KABANATA XVI

956 38 3
                                    

Sumunod na nagpahatid si Karylle sa isang hill malapit sa beach. Hapon na kaya hindi na nya problema ang init mula sa araw. Bumaba sya ng pickup truck bitbit ang mga gamit nya.

FERDIE: Karylle, wait! May nakalimutan akong ibigay. (abot ng papel)

KARYLLE: Ano 'to?

FERDIE: Yan yung sulat ni Emar nung nasa eroplano kami. Dito daw nya sinulat lahat ng gusto nyang sabihin sa'yo. Hinanda nya yan kasi baka daw may makalimutan syang sabihin sa'yo. Baka daw mautal sya. Tsaka ito pala yung regalo nya. (abot ng box)

KARYLLE: Salamat.

Habang naglalakad si Karylle, hindi nya maiwasang mapaluha dahil sa mismong lugar na ito sila "officially" nagmeet ni Emar.

" Hi miss! Ako nga pala si Jose Marie Viceral. Emar nalang." bati ni Emar

"Anong trip mo, Emar?" sagot naman ni Karylle

"Makiride ka nalang. New start. Kinalimutan mo na kanina yung mga problema mo. Gusto ko ang first official meeting natin, masaya ka. Nakangiti ka."

"Okay. Simulan mo ulit."

"(clears throat) Hi miss! Ako si Jose Marie Viceral, Emar for short."

"Hi Emar! I'm Ana Karylle Tatlonghari, K nalang ang itawag mo sa'kin. I'm from Manila."

"Oh Manileña. Nice to meet you, K. (offers his hand)"

"Nice to meet you too, Emar. (shakes hands with Emar)"

Naupo na sya sa damuhan at sinimulang basahin ang sulat ni Emar.

Hi Karylle! Nag-ipon ako para makapunta ako dito sa Maynila. Gusto kasi kita surpresahin sa birthday mo. Yung regalo ko sa'yo sana nagustuhan mo. Pinagtulung-tulungan namin yan gawin. Napansin ko kasing maporma ka kaya scarf ang ginawa ko. Hindi ako sanay manahi, pasensya na kung panget. Yung burda, nagpaturo ako kay Nanay. Paborito mo ang blue, di ba? Ayun. Ang pakay ko talaga dito sa pagpunta sa Maynila ay aminin sa'yo ang nararamdaman ko. Oo, ikaw yung babaeng tinutukoy ko doon sa kwento ko. Ikaw yung babaeng sinasabi kong sa maghintay sa akin. Ikaw yung babaeng nakikita kong kasama kong bubuo ng pamilya at makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Simula nung araw na mabunggo mo ako, naramdaman ko nang ikaw ang sagot ng Diyos sa mga panalangin ko. Panay "thank you" mo sa'kin pero ako ang dapat na magpasalamat talaga sa'yo. Dahil sa'yo, nalaman ko ang purpose ko sa buhay. And yung sinabi ko sa'yo na "Ichaddao ko imo... Panayahen mu yaken" sa airport, ang ibig sabihin nun ay mahal kita at sana hintayin mo ako. Hintayin mo akong magkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa'yo na mahal kita. Na handa akong sumugal sa pag-ibig para lang sa'yo. Mahal kita Karylle. Mahal na mahal.

KARYLLE: Mahal din naman kita Emar. Kung pwede ko lang ibalik yung nakaraan, sasabihin ko sa'yo na mahal din kita. Baka hindi ganito ang ending natin. Sana masaya tayo.

Dahil gabi na, ginamit ni Karylle ang regalong scarf sa kanya ni Emar. Naglakad sya papunta sa beach sa ibaba. Tumingin sya sa langit. May isang bituin na biglang kumislap. Napangiti sya at iniisip nyang si Emar yun.

KARYLLE: Hi Emar. Kasama mo na yung tatay mo dyan. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Always look after me ha? You're now my angel. (smiles) We're apart but not in the heart. When I look at the stars, you're always next to me.


Dumampi ang malamig na hangin sa balat ni Karylle at muling kumislap ang bituin sa kalangitan.




wakas.




A/N: That's it! Thank you for reading and supporting "When In Batanes"! Salamat sa mga tumutok sa istorya nila Emar at Karylle. Umiiyak po ako habang sinusulat yung mga huling chapters. Sorry. Wag nyo po akong patayin. Ayun, tapos na. Dios mamajes!

I'll be back soon with the continuation of "Blank Space". I know hinihintay nyo yun.

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon