Kabanata 5

5 3 0
                                        

Sa pagmulat pa lamang ng aking mga mata ay si Gian agad ang nabungaran ko.

I smiled before caressing his cheek, he's so cute while sleeping. He looks so peaceful while hugging me like he doesn't want to let me go. Well, I will never go without him.

I can't imagine myself living with another man. I only imagine living with Gian and we will have kids after we get married. I just want to be with him, I love to be stock in his arms until forever. 

Hindi ako mapapagod na pagmasdan ang mukha niya at hinding-hindi ako mapapagod na mahalin siya. Sigurado ako roon.

"I'm melting." Natauhan lang ako nang bigla siyang nagsalita habang nakapikit pa rin. Kanina pa pala akong nakatitig sa kaniya.

"Good morning, mahal," malambing kong sambit.

I chuckled when he yawned before he opened his eyes. He stared at me for a little while before smiling like an idiot.

"Good morning, gasul ko. May laway ka pa sa pisngi, dugyot mo naman." Inaantok niyang pinunasan ang natuyong laway sa pisngi ko. "Buti na lang talaga, mahal na mahal kita."

"Cheese," natatawa kong bulong.

"You love cheese, tho."

Natawa kaming pareho bago ko mas isiniksik ang sarili sa kaniya. Tumingala ako at nakitang nakatitig siya sa akin habang nakangiti.

"You're so beautiful," malambing niyang bulong.

"Napaka-gwuwapo mo, akin ka lang. Kanino ka nga lang?" nakangisi kong tanong.

Natawa siya bago hinalikan ang aking kaliwang mata. "Kay Reychelyn lang."

"Correct, very good."

"Yehey!"

Natawa ako saka mahinang kinurot ang kaniyang tagiliran.

"Parang hindi ka pa pwedeng maging tatay ah, isip bata ka pa rin." Natawa ako nang bigla siyang bumusangot.

"What? Kaya kong maging tatay ng sampong magiging anak natin. Kahit pagsabay-sabayin ko pa kayong kargahin, kayang-kaya ko," mayabang niyang usal na ikina-ngiwi ko.

"Ang yabang mo porke't ang laki-laki ng katawan mo. Maliit naman yung ano."

"Yung ano?" Pinandilatan niya ako ng mata kaya bigla na naman akong tumawa. "Lakas ng boses mo kapag ano tapos sasabihin mong maliit, patawa ka?"

"Ang yabang! Edi ikaw na malaki!"

"Bastos ka talagang gasul ka."

Natawa kaming pareho at nang mapagod ay natigil din.

Tumitig ulit ako sa kaniya bago nag-salita. "If one of us dies, I hope I die first," mahinang usal ko sapat na para marinig niya.

Napansin ko ang dahan-dahang pagkawala ng ngiting nakapaskil sa kaniyang mapulang labi.

"Why?" mahinang tanong niya.

Yumakap ako sa kaniya nang mahigpit saka isinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. Napa-pikit ako saka marahang nagpakawala ng buntong hininga.

"Because I don't wanna live without you."

Tumagal pa kami sa kama habang nagku-kwentuhan at nagpaplano sa darating na hinaharap. Tawa ako ng tawa sa mga biro niya hanggang sa napagpasiyahan namin na bumangon na dahil naalala kong nandito pala si mama sa condo.

Naliligo pa si Gian sa banyo kaya nauna akong lumabas. Papunta na sana ako sa isang kwarto nang bigla akong natigilan. Nagtago ako sa dingding at pinakinggan si mama na naroon sa kusina habang may katawagan sa telepono.

"I thought. . . I thought I will never see that smile again but then, last night, I saw it! She looks so happy, I don't want to ruin her smile. Please, five days and I will bring my daughter to you. Not now, not now that she looks so happy."

"Mom?" Nakita kong naibaba niya agad ang phone bago gulat na napabaling sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko nang makitang may luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "Are you crying? Why? May problema ba sa kompanya?"

