Wakas

7 3 3
                                    

[ Trigger warning! ]

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Steven asked.

I looked at him and smiled before nodding.

Two years had passed by but the scars are still here. Sa loob ng dalawang taon ay hindi naging madali para sa akin.

Halos araw-araw akong pumupunta sa psychiatrist sa tuwing dinadalaw ako ng lungkot at guilt.

May mga araw rin na sinasaktan ko ang sarili kapag naaalala ang nangyari sa 'min ng boyfriend ko.

Minsan ay sinusugatan ko ang aking braso, kinakagat ng mariin ang aking labi hanggang sa dumugo ito. At 'yon ang mga bagay na hindi ko namamalayang ginagawa ko na pala.

May oras din na naiwan akong mag-isa sa condo at nagtali ako ng lubid sa kisame. Noong oras na 'yon ay hindi ko na talaga kaya ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Mabuti na lang at may dumating na makulit na pusa para iligtas ako laban sa lungkot na nagtangkang kumitil sa aking buhay.

May panahon pa no'n na naririnig ko ang sarili kong pag-iyak kahit hindi naman ako umi-iyak. Nahihirapan din akong huminga sa tuwing naiiwan ako sa isang place o kaya kapag wala akong kasama sa mataong lugar. Feeling ko kasi, parang nasasakal ako.

Depression is not a joke. At mahirap labanan ang emosyon na nagti-trigger sa 'yong tapusin na lang ang buhay mo.

Napakahirap oo, napakahirap ngunit nang tumagal ay paunti-unti na ring nakakaahon sa lungkot.

Noon ay akala ko hindi na ako aahon at mananatili na lang akong lubog sa kalungkutan. Kailangan ng oras para mag-heal, I'm not totally heal tho but atleast I'm trying.

Saka, masasaktan si Gian kapag nanatili akong lubog sa kalungkutan. Nasasaktan ko na rin ang mga taong nasa paligid ko kapag nakikita akong misirable kaya kailangan ko na talagang umahon.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Tumingin na naman ako kay Steven bago umiling.

"Your mom told me that I should wait for you," sambit niya bago ipinag-krus ang braso.

Nasa loob kami ng conference room at kakatapos pa lang ng meeting. Bumalik na rin ako sa trabaho dahil medyo matanda na si mama. And ilang years na rin akong hindi nagtatrabaho, para saan pa ang pinag-aralan ko kung hindi ko naman gagamitin 'di ba?

"No need, you can go to your boyfriend na." Ngumiti ako nang makita ang pag-ikot ng kaniyang mga mata.

Yes, he's gay. He cheated on me with a guy. Oo, nasaktan ako no'ng dati pero naintindihan ko naman siya. Ayaw niya talaga sa mga babae, no wonder kung bakit hindi kami nag-kiss sa lips noong kami pa.

Ang funny lang dahil maraming umaaligid sa kaniyang babae noon at kahit ngayon ay meron pa rin.

And also, it's funny na naging isa siya sa mga kaibigan ko. Minsan nga ay pinagseselosan siya ni Dianne at inakalang pinagpalit ko na siya bilang bestfriend.

Kumusta na kaya 'yon? Pamilyado na ang taong 'yon kasama ang pinsan ni Steven.

Nagbalikan kasi sila at nabuntis si Dianne kaya sa altar ang diretso nila, ninang nga ako ng anak nila eh.  

"Ihahatid na nga muna kita, don't be stubborn."

"Sa condo ako matutulog ngayon, saka I brought my car. Marunong naman ako mag-drive eh," sambit ko saka sinukbit ang bag na may lamang laptop.

Napakamot na lang siya ng kilay bago ngumuso, "Sige, sabi mo eh."

Sabay kaming bumaba papuntang ground floor hanggang sa makarating sa parking lot. Pumasok ako sa aking kotse samantalang pinanood niya muna akong paandarin ito.

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon