Nanaig sa aking pandinig ang nakakaistorbong tunog. Napabangon ako nang may biglang tumawag sa phone ko. Papungas-pungas pa ako bago kinuha iyon sa side table saka sinagot."Hello? Who is this?" Hindi ko maimulat ang aking mga mata sapagkat inaantok pa talaga ako.
Anong oras na kaya? Sino ang istorbong 'to?
"Hi?" boses ng lalake ang narinig ko sa kabilang linya.
"Sino ka?" malumanay kong tanong.
"Ex mo."
I rolled my eyes and I was about to turn off the phone but he said something that made me stopped halfway.
"Nandito ako sa labas ng condo mo, lumabas ka."
Kumunot ang aking noo at tila nawala ang aking antok dahil sa inis na nararamdaman.
Anong ginagawa niya sa harap ng condo namin ng boyfriend ko? Gano'n na ba siya kawalang hiya para pumunta rito? Nang-iinis ba talaga siya?
"Bakit? Anong oras pa lang? Saka pa'no mo nalaman ang condo ko? Baliw ka ba?" singhal ko.
"Kapag hindi ka pa lumabas, mage-eskandalo ako rito."
Napa-buntong hininga ako saka sumulyap sa aking tabi. Mas lalong kumunot ang noo ko nang hindi ko nakita si Gian.
Nasaan na naman kaya 'yon? Lumabas ba siya? Bakit hindi siya nagpaalam sa 'kin? Isa pa ang lalaking iyon, kapag aalis eh hindi man lang nagpapaalam. Sabi niya magpapaalam na siya kapag aalis.
Tumingin ako sa orasan at namilog ang mata nang makitang tanghali na.
Dali-dali akong lumabas saka hinanap si Gian, wala nga siya sa kusina at hindi ko siya nakita sa kahit anong sulok ng bahay.
Nasa'n na naman ba kasi 'yon?
Baka naman lumabas lang para bumili ng pagkain? Oo, gano'n nga. Babalik din 'yon mamaya.
Naglakad ako papuntang pinto bago tamad na binuksan iyon. Nakita ko naman si Steven na nakatingin sa kaniyang wrist watch. May bitbit din siyang plastic bag na may Tupperware sa loob no'n.
"Kanina pa ako rito," himutok niya bago ako binalingan. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nakailang tawag na ako sa 'yo, sisirain ko na sana 'yang pinto kanina buti na lang napigilan ko pa."
"Pake ko? Sinabi ko bang puntahan mo ako rito? Saka ano bang kailangan mo sa 'kin?" diretsong tanong ko na lang.
Nanunuya siyang ngumiti bago iginawad ang pagkain na dala niya. "Oh, tita told me na palaging noodles lang ang kinakain mo. And me as your concern ex-boyfriend, pinagluto kita."
Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ano? Noodles? Patawa? Eh palagi kayang nagluluto si Gian.
Saka bakit kinakausap pa 'to ni mama? Alam niya naman na manloloko ang lalaking 'to eh.
"I don't want that, ipagluluto ako ni Gian mamaya. Kainin mo na lang 'yan, salamat na lang." Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niya akong pinigilan.
Nawala ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
"Are you okay? Kailan ka huling pumunta sa doctor mo?" nag-aalangan niyang tanong.
Nagtaka naman ako kung bakit tinatanong niya iyon. Kailangan niya pa bang malaman?
Like, he is my ex and I have a boyfriend. Hindi ba siya natatakot kay Gian?
Tanda ko pa nga noong nasuntok siya ng boyfriend ko sa bar dahil lumapit siya sa 'kin. Tandang-tanda ko pa kung gaano kagalit ang mukha ni Gian habang paulit-ulit na sinusuntok si Steven.
Tapos ngayon, pumunta pa talaga siya sa harap ng condo namin. Paano kapag nasaktuhan siya ni Gian? Pa-uwi na 'yon, alam ko.
