Kabanata 6

5 3 1
                                    


Gabi na at nandito kami sa kusina ni Gian para magluto. Nanatili lang akong naka-pangalumbaba sa counter top habang pinagmamasdan ang kaniyang malapad na likod. Abala siya sa pagluluto ng kare-kare.

Nag-isip ako ng pwedeng pag-usapan dahil kanina pa siyang tahimik bagaman ay pasulyap-sulyap sa 'kin.

"Gian, ano ako sa 'yo?" bigla kong tanong.

Binalingan niya ako bago kumunot ang noo. "What do you mean? Hindi ba obvious na girlfriend kita? Soon to be my wife? My everything?"

Mahina akong napatawa bago ngumuso para itago ang ngiti. "Ano kasi, I mean. Ano ang tingin mo sa 'kin? I just wanna know."

Ngumiti siya saka tumitig sa akin, gumapang ang tingin niya sa bawat parte ng aking mukha bago itinagilid pakanan ang kaniyang mukha saka napakurap-kurap na parang bata.

"You know, I see you as a mellow music. So relaxed, soft, and calm. Now I'm melting," nakangiting sambit niya.

Napa-iwas ako ng tingin bago hinawakan ang dalawa kong pisngi nang maramdaman ang pag-init nito.

How can he do this to me? Gian nga naman.

"Hmm, eh ikaw? Anong tingin mo sa 'kin?"

Bumaling ako sa kaniya nang ibinalik niya sa akin ang tanong. Tumitig ako sa kaniyang mukha habang nag-iisip.

"Hamog, hamog na palagi kong nakikita sa umaga," natatawa kong sambit.

He chuckled bago tumingin sa niluluto niya. "Why? I'm interested to know the reason behind that answer of yours."

Natawa ako bago umiling. "I don't know, basta kapag nakakakita ako ng fog sa umaga ay palagi kitang naiisip."

Nginitian niya lang ako bago pinatay ang apoy saka inihain na ang pagkain.

"Luto na 'to, tara kain na."

Kinabukasan ay wala namang nangyaring bago, buong araw lang kaming nanood ng palabas sa tv ni Gian. Nagluto saka nagkuwentuhan. Nang gumabi naman ay nakipag-video call si Dianne sa akin habang umiiyak.

Nag-break sila ng boyfriend niya.

"Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang? Bakit ang dali niya akong ipinagpalit?" Humahagulgol nitong pinunasan ang screen ng phone niya. Naluluha na rin ako habang nakikita ang mapula niyang mga mata dahil sa kaiiyak.

"Ano ba kasing nangyari?" naiiyak kong tanong.

Natulala siya sa screen bago napasinghot saka tumulo na naman ang bagong batalyon ng luha sa kaniyang mga mata.

"Pagkauwi ko kahapon, n-nakita ko siya. Sa kuwarto namin. . . May nakapatong sa kaniyang babae, ang sakit. Ang sakit-sakit! Putang ina niya, sana hindi na lang ako umuwi rito sa Japan. Sana nanatili na lang ako diyan sa Pilipinas." Bigla na naman siyang napahagulgol saka pinunasan ang screen ng phone.

"Pwede ka namang manatili kasi rito eh, you can go back here." Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata.

Ngayon ko lang nakitang umiyak ang kaibigan ko ng ganito kalala. Bihirang umiyak si Dianne, hindi ko lubos akalain na iiyak siya ng dahil sa lalake.

I wanna hug her and say that she deserves better. But she's too far.

I see her as a strong woman, and seeing her like this broke my heart.

"Ewan ko ba, matagal ko ng alam na niloloko niya ako pero hinayaan ko siya. Hinayaan ko siyang gaguhin ako ng ganito, kasalanan ko rin naman kung bakit nasasaktan ako ngayon."

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakinig sa mga hinaing niya. Inilagay ko ang posisyon ko sa posisyon niya. Pa'no kapag si Gian ang nagloko? Iiyak din ba ako katulad ng pag-iyak ni Dianne ngayon?

Naloko na rin ako, oo. Pero hindi gano'n kasakit dahil hindi ako nagpakatanga kay Steven.

Pamilya talaga sila ng mga manloloko eh. Sana pala hindi ko pinakilala ang bestfriend ko sa lalaking 'yon. May kasalanan din ako kay Dianne.

Ano kayang nararamdaman ng mga taong manloloko? Masaya kaya? Ni minsan ba ay nalungkot sila knowing na may nasaktan silang damdamin? O sumaya sila dahil inaakala nilang kina-cool nila ang pagiging manloloko?

Pero kapag si Gian ang nanloko sa 'kin? Kaya ko bang magalit sa kaniya? Sa palagay ko, handang-handa pa akong tanggapin siya basta manatili lang siya sa aking tabi. Gano'n ko siya kamahal na ang pakawalan siya ay hindi ko kaya.

Bigla akong siniklaban ng kaba sa isiping mahiwalay kay Gian. Hindi ko kakayanin 'yon.

Natapos ang pag-uusap namin ni Dianne nang bahagya siyang kumalma. Napagdesisyunan niya rin na pumunta na lang sa Canada at gamitin ang isang buwang bakasyon doon. Inaya niya pa ako pero tumanggi naman ako kaagad dahil kailangan ko ring pumunta sa doctor para sa check up.

Nalungkot naman siya pero kalauna'y naintindihan niya rin naman ang sitwasyon ko.

Pumasok na ako sa kuwarto at nadatnan si Gian na tulog habang nakadapa. Pumunta ako sa gilid ng kama saka bahagyang yumuko para titigan ang kaniyang inosenteng mukha.

"Parang hindi mo naman yata kayang magloko, 'no?" wala sa sariling tanong ko.

Nagulat na lang ako sa biglaan niyang paghila sa aking braso dahilan para masubsob ako sa kaniyang dibdib. Ngayon ay nakapatong ako sa kaniya samantalang nakapikit niya naman akong niyakap ng mahigpit.

"I don't have a plan to cheat on you, don't worry." May ngiti sa labing sambit niya, napangiti na lang ako ng tipid bago isinandal ang ulo sa kaniyang dibdib.

"Siguraduhin mo lang, puputulin ko kasi 'yang ano mo," pagbabanta ko na ikinatawa niya.

"That's scary, I will never cheat."

Hindi ako sumagot kaya nanatili ang katahimikan sa paligid namin. Akala ko nakatulog na siya pero bigla ulit siyang nagsalita.

"Reychelyn mahal," malambing niyang bulong.

"Hmm?"

"If ever I die, I wanna be a cat."

Nagtataka akong napa-tingin sa kaniya at napakunot ang noo nang makita ang seryoso niyang mukha.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi siyam ang buhay no'n, 'di ba? Gusto kong manatili nang matagal sa tabi mo," nakangiti niyang sambit.

"Grabe, hindi ka pa naman mamamatay. Pero napag-usapan na rin naman ang pusa. Anong kulay ng pusa ang gusto mo? May balak kasi akong mag-alaga ng pusa eh," nangingiti kong sabi.

"Sige, mag-ampon tayo ng pusa." Natawa ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Kulay puti na may kaunting bulaw sa tuktok ng ulo. Iyon ang gusto kong klase ng pusa."

Napatango-tango ako saka napa-ngiti bago nagsalita, "Maganda nga 'yon! Excited na akong mag-ampon ng pusa."

Hindi siya nagsalita at nang pagtingala ay nakita ko ang kaniyang mga matang nakapikit habang may ngiti sa labi.

Napangiti rin naman ako bago tinangay sa mahimbing na pagkakatulog.

&&&

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon