I.I

376 12 9
                                    

Two years later...
Dalawang taon na ang lumipas mula noong pumanaw si Emar. Tanggap na rin ni Karylle ang nangyari ngunit hindi pa rin nya kinakalimutan ang taong muling nagpangiti sa kanya noong mga panahong sobrang down sya. Kapag may pagkakataon ay nagbabakasyon si Karylle sa Batanes at laging pinupuntahan ang mga naging memorable sa kanya. Dumadalaw rin sya sa puntod ng yumaong kaibigan.

Nasa opisina ngayon si Karylle at kasalukuyang abala sa project na nakaassign sa kanya.
SUNSHINE: Karylle.
KARYLLE: Yes, Sunshine?
SUNSHINE: Nabalitaan mo na ba?
KARYLLE: Alin?
SUNSHINE: Papasok na daw this week yung "heir" ni Mr. Jackstone para daw ma-expose na sya sa environment ng company na imamanage nya soon.
KARYLLE: Ha? Di ba racecar driver yung unico hijo ni Sir Pete.
SUNSHINE: Oo pero pinag-aral sya ni sir para alam nya i-handle tong kumpanya.
KARYLLE: Jusko! Based on what I've heard, may pagkabad boy daw yung anak ni sir.
SUNSHINE: Baka maangas lang ang dating pero mabait. Mabait naman si sir eh.
KARYLLE: Sana.
SUNSHINE: By the way, sa Friday's daw tayo maglunch later.
KARYLLE: Nako, kayo nalang. Hindi ko pa tapos 'tong pinapagawa ni sir.
SUNSHINE: Ay. Sige, sasabihin ko nalang kayla Iza at Diana. Gusto mo ipagtake out ka namin?
KARYLLE: Wag na. Kukuha nalang ako ng microwaveable lunch dyan sa pantry.

Lumipas ang ilang oras. Halos lahat ng mga kaopisina ni Karylle ay naglalunch break na habang sya naman ay nakatayo sa tapat ng printer at hinihintay ang hard copy ng poject na inassign sa kanya.

Bitbit ang mga folders at printed copy ng project, nagtungo na si Karylle sa mismong opisina ng kanilang boss. Nang matanaw sya ng kanyang boss, sinenyasan sya nito na pumasok na sa loob.
PETE: That's it. My decision is final.

Narinig ni Karylle ang ma-awtoridad na boses ng kanyang boss. Akala nya ay may kausap ito sa telepono ngunit pagpasok nya, nakita nya ang isa pang lalaki sa loob ng opisina. Nakatalikod ito at nakaharap sa glass window ng opisina.
PETE: Ms. Tatlonghari, natapos mo yung pinapagawa ko sayo?
KARYLLE: Yes sir.

Habang binabasa at iniinspeksyon ng boss ang kanyang output, hindi mapigilan ni Karylle na silipin muli ang lalaking nakita nya sa opisina. Hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ito at nakacross arms.
PETE: Good job, Ms. Tatlonghari. Hindi ako nagkamaling sayo i-assign ang project na to.
KARYLLE: Ahm... Thank you sir.
PETE: Seems like you really know Batanes, huh?
KARYLLE: Kind of sir.
PETE: I also heard that you've been visiting Batanes for the past two years. Am I right?
KARYLLE: Yes sir.
PETE: Okay. I want you to go there again.
KARYLLE: Po?
PETE: Yes. For work, of course. Batanes will be the featured destination on our March issue.
KARYLLE: Sir, that's three months from now. And dapat mafinalize yan by February. Sir, hindi po sa nagrereklamo po ako pero Jan---
PETE: That's why you are leaving tomorrow morning.
KARYLLE: Sir, bisperas na po ng Pasko ngayon. Baka po mahirapan akong kumuha ng ticket. And New Year na po next week.
PETE: I know. That's why I already asked someone to book your flight. Everything is on the company, from your plane ticket up to the meal you're going to eat. Wala ka nang iintindihin. Just pack your stuff and do your job. That's it. Don't worry, since it's holiday season, I'll pay you triple for this job.
KARYLLE: Sige po, sir, pero ano po exactly ang dapat kong gawin sa Batanes?
PETE: Savor every bit of it. Interact with the locals, explore the place, learn from them, have fun.
KARYLLE: Ibig nyo pong sabihin, I'll go there to "savor every bit of it" and transfer it to the magazine?
PETE: Exactly! People nowadays want to read stories. People tend to get bored and lose interest if it's purely facts and informational.
KARYLLE: Okay... How about the photos, sir? May sasama po bang photographer sa akin? Mark is our finest photographer.
PETE: No. Mark will be covering the February issue.
KARYLLE: Who will take photos sir?
?: I will.

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon