Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata habang nakatulala sa buwan na bahagyang natatakpan ng makapal na ulap.The shining stars are sprinkled all over the vast sky adding to the beauty of the night. But even the sky is beautiful, hindi nito mababago ang nararamdaman ko.
I can't handle my heavy heart, this feeling frustrates me big time. I don't wanna face the reality.
Ayokong tanggapin ang reyalidad at damhin ang sakit ng katotohanan.
"Anak, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas." Bumaling ako kay mama at tipid na ngumiti.
Nandito siya kanina pa at sinabi kong pupunta ako ng ospital bukas. Hindi naman siya nagsalita at nanatili na lamang walang kibo sa usaping iyon.
"Mama, bakit wala akong maalala?" nanghihina kong tanong.
Simula nang biglang nawala si Gian kanina ay bigla akong nilamon ng mga katanungan at kalituhan. Nangunguna na ro'n ang tanong na, 'Bakit wala akong maalala?'
Gusto kong malaman. . . Kung paano nawala sa 'kin si Gian.
"Matulog ka na, kailangan mo ng pahinga." Tumalikod na sa 'kin si mama pero hinuli ko agad ang kaniyang braso.
"Mom, please. Tell me, I'll try to accept it."
Napapagod na bumaling si mama sa akin bago marahang inalis ang aking kamay. "You need rest, go and sleep."
Nanlulumo na lamang akong napayuko saka pinunasan ang luha. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay napaupo ako sa sahig saka niyakap ang dalawang tuhod. Nanatili akong nakatanaw sa nakabukas na bintana.
Mag-isa ako, bakit parang binabalot ako ng dilim? Bakit parang pumapasok sa katawan ko ang panghihina?
Gusto kong makita si Gian. Gusto ko siyang yakapin pero bakit hindi ko siya mahagilap?
I need him right now, I wanna see his smile while telling me that everything will be alright.
Bigla akong napa-pikit nang may maramdamang yumakap sa akin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo.
"Stop crying na," malambing niyang bulong. "Let's go, ngayon na tayo mag-date. Gusto mo?"
Alam kong nasa loob lang ng utak ko ang mga nangyayari pero gusto ko siyang makasama. Gustong-gusto ko siyang yakapin dahil kahit anong oras ay pwede siyang mawala na parang bula.
So I nodded, nang tumayo siya saka inilahad ang palad ay tinanggap ko iyon. Lumabas kami ng condo nang hindi napapansin ni mama.
Pagkababa sa ground floor ay hinanap ko agad ang kotse ko bago pumasok doon. Pinaandar ko iyon nang hindi tumitingin kay Gian. Ramdam ko ang kaniyang titig sa 'kin.
"Saan tayo? Sa mini park ba?" nakangiti kong tanong bago siya sulyapan.
"Oo, let's go there."
Tahimik kami sa loob ng kotse hanggang makarating sa mini park na tinutukoy ko. Bumaba kaming dalawa at inilibot ko agad ang aking paningin sa paligid.
Walang tao dahil alas-dose na ng gabi.
Napabaling ako kay Gian nang hawakan niya ang aking kamay. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya.
Dumiretso kami sa isang bench bago umupo at sabay tumingala sa maliwanag na buwan. Iisang lampara lang ang nagsilbing liwanag sa kinauupuan namin.
"Natakot ako kanina, akala ko hindi na kita makikita." Natawa ako saka tumingin sa kaniya.
"Pwede ba 'yon? Magde-date pa tayo," nakangiti niyang sabi bago bumaling sa 'kin. "By the way, dala mo ba phone mo?"
"Yes, why?" nagtataka kong usal.
"Wala lang, natanong ko lang naman." Kinabig niya ako papalapit sa kaniya saka niyakap. Napasubsob ako sa kaniyang dibdib. "Alam kong wala kang nararamdamang pag-tibok diyan pero bakit hindi ka nagtataka?"
"Kasi ayokong tanggapin," mahinang sambit ko.
Pinalagatik niya ang kaniyang dila bago nagsalita, "Hindi ka magiging masaya kapag pinili mong lumayo sa reyalidad."
"Ayos lang, basta kasama kita. Basta nahahawakan kita, nayayakap kita, nahahalikan kita. Mas pipiliin kong tumakbo sa reyalidad kasi sasaya lang ako kapag kasama kita, Gian." Humigpit ang yakap ko at mas isiniksik ang sarili sa kaniya.
"Pero hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo 'ko, naiintindihan mo ba? Kailangan mong tanggapin. Alam kong nasasaktan ka, pero darating ang araw na hihilom ang sugat na tinamo mo galing sa 'kin. Kaya mo 'yan, mahal. Balang araw ay makakalimutan mo rin ako."
Tumingala ako sa kaniya at sunod-sunod na tumulo ang aking luha nang makita ang matamis niyang ngiti.
"Sasama na lang ako sa 'yo, sasama na lang ako kung saan ka man pupunta. Isama mo na lang ako, babe." Napahagulgol na ako habang nakatingala sa kaniya.
"Bawal, ano ka ba? Magkikita rin naman tayo, pangako ko 'yan. At sa puntong iyon, mananatili na ako sa 'yo." Pinunasan niya ang aking pisngi saka hinalikan ang aking noo. "Napaka-iyakin mo naman talaga."
"Edi huwag mo 'kong iwan para hindi ako umiyak," nagsusumamo kong sabi.
Napa-ngiti lang siya at pinagpatuloy na lang ang pagpunas sa aking luha. Hindi ako tumigil sa pag-iyak kahit na sumasakit na ang aking mata.
Ang sunod na nangyari ay hindi ko na namalayan, nakatayo na kami habang sumasabay sa saliw ng kanta.
Sa ilalim ng napakaraming bituin at maliwanag na buwan, isinayaw ako ng lalaking pinakamamahal ko.
Nanatili kaming nakatitig sa mata ng isa't isa bago ako nagsalita, "Parang bituin ang mga mata mo. Hindi nakaka-sawang titigan."
Nginitian niya ako bago pumikit saka inilapat ang noo sa akin. Patapos na ang kanta pero parang ayokong tumigil, pwede bang manatili kaming ganito?
Napa-pikit na lang ako nang maramdaman ang malambot niyang labi. Dinama ko ang bawat galaw nito.
Nang pakawalan niya ang labi ko ay nagsimula na naman akong umiyak ng tahimik.
"I love you, Reychelyn. Be happy without me, don't blame yourself. Palagi mong alagaan ang sarili mo, hmm?" malambing niyang bulong sa tainga ko.
Ilang beses akong tumango bago hinawakan ang kaniyang pisngi saka siniil ng halik. Nang pakawalan ko iyon ay tinitigan ko siya.
"Fulfill your promise, babalik ka sa 'kin ha?"
Nakangiti siyang tumango at biglang dumausdos ang aking kamay nang bigla siyang umatras.
"Aalis na ako, mahal na mahal kita."
Naiiyak kong hinuli ang kaniyang kamay bago siya lamunin ng papalapit na makapal na hamog.
"Mahal na mahal din kita, hihintayin kita kahit ga'no pa katagal. Basta bumalik ka sa 'kin! Mahal na mahal kita, Gian."
Napa-pikit ako sa pag-iyak nang hindi ko na maramdaman ang kamay niya. Parang bata akong naagawan ng laruan nang makita ang ngiti ng boyfriend ko.
"Good bye, baby. I love you so much."
Huli niyang sinabi bago nawala sa makapal na hamog.
Ngayon ay alam ko na kung bakit na kapag nakakakita ako ng hamog ay siya ang naiisip ko. Hindi ko naman akalain na ganito pala.
Totoo ngang isa siyang makapal na hamog na nakikita ko sa umaga at sa pagdungaw ng araw ay lilisan.
Ngayon ay naiwan akong lumuluha, isinisigaw ang pangalan niya.
&&&
BINABASA MO ANG
Don't Say Farewell
RandomHe is funny, handsome, kind, and I see his every imperfections shining beautifully. I love him so much to the point that losing him means losing myself, too. He was considered as my Home but it turns out that he is also my Atlantis that I can't sav...