Kinaumagahan, late nang nakapasok si Karylle sa kanyang trabaho, which is very unusual. Akala ng mga kaibigan nya, aabsent ang dalaga.
SUNSHINE: First time ata na late ka.
KARYLLE: Nalate na ako ng gising eh.
IZA: Let me guess, telebabad ka na naman with your forever.
DIANA: Uy si K!
KARYLLE: Hindi ah! Well, yes magkausap kami pero di naman babad sa phone.
SUNSHINE: Kayo na ba?
DIANA: Oo nga. Ang mundo nyo yata, sa isa't isa nalang umiikot.
KARYLLE: I don't know. We're close friends. That's it.
IZA: Special friends.
KARYLLE: Yes, special friends. Pero di kami lovers.
After work, agad na umuwi si Karylle sa condo unit nya. Nagulat sya dahil may babaeng nakaabang sa tapat ng pintuan nya. Hindi nya alam kung matutuwa sya o magagalit.
KARYLLE: What are you doing here?
ZSAZSA: Anak, susunduin na kita. Isasama na kita sa Canada.
KARYLLE: How many times do I have to tell you na I won't go there?
ZSAZSA: Karylle, do we have to discuss this all over again? Tinalikuran na tayo ng ama mo.
KARYLLE: I know. Tinalikuran nya tayo because you chose that architect over him!
ZSAZSA: Di na kami nagkakaintindihan ng papa mo. Tsaka di okay ang buhay natin with him.
KARYLLE:Correction, okay ang buhay natin before. Ikaw lang ang walang kuntento sa kung ano ang nabibigay sa atin ni Papa. Kaya sumama ka dyan kay Conrad kasi nabibili nya lahat ng pinagtututuro mo!
ZSAZSA: (slaps Karylle)
KARYLLE: See? Iba na talaga. Kahit akong anak mo, nagagawa mo nang saktan.
ZSAZSA: I didn't mean to do that. Sumosobra na kasi yang mga sinasabi mo.
KARYLLE: Please leave.
ZSAZSA: Karylle. Please just this once, listen to me. Sumama ka na sa akin sa Canada. Atleast doon, kasama mo ako. Hindi katulad dito, mag-isa ka. Paano pag may nangyari sa'yo?
KARYLLE: Dapat inisip mo yan years ago bago mo ako iniwanan. Pero para lang alam mo, I'm twenty-five years old now. Hindi na ako yung kinse anyos na bata na umiyak noong iniwan sya ng nanay nya. Marami nang nag-iba sa loob ng sampung taon.
ZSAZSA: Let me make it up to you.
KARYLLE: Wala na. Hindi na pwede. Sampung taon na akong mag-isa at nakayanan ko. I know I can make it din in the years to come.
ZSAZSA: Anak naman. I won't ask you to live with me there under the same roof kung ayaw mo. Bumukod ka kung gusto mo basta ang gusto ko lang, nasusubaybayan kita. Yung malapit ka lang sa akin.
KARYLLE: Ayoko.
ZSAZSA: Ano bang dapat kong gawin, Karylle?
KARYLLE: Umalis ka na. Bumalik ka na doon sa boyfriend mo.
ZSAZSA: Please don't do this, anak.
KARYLLE: Umalis ka na please... bago ko pa makalimutan na nanay kita.
Niyakap ni Zsazsa ang dalaga ngunit hindi sya nito niyakap pabalik. Binigay nya ang isang envelope sa anak bago umalis.
ZSAZSA: In case you change your mind, ito ang pera pamasahe mo papuntang Canada. Alagaan mo palagi ang sarili mo, anak. Mahal na mahal ka ni Mama.
Tuluyan nang umalis si Zsa Zsa. Si Karylle naman ay hindi na nacontrol ang pagbagsak ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Sa totoo lang, sabik na sabik syang makita ang kanyang ina at gusto nya itong yakapin ng mahigpit. Ngunit kailangan nyang magpakatigas at maging matapang sa harap ng kanyang ina na umiwan sa kanya.
BINABASA MO ANG
When In Batanes (A Vicerylle Story)
FanfictionSi Karylle ay nagpunta sa Batanes upang makapagpahinga mula sa mga problema nya. Magkukrus ang landas nila ng isang lalaking Ivatan habang nasa bakasyon sya. Sino ang lalaking ito? Ano ang karakter na gagampanan nya sa buhay ni Karylle? Babalik kaya...