KABANTA XII

612 26 1
                                    

Kinabukasan, may unexpected visitor na naman si Karylle. Akala nya ay mapapahinga sya ngayon na day off nya pero nagkamali sya.

KARYLLE: What are you doing here?

ZSAZSA: Anak, can I talk to you? I can go on with our situation like this. Please hear me out.

KARYLLE: Alright. Pasok ka.

Pinapasok ni Karylle ang kanyang ina sa loob ng condo unit nya. Nagtimpla sya ng kape para dito. Hinayaan nyang magkwento sa kanya ang kanyang ina.

ZSAZSA: I never had the chance to talk to you about this before kasi you were too young then. Yes, it's true that we had a perfect life before but I had to leave your dad because we are not his first family. I'm not his legal wife, but trust me, I didn't know na mayroon na syang asawa nung naging kami. Noon lang nagsink in sa akin kung bakit hindi nya akong niyaya magpakasal.

KARYLLE: What happened doon sa wife nya talaga?

ZSAZSA: She came back from Australia. Nagulat sya nang makita tayo sa bahay ng papa mo. She asked your dad kung sino tayo and your dad denied us. He said na magkaibigan lang kami and ikaw daw yung inaanak nya. Namamasko ka lang daw.

KARYLLE: He denied us? Paano nya nagawa yun? Pero how come na nakapagstay ako sa bahay nya and ikaw hindi?

ZSAZSA: He made up a story. Your papa really loves you kaya he said na pansamantala ka daw na magsstay sa bahay nya because I'll be working abroad. Walang mapag-iiwanan kaya sa kanya ka muna titira.

KARYLLE: Was that true?

ZSAZSA: No. I never left you. Lagi kitang binabantayan. Then, I met Conrad. Your dad didn't bother anymore kasi nung pinaiwan ka nya doon, yun na din ng pagtatapos ng relasyon namin.

KARYLLE: Pero minahal mo ba si Papa talaga? Or napilitan ka lang kasi dumating ako sa buhay nyo?

ZSAZSA: I really loved him, kaya nga nagkaroon kami ng anak. And that's you.

KARYLLE: So, all this time, Papa's telling me lies? I can't believe it! I'm sorry for judging you, Mama.

ZSAZSA: (cries) After all these years, you called me "Mama" once again.

KARYLLE: (smiles) I'm sorry, Ma. (hugs Zsa Zsa)

ZSAZSA: So, can we forget about the past and start over?

KARYLLE: Yes, Ma. Kalimutan na natin yun.

ZSAZSA: My flight is on the first day of April. Sasama ka na ba sa akin?

KARYLLE: Wala ako dito sa Manila that time.

ZSAZSA: Bakit? Where are you going?

KARYLLE: I'll be leaving on the 31st of March. Pupunta ako sa Batanes.

ZSAZSA: Anong gagawin mo doon? Business trip?

KARYLLE: No, Ma. I'll be surprising a friend for his birthday.

ZSAZSA: Oh, it's a guy. Is he your boyfriend?

KARYLLE: No but I like him.

ZSAZSA: How did you guys meet?

KARYLLE: (narrated everything that happened in Batanes)

ZSAZSA: Wow! That guy's a keeper! Boto ako sa kanya, anak.

KARYLLE: Grabe naman, Ma. Di pa nga nanliligaw sa akin si Emar tsaka hindi naman nya ako gusto.

ZSAZSA: Malay mo naman. You're beautiful inside and out. Hunghang lang ang lalaking di magkakagusto sa'yo.

KARYLLE: Thanks Ma.

Nagbonding na ang mag-ina. Naging komportable si Karylle sa kanyang ina kaya nagkwento ng mga kaganapan sa buhay nya, mainly ang nangyari sa Batanes. Pinakita nya ang mga pictures nila doon pati na rin ang pictures ng sceneries.

Sa Batanes naman, gumagawa na si Emar ng ipanreregalo nya kay Karylle sa birthday nito.

EMAR: Kuya! May tela pa ba kayo dyan?

BABOT: Meron pa '. Anong kulay?

EMAR: Blue. Pwedeng makahingi?

BABOT: Light blue or dark blue?

EMAR: Kahit ano, basta blue.

BABOT: Silk, cotton, o spandex?

EMAR: Ano bang maganda?

BABOT: Lahat.

EMAR: Bahala ka na kung ano. Basta telang blue.

BABOT: (abot ng tela) Ito na oh.

EMAR: Salamat.

BABOT: Para saan ba yan?

EMAR: Regalo ko kay Karylle.

BABOT: In love talaga 'tong kapatid ko oh!

EMAR: Siya na yung hinahanap ko, kuya. Siya na yung babaeng ihaharap ko sa altar.

BABOT: (chuckles) Kailan nga pala ang alis mo?

EMAR: March 20.

BABOT: Kailan ang balik mo?

EMAR: March 25. Limang araw lang kami doon.

BABOT: I-segue mo na rin kaya yung pagpapacheck up mo doon. Atleast doon, may magagandang ospital. Para alam na rin natin yung sitwasyon ng kalusugan mo.

EMAR: Kailangan pa ba yun? Okay naman na ako. Nadadaan naman sa tulog at mefenamic acid yung sakit ng ulo ko.

BABOT: Wala namang mawawala kung magpapacheck up ka. Kailangan lang natin malaman yung mga dapat nating gawin para mabawasan.

EMAR: Sige, tignan natin.

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon