Chapter 12

68 10 7
                                        

Paul POV.

Iniwan ko na si Avegail dun, paano angdaming napapansin! Tapos ang hilig mangasar di na lang niya maappreciate na niligtas ko siya sa Ex niya! Pero ano kaya ang gusto niyang sabihin kay Avegail? Pag may gusto pa rin ba si Michael sa kanya ititigil na rin ba namin yung kalokohang plano namin? Mission accomplished na ba yun?

Naglalakad ako ngayon pauwi pero napansin kong may humarang sa daan ko pagkalingon ko si Sophie pala! Bakit pag nakikita ko si Sophie, naduduwag ako? parang angdami kong gustong sabihin sa kanya pero walang lumalabas sa bibig ko, parang gusto kong magsorry sa kanya kahit walang rason baka kasi kaya niya ako iniwan ay dahil may nagawa akong kasalanan sa kanya, parang gusto ko siyang yakapin at halikan.

"Sophie?"

"Pwede ba tayong magusap? " tanong niya sakin, I have my chance to refuse pero di ko ginawa umupo siya sa isa sa mga bench duon sumunod ako at umupo rin.

"How are you?" She asked me without looking.

"Im okay! Still breathing" tumawa naman siya ng bahagya,tumingin ako sa kanya, namiss ko to, namiss ko yung tawa niya, namiss ko yung ngiti niya.

"Ikaw kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya, tiningnan ko siya at huminga lang ng malalim.

"Okay Michael!I just wanted to ask you, May relasyon ba talaga kayo ni Avegail? Or are you doing this to make us jealous? Kasi ako na nakikiusap sa inyo stop it right away, masaya na kami ni Michael! We love each other!" Kalmadong sabi niya sakin. Kumirot naman yung puso ko. Ang sakit sakit, sinasaktan nanaman niya ako ulit nangingilid na yung luha at kung may nakakakita lang sakin na ibang tao iisipin nilang bakla ako.

"Di mo na ba talaga ako mahal?"
Tanong ko sa kanya, nakatingin lang ako sa kanya, iniwas naman niya yung tingin niya sakin.

"Hindi na Paul!"

Hinila ko naman siya papalapit sakin, and I kissed her torridly nahalata ko naman na gulat na gulat siya! Tinulak niya ako palayo pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Nilakasan niya ang pagtulak sakin. At siyaka ako sinampal ng malakas

"Stop it Paul! Please!" Pagkasabi niya nun, umalis na siya at iniwan ako dito. Tuloy tuloy lang bumagsak ang luha ko. Hindi ko man lang inexpect na umiyak ng ganto ng dahil sa babae. Siguro nga dahil mahal na mahal ko siya at siya lang ang babaeng sineryoso ko. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganto.

Pumunta ako sa pinakamalapit na bar, nagpakalasing lang ako, at sa tuwing may lalapit na babae, minumura ko sila kaya halos walang nagtatangkang lumapit sakin. Lunod na lunod ako sa alak ngayon. Di ako dumiretso sa bahay namin imbes dumiretso kayla Avegail siya lang ang kakilala kong malapit ang bahay

*toktok*
Binuksan naman agad ni Avegail ang pinto, hindi ko na kaya ang sarili ko at bumagsak na sa kanya.

Ave POV.

Halos mabaliw na ako ngayon kakaisip kung kanino galing yung text message na yun at promise maawa ka sa unan ko dahil kanina ko pa to tinorture, nireplyan ko naman na sino siya! Hindi man lang ako nireplyan. Aba! Ano pabitin lang! Magaalas dose na at hindi pa rin ako makatulog, mamatay na nagpauso ng pagpupuyat. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng text ni anonymous. Kay Michael kaya galing yun? Oh baka naman kay Paul at pinagtitripan lang ako? Eh paano kay Michael? Ah baka naman galing sa text scammer iba na ang modus ngayon ng scammer hindi na you won blah blah. Medyo romantic na scammer ngayon . I still love you tapos hihingi ng load...

*toktok*

Nabalik naman ako sa reyalidad ng may kumatok, at sino naman istorbo yan. Pumunta agad ako sa pinto at binuksan ito, bumulantang naman sa akin ang isang payatot na pulang pula at amoy alak.

*Boooogsh*

"Aray, hoy payatot, tumayo ka nga diyan, hoy Paul ano ba?" Bigla namang bumagsak sakin si Paul at nakapaibabaw siya sakin mas amoy na amoy ko tuloy yung alak. Ang lakas ng amoy, bakit naman kaya naman naglasing to.

At bakit kahit ang payat mo ang bigat parin, hindi ako makatayo kaya tinulak ko siya patagilid.

"Piste! Ano bang naisipan mo at dito ka tumuloy ha?" Tinabig tabig ko siya pero uhmm, oh, at ah lang sinasagot niya. San ko to dadalhin? Kung itulak ko na lang siya diyan sa labas mas malapit naman yung pwesto niya sa pintuan kaysa sa kwarto eh. Kaso kawawa naman tong payatot nato. Isa pa tinulungan niya ako kanina. kaya hinila ko na lang siya papasok ng kwarto. Magpasalamat ka sa maganda at mabuti kong konsensya

*Hila*

*Hila*

*Hila*

Hay juice ko po, piste kang lalaki ka ang payat payat mo pero ang bigat mo,naku!! lagot ka talaga sakin bukas magpapalibre ako sayo ng maraming marami, bugbog sarado ka pasakin.

Next goal: Ang maitaas siya sa kama. Kaya mo to Avegail.

Okay
1

2

3.

"Ahhhhh, damuhong lalaki to."

*Booooogsh*

Binagsak ko siya sa kama. Napasalampak ako sa gilid ng kama ko. Naku! Paul Cruz! Masasapak na talaga kita eh. Grabe nakakapagod. Nagulat naman ako kasi tumagilid siya at niyakap ako.

Tinulak tulak ko ang mukha niya .

"Layuan mo kong mabaho ka"

"Mahal na mahal kita Sophie" napahinto naman ako sa pagtulak sa mukha niya at siyaka tinitigan lang siya. Nakakaawa naman tong lalaking to. Parehas na parehas yung mga nangyari satin. Parehas tayong iniwan, niloko at pinaasa.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang narealize na ang gwapo niya pala talaga. Mas gwapo siya pag natutulog kaysa pag gising. Inalis ko agad ang pagkakayakap niya sakin,

tumayo ako at kumuha ng bimpo at tubig panlinis.

Tinanggal ko ang sapatos niya, pinunasan ko ang mukha niya.
Tapos leeg niya.
Tapos inunbuttoned ko yung damit niya. Hoy! walang halong malisya to Im just concerned you know! Pagkatanggal ko ng butones ng damit niya napalunok ako.

"juice ko po, kahit payat siya may six packs abs" napasabi ko sa sarili ko. Naku! Mojako patawarin niyo po ang malandi kong pagiisip. Wala po akong kasalanan siya lang ang mastermind.

Pinunasan ko lang ang katawan niya ng hindi masyadong tumitingin at inayos ang pagkakahiga niya.

Papalabas na san ako ng bigla siyang magsalita

"Wag mo kong iwan......Sophie"

Pagkatapos nun pinatay ko ng ilaw at natulog na sa sopa.

Note:
Waaah Finally Chapter 13 na ako!
Yey! Bukas na yung Chapter 14. Promise, I'll try para makapag update ibriday hahaha.

Keep supporting
-MaamAnna

B R O K E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon