KABANATA IV

816 32 1
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Karylle. at nagtungo sya sa coffee shop malapit sa hotel. Walang tao sa shop dahil siguro maaga pa masyado. Kumuha sya ng kape at cookies at binayaran na nya. Naupo sya kung saan tanaw nya ang dagat. Nagulat naman sya nang dumating si Emar. May hawak itong juice at tinapay. Naupo sya sa harap ni Karylle.

EMAR: Kapian kapanu dius si cha mavekhas!

KARYLLE: Ha? Anong sinasabi mo? Minumura mo ba 'ko?

EMAR: (chuckles) Hindi. Binati lang kita ng "good morning".

KARYLLE: Good morning din sa'yo!

EMAR: Mavid ka.

KARYLLE: Ano na naman yan?

EMAR: Ang ganda mo.

KARYLLE: Maganda? Bagong gising lang ako halos. Ni hindi pa nga ako nakakapag-ayos. Naghilamos lang ako.

EMAR: Ang ganda mo pa rin. Bagay pala sa'yo ang kulot na buhok.

KARYLLE: Wag mo 'kong bolahin, Emar.

EMAR: Hindi ako nambobola. Tsaka nandito tayo sa Batanes, particularly sa Honesty Coffee shop. Bawal ang sinungaling.

KARYLLE: Oo na! Sige na. (whispers) Kung di ka lang gwapo eh...

EMAR: Ano?

KARYLLE: Wala!

EMAR: Sige, sabi mo eh. Ready ka na ba mag-explore ulit?

KARYLLE: Syempre! I'm starting to love Batanes na. Saan ba tayo pupunta ngayon?

EMAR: Pupuntahan natin yung isang village doon na puro Ivatan houses. Tsaka mga simbahan. Magsuot ka nalang ng kumportableng damit.

KARYLLE: Bakit?

EMAR: Sasakay tayo ng bangka.

KARYLLLE: Okay.

EMAR: Sige. Pupuntahan nalang kita sa hotel mamaya.

KARYLLE: Okay. I'll see you later.

After an hour, nakagayak na si Karylle. Nagpunta na sya sa lobby at nakita nya si Emar na kausap si Manang Rosita.

MANANG: Oh, nandito na pala si Karylle.

EMAR: Sige po. Mauuna na po kami. Magkita nalang po ulit tayo mamaya.

MANANG: Sige. Mag-iingat kayo.

Bumiyahe na sila Emar at Karylle papunta sa kabilang isla. Pagdating nila doon, nagkwento na si Emar tungkol sa lugar na 'yon. Si Karylle naman ay nakikinig lang at nagpipicture.

EMAR: Bahay 'to ni Ferdie, pinsan ko. May kukuhanin lang ako saglit ha?

KARYLLE: Sige.

EMAR: Ferdie! Ferdie! Si Emar 'to!

Lumabas na si Ferdie. Halos kasing taas ito ni Emar at payat. Inabot nito ang isang bayong na naglalaman ng isda kay Emar.

FERDIE: Ayan na yung binilin ng kuya Babot mo.

EMAR: Salamat!

FERDIE: Teka lang! (whispers to Emar) Sino yang kasama mo?

EMAR: Ah, Ferdie, si Karylle. Kaibigan ko. Karylle, ito si Ferdie. Pinsan ko.

FERDIE: Hi Miss Beautiful! Nice to meet you!

KARYLLE: Hi Ferdie! Nice to meet you too!

EMAR: Sige na, insan. Mauuna na kami.

FERDIE: Dios mavidin!

EMAR: Dios mamajes!

Nagpunta na sila sa isang simbahan doon. Nakatingin si Emar kay Karylle habang nagdadasal ito. Nang matapos silang magdasal, nanatili sila sa loob ng simbahan.

EMAR: Ano'ng dinasal mo?

KARYLLE: Nagpapasalamat ako sa Kanya. Nagpasalamat ako na finally gumagaan na ang pakiramdam ko. Talagang sinadya Nya yata na mabangga kita kahapon eh. Nagpasalamat ako na nakilala kita. Instant friend, tourguide, at service. Ikaw? Ano'ng pinagdasal mo?

EMAR: Ikaw. Pinagdasal kita. Hiniling ko sa Kanya na tulungan ka Nya at liwanagan. Hiniling ko sa Kanya na hayaan kang palaging masaya kasi mas maganda ka pag nakangiti ka. Nagpasalamat din ako na ginawa Nya akong instrumento para mapagaan ang loob mo kahit papaano.

KARYLLE: Salamat Emar. (hugs) Hindi ko alam kung paano ko masusuklian lahat ng tulong mo sa'kin.

EMAR: Hindi ko na kailangan ng kahit ano, Karylle. Basta mapangiti kita at alam kong okay ka, ayos na ako doon.

KARYLLE: Salamat talaga Emar.

EMAR: Siya nga pala... Birthday ng nanay ko ngayon. Iimbitahan sana kita sa handaan mamaya.

KARYLLE: Ayos lang sa'kin kaya lang hindi ba nakakahiya sa inyo? Hindi ko naman kayo kaanu-ano...

EMAR: Okay lang yun. Kaibigan kaya kita. Tsaka matutuwa sila lalo si Nanay kasi may iba siyang mukhang makikita. Sigurado akong umay na umay na sya sa mukha namin ni Kuya.

KARYLLE: (chuckles) Sige na nga.

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon