Kabanata 9

4 3 0
                                    

Yung tipong perpekto na ang relasyon niyo pero bigla na lang malulusaw? 'Yong kahit pilitin mo mang ayusin ay hindi na pwede dahil kamatayan na ang sumira nito.

He was my angel when I'm in my lowest. He stayed even though he's tired understanding my mood.

Bakit siya pa kung puwedeng ako na lang ang nawala?

He's so precious.

Bigla kong naalala ang una naming pagkikita.

Our relationship started when I and him bumped into each other at a library. Nagalit ako no'n at sinamaan siya ng tingin.

Noong time na 'yon ay sariwa pa sa 'kin ang sakit na dulot ng panloloko sa 'kin ni Steven. Kaya naibunton ko sa kaniya ang galit ko.

"Ang laki mong tao tapos babanggain mo 'ko? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, mister!" singhal ko sa kaniya bago pinulot ang mga librong nasa sahig.

Tumayo lang siya roon at hindi man lang ako tinulungan. Aliw pa nga siya habang pinanonood akong nahihirapan sa pagkuha ng malalaking libro.

Tumingala ako sa kaniya saka sinamaan na naman siya ng tingin. Inosente niyang itinagilid ang kaniyang ulo bago nagpalagatik ng dila. Para siyang butiki sa ginagawa niya.

"Wala ka bang good manners?" inis kong sambit.

Napa-upo naman siya sa harap ko saka walang hirap na pinulot ang mga libro. Hanggang sa hindi ko sinasadyang mapatitig sa seryoso niyang mukha.

Perfection. Iyon ang salitang pumasok sa utak ko nang napagmasdan ko siya. Hindi naman siya mukhang masungit, ang bawat pagkurap niya ay nakakaengganyong pagmasdan dahil sumasabay ang may kahabaan niyang pilikmata.

Tumingin siya sa akin at bahagyang nagulat bago ngumiti, biglang sumingkit ang mga mata niya sa ginawang pag-ngiti.

Umiwas ako ng tingin saka tumayo nang maramdamang may gumapang na kiliti sa aking batok.

"Saan ko 'to ilalagay, ate?"

Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sa 'kin. Anong ate? Eh halos magka-edad lang naman kami base sa id niya, mas matanda pa nga yata siya sa 'kin eh.

Matanda na ba akong tignan?

Nakakunot noo na lang akong naglakad papunta sa bakanteng mesa na nasa loob ng library. Inilapag niya roon ang mga libro.

Naupo naman ako at nagtaka nang umupo rin siya sa harapan ko saka binuklat ang mga makakapal na libro na nasa aming harapan.

"Babasahin mo itong lahat, ate?" baritono niyang tanong.

"Oo, kailangan kong mag-aral ng mabuti." Pairap kong hinablot sa kaniya ang isang libro saka nagsimulang magbasa.

Ramdam ko ang titig niya sa 'kin pero hindi ako tumingin sa kaniya at pinilit ko na lang na intindihin ang binabasa ko.

"Oy, Gian. Happy birthday, inom tayo mamaya?"

Sumulyap ako nang may lalaking lumapit sa mesa saka binati ang lalaking nasa harap ko.

"Pass, mag-aaral ako mamaya."

Napa-ngisi ang lalaking lumapit bago sumulyap sa 'kin. "Naaks, bagong buhay na ba? O pakitang tao lang?"

Mahinang tumawa ang lalaking tinawag na Gian bago sinuntok ang kaibigan niya. "Shut the fvdge up."

"Gago," natatawang bulong nung kaibigan niya bago magpaalam at umalis.

Nagtataka naman akong tumingin sa lalaking nagngangalang Gian bago nagsalita, "Birthday mo?"

"Ewan, nakalimutan ko rin." Nahihiya siyang ngumiti.

"Happy birthday."

Umiwas siya ng tingin bago kinuha ang isang libro sa mesa. "Kahit kailan ay hindi naging masaya ang birthday ko."

Hindi ko na sana siya tatanungin kung bakit pero bigla akong naging interesado sa hindi malamang dahilan.

"Bakit naman?" mahina kong sambit.

Akala ko mapapahiya na ako dahil hindi niya sasagutin pero maya-maya'y nagsalita siya.

"My mother died when I was born, that's why I don't celebrate my birthday."

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto ng kotse habang inaalala ang unang senaryong nangyari kasama ang boyfriend ko.

Paumaga na nang nagsawa akong umiyak, napagdesisyunan kong umuwi na dahil kahit gaano pa ako katagal dito sa park ay hindi na magpapakita pa si Gian.

Tuluyan na niya akong nilisan kanina.

Bigla na naman bumigat ang pakiramdam ko at lumabo ang mata ng dahil sa pagluha. Pinalis ko iyon saka humugot ng malalim na buntong hininga. 

Sinimulan kong paandarin ang kotse pero maya-maya'y biglang sumiklab ang sakit sa aking ulo.

Napahawak ako rito at natulala na lang sa manibela.

Biglang nanlabo ang mga mata ko nang umanod ang mga ala-ala sa aking isipan.

Ang unang senaryo ay nasa condo kami habang nanonood ng tv.

"Let's have a date tommorow?"

"Sure, ako ang magda-drive ah."

"Ang yabang mo porke't marunong ka ng mag-drive. Ako naman ang nagturo sa 'yo," nakangiting usal niya.

Ang sumunod naman ay nakangiti si Gian habang kumakain ng ice cream. Nasa park kami at ang sunod na senaryo ay ang nagpa-luha sa akin.

Nasa loob kami ng kotse at ako ang nagda-drive, masaya kaming nagkukuwentuhan nang may biglang sumalubong na rumaragasang truck papunta sa sinasakyan namin.

Niyakap ako ni Gian. . . He tried to protect me by that.

Nayupi ang unahan ng kotse at nakita ko ang duguang mukha ng boyfriend ko habang nakatitig sa 'kin.

Biglang nablangko ang utak ko sa mga ala-alang nakita at ang tanging nagawa ko na lamang ay pumikit habang umi-iyak.

Napahawak ako sa puso kong paulit-ulit sa pagkirot. Ngayon ay naiintindihan ko na ang dahilan ni mama kung bakit ayaw niyang sabihin sa 'kin kung bakit ako na-ospital. Alam niyang masasaktan  lang ako kapag naalala ko.

Ayon din yata ang dahilan niya kung bakit ayaw niya akong palabasin ng condo dahil inilalayo niya ako sa balitang wala na si Gian.

Inilayo nila ako sa katotohanan.

My boyfriend protected me, I'm the reason why I lost him.

Sana pala iniliko ko ang kotse nang makita ang paparating na truck. Sana hindi muna kami umalis sa park at nanatili muna roon. Edi sana buhay pa siya ngayon at kasama ko.

I failed to save him, I failed him.

"Don't blame yourself."

Bumalik ang sinabi sa 'kin kanina ni Gian at mas lalo akong napahagulgol.

How can I do that? Paano akong hindi magagalit sa sarili ko?

Ako ang dahilan kung bakit siya namatay. Paano ko hindi sisisihin ang sarili ko sa katotohanang iyon?

He deserves to be happy.

Mapapatawad ko pa kaya ang sarili ko sa gitna ng reyalidad na nawala siya ng dahil sa 'kin?

&&&

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon