Nanatiling nasa labas ang aking paningin habang pinakikinggan si mama na nagsasalita habang nagda-drive.
"Sabi ng Doctor, huwag ka na raw munang papasok sa trabaho because you needed rest. Naiintindihan mo ba ako, Reychelyn?" mahabang turan ni mama.
I nodded without looking at her. I heard her sighed before giving me silence that I truly appreciate.
I need to reminisce what happened that day. But it's hard. Lalo pa't hindi sinasabi ng mga taong nakapaligid sa 'kin kung ano bang nangyari kung bakit ako na-ospital.
They are all frustrating, para bang may tinatago sila sa 'kin.
Tapos isa pa ito si Gian, hindi man lang ako dinalaw sa ospital noong nagising ako sa mahigit limang buwan na pagkakatulog.
Anong klaseng boyfriend ba siya? Ipinagpalit niya na ba ako habang nakaratay ako sa hospital bed? How dare him?
Sa ganda kong 'to, hindi bagay sa 'kin ang ipagpalit lang. Aba siya.
Kukurutin ko talaga iyon sa tagiliran pagdating sa condo namin. Naiirita ako.
Nang makarating sa condo ay hindi na pumasok si mama dahil may tumawag sa kaniya galing opisina. Dahil nga kailangan ko munang magpahinga, siya na muna ang nagpapatakbo ng family business namin.
Simula kasi nang mamatay ang papa ko ay ako na ang inasahang magpatakbo ng company. It's tiring, of course. Lalo pa't bago pa lang ako sa larangan ng pagma-manage ng company.
Pero dahil sa tulong ng boyfriend ko na bihasa na yata sa pagpapatakbo ng mga business ay hindi naman kami nalugi. All thanks to his oh so smart mind. Magaling din siya sa critical thinking, isa rin iyon sa nagustuhan ko sa kaniya.
Bonus na nga lang yata ang kaguwapuhan niya eh.
Kung hindi lang kami nagkabanggaan sa library noong college ay sana wala pa rin akong boyfriend hanggang ngayon.
Yes, he's not my first boyfriend of course. Pero kapag nawala siya sa akin, hindi na ako mag-aasawa. Kumbaga, huli na siya. Hindi na ako maghahanap ng iba dahil alam ko namang walang makakatumbas sa pagmamahal ko sa kaniya.
Saka, mag-four years na rin kami.
"Hey," bati niya pagkapasok ko.
I only stared at him, he's innocent eyes stared back at me. Nakaupo lang siya sa couch habang ang mga paa ay nakapatong sa maliit na lamesang nasa harapan niya. May hawak din siyang remote bagaman ay nakapatay ang tv.
"Anong pinaggagagawa mong letse ka?" may inis sa tonong sambit ko.
He smiled before squeezing his perfectly shaped nose. Aba, nakuha pang ngumiti ng loko.
"Hindi ba obvious? I was patiently waiting for you," he said while pouting his pinkish lips.
Napa-irap na lang ako bago namewang. "Then why you didn't visited me in the hospital? Ni anino mo, hindi ko nakita! Hindi ka ba nag-aalala sa 'kin?" Humina ang boses ko nang tumayo siya sa pagkakaupo saka naka-krus ang brasong naglakad papunta sa harap ko. Matapang ko siyang tiningala."Of course, I did. Wala naman yatang matinong boyfriend ang hindi mag-aalala sa girlfriend niya hindi ba? Tss." He smirked before eyeing my poutingly lips. "Pumunta kaya ako sa ospital, but you're sleeping. Hindi na kita ginising."
Pabuntong hininga niyang inangkla ang dalawa niyang braso sa aking bewang bago natigilan saka ako nginiwian.
"Aiish! Hindi ka ba kumakain sa ospital?! Namayat ka ah," puna niya pa na ikina-irap ko.
"Ang pangit ng lasa ng mga pagkain sa ospital. Hintay ako ng hintay na dadalhan mo 'ko ng pagkain pero, waley."
Kinalas ko na ang braso niya bago ako naglakad papuntang kusina. Nakasunod naman siya sa 'kin habang nagpapalagatik ng dila.
BINABASA MO ANG
Don't Say Farewell
DiversosHe is funny, handsome, kind, and I see his every imperfections shining beautifully. I love him so much to the point that losing him means losing myself, too. He was considered as my Home but it turns out that he is also my Atlantis that I can't sav...