"Wala ka na roon, bitawan mo nga ang kamay ko. Magagalit si Gian, ayoko ng gulo. Tigilan mo na ako, Steven ha," inis kong sambit bago tinabig ang kaniyang kamay.
"What the fvck, Gian is—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil isinara ko na ang pinto. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga bago tumalikod sa pinto.
Halos mapatalon ako nang makita si Gian na nakangiti sa aking harapan.
"Ang aga mo naman yatang nagising," sarkastikong usal niya.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi bago ngumiti.
Tama, nasa comfort room siya kanina kaya hindi ko siya nakita.
"Sorry, ngayon lang ako nagising. Nakapagluto ka na?" mahinang tanong ko.
Nakangiti siyang tumango sa akin bago nagsalita, "Oo, baka nga malamig na dahil ngayon ka lang gumising."
Tumawa naman ako bago pinagsalikop ang aming mga kamay.
Naglakad kami papuntang kusina at nang may nakitang pagkain sa mesa ay bumaling ako kay Gian.
"Ikaw nagluto nito? Mukhang masarap ah," nakangiting sambit ko.
Hindi siya kumibo at nanatiling nakatingin lang sa 'kin. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang bawat parte ng aking mukha na para bang sinasaulo niya.
Tumitig naman ako sa kaniya bago hinawakan ang kaniyang pisngi gamit ang nanginginig kong kamay.
"Please, promise me that you will never leave me. Don't leave me, hmm?" Ngumiti ako para pigilan ang namimintong luha sa aking mga mata sa tangkang pagtulo nito.
Ngumiti rin siya sa 'kin bago pinunasan ang luha sa aking mga mata. Napa-pikit ako nang patakan niya ng halik ang gilid ng aking labi. "Let's eat, alam kong gutom ka na."
"No, ipangako mo munang hindi mo ako iiwan. Huwag mo akong iiwan," bulong ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit saka sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Doon ako tahimik na umiyak.
"Sssh, stop crying. Let's eat, baby. Come on."
Pinigilan ko ang paghagulgol bago kumalas ng yakap saka tumalikod sa aking boyfriend.
Binuksan ko ang hawak kong phone and I dialed my Doctor's number. Mabilis niya naman iyong sinagot ng tumawag ako.
"A-Available ho ba kayo bukas? Pwede ba akong pumunta sa ospital? Sabi kasi ni mama ay hindi na muna ako pupunta sa ospital pero kasi— kasi parang may problema, parang may mali at hindi ko na maintindihan," halos hindi na ako makahinga habang nagsasalita.
"Calm down, hija," malumanay na sambit ng nasa kabilang linya. "Of course, you can go here. We'll talk about it, okay? Calm down."
"O-Okay, thank you ho."
Pinatay ko na ang tawag bago pumikit saka ilang beses humugot ng malalim na paghinga. I took the courage to look at Gian, I saw him smiled at me and later on. . . Parang biglang natabunan ng makapal na hamog ang kaniyang pigura.
"Gian. . . Gian, huwag muna," pagmamakaawa ko.
Sinubukan ko siyang abutin pero parang napakalayo niya gayong nasa harapan ko lang naman siya. Bigla akong nilamon ng panlulumo nang makita ang kaniyang pag-ngiti.
Sumubok ulit akong abutin siya at bawiin sa makapal na hamog na bumabalot sa kaniya ngunit hindi ko siya mahawakan.
"Let's have a date tommorow?" narinig ko na lang ang malambing niyang tanong.
Napatingala ako habang patuloy sa pag-iyak, maya-maya'y tumango ako ng ilang ulit bago pilit na ngumiti.
"Yes, let's have a date tommorow."
&&&
![](https://img.wattpad.com/cover/317027287-288-k175691.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Say Farewell
RandomHe is funny, handsome, kind, and I see his every imperfections shining beautifully. I love him so much to the point that losing him means losing myself, too. He was considered as my Home but it turns out that he is also my Atlantis that I can't sav...