Aligaga niyang pinunasan ang luha bago ngumiti saka umiling. "Wala anak, don't worry about me. By the way, where's Gian?"

"Ahh, naliligo pa po." Napatingin ako sa mesa saka napa-ngiti. "Wow, you cooked these?"

"Yes, of course." Tumayo siya saka pinaghila ako ng upuan. Nang maka-upo ako ay hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. "I love you so much, anak. Always remember that."

"I love you too, mom. You're so sweet," malambing kong usal bago ko siya niyakap.

Napa-ngiti siya saka hinalikan ang aking pisngi, "Let's eat na."

Na-upo na siya saka kumuha ng pagkain samantalang napatingin naman ako sa pinto ng kuwarto.

"Mom, hintayin natin si Gian. Mabilis na rin naman 'yon, hintayin na natin."

Wala akong narinig na tugon mula kay mama kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin bago nag-iwas ng tingin.

"Yeah, sure. Let's wait for Gian."

Ilang minuto kaming naghintay hanggang sa lumabas na nga si Gian sa kuwarto. Napangiti agad siya nang nagkatitigan kami.

"Ang tagal mong maligo, kanina pa kami naghihintay sa 'yo," himutok ko sa kaniya.

Natawa naman ang boyfriend ko bago umupo sa aking tabi.

"Syempre, nag-hilod kasi ako. Palibhasa kasi, hindi ka naghihilod. Gasul ka talaga," natatawa niya pang sambit.

Bigla ko siyang hinampas sa inis, "Naghihilod kaya ako!"

"Oy, nakakahiya kay tita. Umayos ka nga, lakas mo manghampas."

Nahihiya naman akong napatingin kay mama na nakatitig lang sa 'kin. Nang makitang nakatingin ako ay ngumiti siya bago ipinag-patuloy ang pagkain.

Nahihiya akong tumingin sa aking plato saka sinimulan ko na ring lantakan ang nasa plato ko.

Pagkatapos kumain ay si mama pa sana ang maghuhugas kaso tumanggi ako dahil bisita siya. Nang mag-alas siyete ay nagpaalam siya na aalis na dahil may tumawag galing sa kumpanya at kinakailangan siya roon.

"Kailangan ko na talagang gumaling ng husto para 'di ka na nahihirapan sa kumpanya," problemadong sambit ko.

Ngumiti naman siya at nakuha niya pa akong halikn sa noo kahit na nagmamadali siya.

"It's fine, take care! I'll visit you here whenever I have free time. Oh by the way, don't go to the hospital muna."

Tatanungin ko pa sana siya kung bakit kaso naglakad na siya papuntang elevator. Napanguso na lamang ako.

Sinara ko na ang pinto bago bumaling kay Gian na naka-upo sa couch habang nanonood ng tv.

Tumingin siya sa akin saka inilapat sa ere ang braso bago ngumiti. Pumunta naman ako sa kaniya saka na-upo sa pagitan ng kaniyang binti. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa aking katawan.

Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib bago pinaglaruan ang kaniyang kamay.

"Let's have a date tommorow?" malambing niyang usal.

Natigilan muna ako bago tumingin sa pinanonood namin. Hindi ko naman iyon maintindihan pero sinubukan kong ituon roon ang aking atensyon.

Minuto ang lumipas na hindi ako tumugon sa tanong niya. Narinig ko ang kaniyang pag-buntong hininga bago isinandal ang ulo sa aking balikat.  

"I will wait until you're ready, I love you so much," malambing na bulong niya.

Palihim kong pinunasan ang luha sa aking mga mata.

"Hmm, hindi pa kasi ako ganoon kagaling. Sumasakit pa ang ulo ko kaya saka na lang. I'm so sorry talaga, mahal," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

Naramdaman kong ipinagsalikop niya ang aming mga kamay.

Sa paraang iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

Because by that. . . I know, he did understand my situation.

&&&

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon