KABANATA XV

626 29 5
                                    

Days passed. Nakaready na ang gamit ni Karylle. Binalot na nya sa crepe paper na blue ang regalo nya at tinalian ito ng gold lace.

ZSAZSA: Anak, ready ka na? Baka malate ka sa flight mo.

KARYLLE: Ready na, Ma. I guess he's nagtatampo na because I haven't greeted him yet.

ZSAZSA: That's your plan, di ba?

KARYLLE: Yes. He'll think na I forgot pero magugulat sya kasi nandoon ako.

ZSAZSA: Wag mo na pakawalan 'tong guy na 'to ha? I haven't met him yet pero boto na ako sa kanya.

KARYLLE: Let's go, Ma!

Nasa eroplano na si Karylle at hindi sya mapakali. Excitement, kaba, tuwa, at nerbyos ang nararamdaman nya ngayon. After two hours, lumabas na sya ng eroplano. Tila may kung anong kaba ang naramdaman nya.

Sumakay sya ng tricycle papunta sa hotel ni Manang Rosita. Nawala naman ang kabang naramdaman nya nang makita ang nakaparadang pickup truck ni Emar sa tapat.

KARYLLE: Timing! Nandito sya.

Nabigla si Manang Rosita sa pagdating ni Karylle at ganoon din si Babot. Niyakap ni Manang Rosita si Karylle.

MANANG: Napadalaw ka, Karylle! Namiss kita dito.

KARYLLE: Namiss ko rin po kayo, Manang. Isusurprise ko po sana si Emar.

MANANG: Babot.

BABOT: Sige, Karylle. Pwede ka bang sumama sa bahay?

KARYLLE: Sige po kuya.

Sumama na si Karylle kay Babot at nagpunta na sila sa bahay nila Babot. Kinakabahan sya dahil hindi palakibo si Babot. Pagdating nila sa bahay nila Emar, sinalubong sya ng ina ni Emar at niyakap sya nito.

KARYLLE: Kuya, bakit nyo po ako dito dinala sa bahay nyo? Nasaan nga po pala si Emar?

BABOT: Ka--- Karylle, may sasabihin kasi kami. Si Emar... Wala na si Emar.

KARYLLE: Ano pong ibig nyong sabihin?

BABOT: Wala na sya. Patay na sya.

KARYLLE: (O.O)

Nais magsalita ni Karylle ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig nya. Tumulo na ang luha mula sa kanyang mata at napaupo nalang bigla sa sahig. Ang nasa isip lang nya, kung panaginip man ito, gusto na nya magising. Kung nantitrip lang sila Emar, sana nga biro lang ang lahat.

Sakto din naman na dumating si Ferdie. Kinausap sya ni Babot. Si Karylle naman ay inaalalayan ni Rosario dahil baka bigla itong himatayin. Pinipilit syang ilabas ang nararamdaman nya dahil masama sa puso ang pagpipigil ng iyak. Nang maging okay na si Karylle, sinimulan na ni Ferdie magkwento.

>>>FLASHBACK<<<

Lumapag na ang eroplano at nagbibigay na ng huling paalala ang mga flight attendant. Nasa NAIA 3 na sila. Kinalabit na ni Ferdie si Emar.

"Brad, nandito na tayo."

"Brad, gising na."

"Emar, nasa Maynila na tayo."

Hindi pa rin gumigising si Emar. Niyugyog na nya ito ngunit wala pa din. Tinawag na nya ang atensyon ng flight attendant. Lumapit naman ito kasama ang medic. Kinapa nito ang pulso ni Emar. Nabahala ito nang mapagtantong walang beating mula dito. Binaba nila si Emar at isinakay sa ambulansya.

Pagdating nila sa ospital, agad na dumating ang doktor at chineck ang kalagayan ni Emar. Nirevive nila ito. Kinabitan ng kung anu-anong apparatus. Pero wala na.

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon