After eating, nagpunta na sila sa next desination nila. Parang hills ulit ang pinuntahan nila pero this time mas maganda kasi walking distance lang papunta sa beach. Nagpicture pa si Karylle dahil sobra siyang namangha sa lugar.
EMAR: Ilang araw ka ba dito sa Batanes?
KARYLLE: Sa--
EMAR: Wait! Bago ka pala magsalita, tayo ka muna ulit.
KARYLLE: Okay...
Tumayo si Karylle. Si Emar naman ay pinagpagan ang kanyang damit at inayos ang kanyang buhok. Lumapit sya ng bahagya kay Karylle.
EMAR: Hi miss! Ako nga pala si Jose Marie Viceral. Emar nalang.
KARYLLE: Anong trip mo, Emar?
EMAR: Makiride ka nalang. New start. Kinalimutan mo na kanina yung mga problema mo. Gusto ko ang first official meeting natin, masaya ka. Nakangiti ka.
KARYLLE: Okay. Simulan mo ulit.
EMAR: (clears throat) Hi miss! Ako si Jose Marie Viceral, Emar for short.
KARYLLE: Hi Emar! I'm Ana Karylle Tatlonghari, K nalang ang itawag mo sa'kin. I'm from Manila.
EMAR: Oh Manileña. Nice to meet you, K. (offers his hand)
KARYLLE: Nice to meet you too, Emar. (shakes hands with Emar)
Hindi naubusan ng kwento sa isa't isa sila Emar at Karylle. Nagkuwentuhan sila ng mga magagandang bagay sa buhay nila, at hindi mga problema. Pagkatapos, bumaba sila papunta sa beach.
EMAR: Alam mo, dito sa lugar na 'to ako nagpupunta palagi. Lalo na pag gabi.
KARYLLE: Bakit? Anong ginagawa mo dito?
EMAR: Wala. Maglalakad-lakad tapos hihiga ako dito sa buhangin habang nakatanaw sa mga bituin. Paborito ko sila eh.
KARYLLE: Kaya ba may mga tattoo kang stars?
EMAR: Oo. Para sa'kin kasi, ang mga bituin ang daan para makausap natin yung mga taong malalayo sa atin. Pati yung mga imposible mo nang makausap ulit.
KARYLLE: So, dito sa lugar na 'to, dito mo kinakausap yung tatay mo?
EMAR: Oo. Tsaka alam mo ba na ang mga bituin, matatatanda na yan. Daang taon, libong taon, milyong taon na yan. So posibleng yung taong kinakausap mo sa pamamagitan nila ay inabutan talaga nila noong nabubuhay pa.
KARYLLE: Pag bumalik ako ng Maynila, kakausapin pa rin kita through them.
EMAR: Pinapatay mo na ako?
KARYLLE: Hindi! Ang ibig kong sabihin, makakausap pa din kita kasi iisang langit lang ang sumasakop sa atin. Ang mga bituin na nakikita ko, nakikita mo rin kahit magkalayo tayo ng lokasyon.
EMAR: Ayos ah! Sige para tuloy-tuloy pa rin ang komunikasyon natin.
Pababa na ang araw kaya napagdesisyunan ni Emar na ihatid na si Karylle pabalik sa hotel. Pagkadating nila sa hotel, nagpasalamat si Karylle kay Emar.
Nagpunta na si Karylle sa kwarto nya. Naligo muna sya at muling nagsulat sa journal nya.
DAY TWO:
It's my second day here in Batanes. Today, I met someone, a new friend. His
name is Emar. He's tall and... pogi. I owe him a lot because he helped me
forget about my problems for the meantime and nilibre nya ako ng lunch. He
even volunteered to be my tourguide. Shoot! I forgot to ask him kung saan
kami magkikita bukas. Anyway, day two is over.
BINABASA MO ANG
When In Batanes (A Vicerylle Story)
FanficSi Karylle ay nagpunta sa Batanes upang makapagpahinga mula sa mga problema nya. Magkukrus ang landas nila ng isang lalaking Ivatan habang nasa bakasyon sya. Sino ang lalaking ito? Ano ang karakter na gagampanan nya sa buhay ni Karylle? Babalik kaya...