Kabanata 2

10 4 2
                                    

Mga araw ang tila nalagas kasama si Gian. Hindi kami lumalabas ng condo dahil bawal iyon sa akin, baka raw mabinat ako.

Bagaman ay lumalabas lang ako kapag pupunta sa ospital.

Linggo-linggo rin akong pinupuntahan ni mama para samahan sa weekly check ups ko. Natanggal na rin noong isang araw ang benda sa aking ulo dahil hindi na raw kailangan.

So technically, day by day I'm feeling better and better. Sana magtuloy-tuloy na para makapagtrabaho na rin ako. Saka, I wanna date Gian. Deserve niya 'yon dahil palagi siyang nakakulong dito sa bahay para alagaan ako.

At heto nga siya ngayon, inaasar na naman ako. Maybe, teasing me is part of his daily basis. Mula umaga hanggang gabi ang pang-aasar niya sa akin.  Natatawa na lang ako dahil sa huli'y siya rin naman ang napipikon. Parang gago lang.

"Oh 'di ba? Para ka na namang gasul," walang hiyang usal niya habang tinititigan ako.

Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa aking katawan at may naka-ikot din na maliit na tuwalya sa buhok ko. Samantalang naka-upo naman si Gian sa kama habang nakatuon ang dalawang palad sa likuran niya, inilalahad ang kaniyang bigat doon.

"'Yan ang gusto ko, malaman. Halika nga rito, gasul ko."

Inirapan ko siya nang ilapat niya sa ere ang dalawang braso na para bang sinasabi niyang lumapit ako.

No way, alam ko na naman ang kabastusang gagawin ng kumag na 'to.

"Tigilan mo 'ko, Gian." Tinalikuran ko siya bago umupo sa harap ng salamin saka kinuha ang pang skin care ko.

Sinimulan ko na ang paglalagay ng cream sa aking mukha. Saka ko kinuha ang lotion and I applied it to my skin.

Nang titingnan ko na sana sa salamin si Gian ay narinig kong napa-tikhim siya at mabilis na nagtungo sa may pintuan.

Bumaling ako sa kanya gamit ang nagtatanong kong mga mata. "Why?" nagtatakang sambit ko.

I notice his uneasiness and he can't look at me directly.

"Your towel, oh shit."

Natatawa kong pinulot ang towel na biglang nahulog sa sahig saka pinulupot ulit sa aking katawan.

"Sige na, labas na nga," natatawa kong usal.

Natatawa kasi ako sa mukha niyang sobrang pula eh.

Nanatili lang siyang nakatayo habang nani-ningkit ang mga matang nakatitig sa 'kin.

Pasimple kong kinalas ulit ang tuwalya kaya nahulog ulit ito sa sahig. Narinig ko na naman ang mahinang pagbulong niya ng sunod-sunod na mura.

"Can we, uhm?" nahihiya niyang tanong.

Pinigilan kong tumawa habang inaayos na naman ang tuwalya sa katawan ko.

"Lumabas ka na kasi!" kunwaring sigaw ko.

Nagpalagatik na naman siya ng dila bago padabog na lumabas sa kuwarto.

Doon ako napahalakhak habang naglalakad papunta sa cabinet para maghanap ng damit kong isusuot.

I choose pajama and a red oversized shirt. Nang lumabas na ako ng kuwarto para kumain ay nadatnan ko si Gian na nag-aayos ng mga plato sa mesa.

Napatingin siya sa akin saka umirap, pinagtaasan ko siya ng kilay habang naglalakad ako papunta sa mesa.

"Kumain ka na, gasul." Umupo siya samantalang umupo naman ako sa harap niya.

Kahit medyo naiinis ay nilagyan niya pa rin ng pagkain ang plato ko. Bigla akong napangiti ng palihim lalo na nang napagmasdan ko ang pagiging seryoso niya.

Don't Say Farewell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon