KABANATA I

2.2K 47 3
                                    

Kasalukuyang nasa Batanes si Karylle upang magpahinga. Nais niyang magpakalayo-layo muna sa stress at problema sa trabaho, pamilya, at boyfriend.


Unang araw palang nya sa Batanes. Katatapos pa lang niyang kumain at gumagayak na sya para sa kanyang pamamasyal. Nagvovolunteer ang may-ari ng hotel na si Manang Rosita na dalhin ang dalaga sa isang beach doon. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, dumating na sila sa lugar na sinasabi ng matanda.

MANANG: Narito na tayo hija. Ito yung isa sa mga beach na dinadayo ng mga turista dito.

KARYLLE: Ang ganda po dito, Manang. Hindi po ako nagkamali sa pagpunta dito. Salamat po!

MANANG: Walang anuman, hija. Basta may gusto kang malaman tungkol sa pasyalan dito sa Batanes, sabihan mo lang ako.

KARYLLE: Salamat po talaga! Pasensya nga po pala sa abala. Baka busy kayo sa hotel.

MANANG: Sus! Hindi ka nakaabala sa akin. Masaya akong natulungan kita.


Natapos ang araw ngunit mistulang problemado pa rin si Karylle. Binabagabag pa rin sya ng mga problemang dapat ay iniwan na nya sa Maynila. Dahil mabagal ang wifi connection sa hotel at wala siyang balak gumamit ng cellphone nya, nagsulat nalang sya sa journal nya.

DAY ONE:

Today is my first day here in Batanes. I was not able to enjoy it that much because my mind is still on work and on him. I hope I will keep my mind off of unnecessary things by tomorrow. Day one is over.


Kinabukasan, mag-isang lumabas si Karylle dahil may inasikaso si Manang Rosita sa hotel. Dahil hindi sya pamilyar sa lugar, naglakad nalang sya kung saan sya dadalhin ng kanyang mga paa. Nagpunta sya sa ilang mga lugar doon at kumuha ng mga litrato. Abala sya sa pagpipicture kaya hindi nya namalayan na may naglalakad sa likod nya. Nabangga nya ito at muntik na siyang matumba.

KARYLLE: Ay! Sorry.

?: Ayos lang. Pasensya na din. (looks at K) Dayo ka, ano?

KARYLLE: Ah, oo. Namamasyal lang ako dito sa Batanes.

?: Subukan mong magpunta sa Liveng, Chawa viewdeck, o kaya sa Mahatao. Maganda din sa Racuh A Payaman. Napunta ka na ba doon?

KARYLLE: Hindi pa eh.

?: Gusto mo bang magpunta doon? O kaya may kasama ka ba? Pwede ko kayong ipasyal doon.

KARYLLE: Mawalang-galang na kuya. Hindi pa kasi kita kilala. Salamat nalang.

?: Ay! Pasensya na. Ako nga pala si Emar. Dito ako sa Batanes nakatira. Wag kang mag-alala, mabuti akong tao. Ipahanap mo ako sa mga tao dito kapag napahamak ka dahil sa'kin. Tsaka may mga kapatid akong babae at may ina ako.

KARYLLE: (chuckles) Hi Emar! I'm Karylle. Karylle Tatlonghari.

EMAR: Nice to meet you, Karylle. So... Ayos lang bang ipasyal kita?

KARYLLE: Mukhang mabait ka naman and I trust you. Game!

EMAR: Kailan kita ipapasyal? Pwede ako kahit kailan.

KARYLLE: Edi ngayon na!

EMAR: Ngayon na?

KARYLLE: Oo! Ngayon na ngayon na!

EMAR: Halika na!


Sumakay sila sa pickup truck ni Emar. Habang nasa byahe, nagkwentuhan ang dalawa at mas nakilala ang isa't isa.

EMAR: Pang-ilang araw mo na ba dito sa Batanes?

KARYLLE: Pangalawa palang. Tuesday night ako dumating dito.

EMAR: Kamusta naman?

KARYLLE: Okay lang. Dinala ako ni Manang Rosita sa beach.

EMAR: Bakit ka nga pala napunta dito sa Batanes?

KARYLLE: Bakasyon lang. Takas muna sa problema.

EMAR: Hala! Ang problema hinaharap, hindi tinatakasan.

KARYLLE: Hindi ko tinatakasan. Haharapin ko din yun. Kailangan ko lang magpahinga at makapag-isip.

EMAR: Sige. Alam ko na kung saan kita unang dadalhin.

-----------

A/N: I'm back! So this story is what I've been doing for the month of April. Don't worry, I'll update regularly kasi bakasyon naman. I hope you'll love and support this the way you guys did sa Blank Space. That's it for now :D Don't forget to vote and comment (kung gusto nyo lang)


FOLLOW ME:

Twitter: @ZoilaMaeStar

Instagram: @vicerylleland

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon