Simula

37 4 1
                                    


Nanumbalik ang sakit na bumalot sa aking buong katawan matapos bumangga ang kotseng sinasakyan namin ng boyfriend ko sa isang ten wheeler truck.

I opened my eyes and forced myself to look at Gian. His face was full of blood, he is staring at me.

"I'm. . . I'm so sorry! A-Are you okay?" natatarantang tanong ko pa.

Nanghihina niyang itinaas ang kaniyang kamay para hawakan ang aking mukha.

"I-I'm okay, baby. D-Don't worry about me, hmm? Calm down," mahina niyang usal.

Nanginginig ang kamay kong kinalas ang seatbelt na nakasuot sa 'kin bago ko kinalas ang sa kanya.

I touched my temple when I felt something on it. Now, my trembling hand was full of blood.

Hindi ko na mawari kung ano ang dapat kong maramdaman. Natatakot ako pero mas natatakot ako para sa boyfriend ko. Nagsimulang mablangko ang aking utak at iisang ideya lang ang pumasok sa isip ko.

I really need to find my phone to call ambulance. Kailangan kong tumawag ng tulong dahil kung sisigaw lang ako, walang makakarinig sa 'kin.

Nasa gitna kami ng daan kung saan ang paligid ay puro puno lang.

Nang hahanapin ko na sana ang phone ay biglang nanlabo ang aking mga mata.

"Babe! Please— Please find my phone!" Walang sumagot sa akin kaya kinapa ko si Gian at pinilit ang sariling patatagin.

Nang umayos nang kaunti ang aking paningin ay nakita ko si Gian na nakapikit.

"Babe?" I touched his face and tried to wake him up but he is, he is just sleeping. "Babe! Don't sleep, wake up!"

Kinusot ko ang aking mga mata nang bigla na naman itong nanlabo.

Nanginig na ang aking katawan sa pinaghalong pag-iyak at pagdama ng sakit na tamo nang aksidente.

Hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng panghihina na animo'y nilalamon ako ng dilim na kahit abutin ang boyfriend ko'y hindi ko na magawa.

At sa araw na iyon, kasabay nang paglamon ng dilim sa buo kong sistema'y ang pagbugso rin ng kapighatian sa aking puso.

—————————————

Disclaimer:

Don’t Say Farewell is a work of fiction. Names, characters, some places and incedents of this story are product of the author's imagination and use fictitiously.

Any resemblance to actual events, places, or persons living or dead is entirely coincidental.

This story is unedited. Expect typographical errors, wrong spelling and inconsistency of the plot.

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon