payat, may laman ako, mas payat ka pa nga sakin"
"Whatt? Bulag ka ba? Di ako payat, SEXY ako. Marunong ka bang mag distinguished ng payat sa sexy"
Dahil sa pakikitalo niya di siya nakakapag concentrate sa pagdadrive kaya pagewang gewang siya.
"O-oy mag focus ka nga sa pag dadrive mo, pag tayo nabangga"
"Wag kang magaalala di ko na hahayaang pang mabawasan ng maganda sa mundo"
Sabi niya na may malokong tono sa pagsasalita.
"Akala ko ba may taning na ang buhay mo, kaya ka gumagawa ng kabutihan ngayon"
"Taning? Ah oo, Hahaha joke lang yun. Hindi pa ako pinapatay ng maykapal kasi kailangan ko pang mapalaganap ang kagandahan ko"
"Kawawa naman ang mapapalaganapan mo"
Maganda naman siya, talagang inaasar ko lang siya
"You're getting on my nerve my dear"
"HAHA, oo nga pala may tanong ako, paano ko malalaman na hindi ka sindikato?"
"Masyado akong maganda para maging sindikato"
"Okay, may tanong ulit ako, diba sabi mo tutulungan mo ko, but how can you help me?"
Di agad siya nagsalita.
"Malalaman mo rin kung paano at bakit"
Diretso niyang sagot.
"May tanong pa pala ako"
"Whattt??"
Naiirita niyang sabi"Saan pala tayo pupunta?"
Bigla siyang huminto kaya nabigla naman ako.
"Ay oo nga no, di ko pala alam kung saan pupunta Hahaha"
Napahawak na lang ako sa noo ko, mukhang sumama ata ako sa takas mental. Kailangan ko na siyang ibalik
"Ako alam ko kung saan tayo pupunta"
"Saan?"
"Sa Mental, tara na hinahanap ka na nila dun"
Hinila ko yung wrist niya at pinipilit na sumama to sakin
"What the -- Mukha ba akong takas sa mental?"
"Hindi ka mukhang takas, takas ka talaga galing mental"
Hinila niya yung wrist niya pabalik sa kanya. At sumakay sa motor niya
"Saan ka ba nakatira?"
"Di ko alam eh,"
Hindi sa di ko alam, ayoko lang talaga umuwi sa bahay, at isa pa alam kong papagalitan nila ako dahil tinakasan ko yung meeting ko with their bussiness partner.
"Wag mong sabihin sakin wala kang bahay"
Pinanliitan niya ako ng mata.
"Meron, ayaw ko lang umuwi"
"Ah bahala ka dyan, Diyan ka matulog sa labas, pagdiskitahan ka sana ng mga sindikato. Tapos ibenta yang mga laman mo"
Pinaandar niya yung motor niya at siyaka umalis
Napangiti na lang ako. At least dahil sa kanya nakalimutan ko na dapat pala umiiyak na ako ngayon.Wait? San kaya pwedeng pumunta naghanap ako ng open na bar duon na lang muna ako.
Nagulat ako dahil may biglang bumusina.
"Hoy payatot, sumakay ka na nga"
Medyo nagulat ako to see her pero napangiti na lang ako ulit. Buti na lang at di na ako gagastos ng pang bar. Sumakay ako sa motor niya at siyaka niya pinahuhurot.
Im comfortable with her .
To be continued
Authors Note:
Thanks readers
Dont forget to vote, comment, and share.
Arigato ^___^DaysPadilla
BINABASA MO ANG
B R O K E N
Teen FictionThey both can't move on with their Ex's. They both don't know what LOVE is anymore. They both don't believe with happy ending is. All they want is to break their Ex's hearts.