Kabanata 4

8 3 1
                                    

"Which one should I try? This or this?"

I stared at the dresses on my bestfriend's hands. Itinapat ko pa ang aking hintuturo sa gilid ng aking labi at umakmang nag-isip.

"Hmmm, the blue one! I think, babagay 'yan sa 'yo kasi maputi ang balat mo. Just saying," usal ko habang nakangiti.

Ngumiti rin siya bago pumasok sa dressing room samantalang inabala ko naman ang sarili ko sa pagpili ng damit na babagay kay Gian.

Gusto ko kasi siyang regaluhan ng damit. I want to see his priceless reaction again, gosh. He's too cute kasi whenever I give a simple gift for him. Noong isang taon, bumili ako ng couple bracelet and until now he's wearing it as if it was already a part of his life, we're the same tho.

Lahat ng regalo namin sa isa't isa, pinapahalagahan namin. Because for us, that things is important and it's part of our relationship.

Napangiti na lamang ako nang makita ang gray na t-shirt. This will be perfectly fit on him.

Hinintay ko muna si Dianne sa pamimili ng damit niya bago kami sabay na pumunta sa counter.

Bigla niya akong siniko nang makita ang gray na t-shirt. Sumulyap ako sa kaniya at nakita ang kaniyang nagtatakang mukha.

"Saan mo ibibigay? Ikaw ah," nanunukso nitong saad.

Ngumiti na lamang ako bago nagsalita, "To the man I treasure the most."

Namili pa kami hanggang sa sumapit ang hapon at doon na namin napagpasiyahang umuwi.

Pagka-uwi na pagka-uwi ay yumakap agad ako kay Gian na naabutan kong nagluluto.

Hapon na kami nakauwi ni Dianne dahil nilibot yata namin ang buong mall. Napakarami niya ring pinamili at sinulit talaga namin ang pagbo-bonding naming magkaibigan.

"It's so tiring," nakanguso kong sumbong sa boyfriend ko. "Napakarami naming binili tapos na-traffic kami pa-uwi."

I heard him chuckled before turning off the stove. He turned around to face me, he cupped my face before kissing my lips.

"Kawawa naman pala ang baby ko, sana pala sumama ako sa inyo para hindi ka masyadong napagod," malambing niyang sambit.

Napangiti naman ako nang maramdaman ang kaniyang braso na pumulupot sa aking bewang para mas mapalapit pa ang katawan namin.

I tiptoed to kiss his lips quickly. I chuckled when he closed his eyes and kissed me again.

Nang maputol ang aming halikan ay natawa na lang ako dahil muntikang matapon ang sauce na niluto niya.

"Shit, the food is so bitter. So bad," he whispered before smirking.

"Kumain na raw muna kasi tayo bago mo 'ko kai—"

He quickly put his index finger on my lips to shut me up.

Tumawa na lang ako nang naiiling niyang kinuha ang mga pagkain saka dinala sa mesa.

Hinila niya pa ang upuan na nasa tabi niya bago ako umupo roon. Sunod naman ay nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at halos punuin niya iyon.

Palagi naman siyang ganito, normal na sa kaniya ang pagkakaroon ng ugaling pagiging malambing. I really love him so much.

"Wow, ang sweet mo naman. Kaninong boyfriend ka nga?" I asked while smiling.

Natigilan siya bago umakmang nag-isip saka pinipigilan ang sariling ngumisi. "Ewan? Pwede bang mag-apply na lang sa 'yo, miss ganda? Gasul kasi yung girlfriend ko eh."

Mapaglaro kong tinulak ang kaniyang mukha na dahilan ng pagtawa niya.

"Ah gano'n? Hindi ko ibibigay sa 'yo yung binili ko para sa 'yo," inis kong sambit.

"Dapat hindi mo na lang ako binilhan kung hindi mo naman pala ibibigay sa akin, talaga ka." Tinarayan niya pa ako bago uminom ng tubig samantalang halos hindi na ako makakain dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Tss, kukunin na nga! Huwag kang aalis diyan para surprise." Tumayo na lang ako bago patakbong pumunta sa sofa kung saan ko inilapag ang mga pinamili.

Hinalungkat ko iyon saka napa-kamot ng ulo. "Wait muna ah! Hahanapin ko, diyan ka lang—"

"Anak? Sino kinakausap mo?"

Gulat akong napatingin kay mama na kakapasok pa lang sa condo ko. She knows my password, that's why.

Napangiti ako saka sinalubong siya, humalik ako sa kaniyang pisngi.

"Mag-gagabi na ah? Why did you visit me? Is there something wrong?" nagtataka kong sambit.

Napansin kong inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong sulok bago bumaling sa 'kin at pilit na ngumiti.

"Nothing, I just missed you. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Ngumiti ako bago nagsalita, "I'm good! Sumasakit pa naman po ang ulo ko pero hindi na gano'n kalala tulad nung dati."

"Glad to know that," nagagalak na usal ni mama.

Napatingin ako sa kusina bago bumaling ulit kay mama. "Gusto mong kumain? Let's go and join us."

"M-May kasama ka?" gulat na saad niya pa.

Nakangiti lang akong tumango bago pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon si Gian na nakanguso na sa paghihintay.

"Nasaan ang sinasabi mo?" tanong ni Gian.

"Hindi ko mahanap, mamaya ko na lang hahanapin. Nandiyan si mama." Nakangiti akong bumaling kay mama na titig na titig sa akin. "Ma, sabayan mo kaming kumain ni Gian."

Tila natauhan naman siya bago umupo sa harapan kong upuan. Naupo na rin ako saka ngumiti kay Gian. Nagsimula ulit kaming kumain at napa-tingin ako kay mama nang mapansing hindi niya ginagalaw ang pagkain sa plato niya.

"Why, mom? You don't want the food?" Nanatili lang siyang nakatitig sa plato habang malalim ang kaniyang pag-hinga. Kumunot ang noo ko saka ngumuso, "Gian cooked that, hindi talaga siya marunong magluto."

"W-Where's your comfort room, anak?" Halos matumba pa siya sa biglaan niyang pagtayo sa upuan.

Nagtataka ko na lang na tinuro kung nasaan ang cr. Naglakad siya papunta doon samantalang napa-buntong hininga naman ako.

"Gian, I know there's something wrong with my mom. Is she sick?"

Nagkibit balikat lang sa 'kin si Gian, "I don't know. All I can think at this moment is your gift."

I rolled my eyes. "Hahanapin ko nga pero mamaya na."

He just nodded and wiped the sauce on the side of my lips.

Natapos kaming kumain nang hindi pa rin lumalabas sa comfort room si mama kaya pinuntahan ko na siya.

Kakatok na sana ako nang marinig ang kaniyang hagulgol sa loob.

"Mom, are you okay?"

Nagsimula akong tubuan ng pagtataka kung bakit siya umiiyak at pangamba dahil baka may problema siyang kinakaharap ngayon ng hindi ko nalalaman.

"I-I'm okay, anak! Don't worry about me, you can sleep na with G-Gian."

Napatango na lamang ako kahit hindi niya naman nakikita.

I should ask her why she's crying. Pero bukas na lang dahil pagod na pagod talaga ako at gusto ko ng matulog.

Sana naman hindi masyadong mabigat ang problemang pinapasan ng mama ko.

&&&

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon