KABANATA VII

686 32 1
                                    

Kakauwi lang ni Karylle sa condo unit nya. Dahil pagod sa biyahe, pasalampak syang naupo sa sofa. Nadako ang kanyang paningin sa isang box na kasama ng bag nya. Ito ang regalo ni Emar sa kanya. Binuksan nya ito at nakita ang isang figurine ng isang babae na nakasuot ng shirt na may print na "I love Batanes". Mukhang customized ito dahil ang figurine ay may kulot na buhok at may hawig kay Karylle. Napansin nya ang isang piraso ng papel na nakatiklop. Binuksan nya ito at binasa.

Dear Karylle,

Hi! Hindi ako madalas gumawa ng sulat kaya pagpasensyahan mo na sana itong gawa ko. Wala akong masyadong sasabihin pero lahat ng ito ay galing sa puso. Balitaan mo 'ko kung ano na ang nangyayari sa'yo dyan. Siya nga pala, nakagawa na ako ng Facebook account at Skype para makapag-usap naman tayo. Jose Marie Viceral ang name ko sa FB tapos emarviceral ang name ko sa Skype. Ikaw na bahala mag-add ha? Hahahaha.

Nakita mo na ba yung bigay ko sa'yo? Nagustuhan mo ba? Sorry di ko nakuha masyado yung sa eyes mo. Ako ang gumawa nyan. Ginawa ko yan kagabi tapos kaninang umaga ko lang napinturahan. Sana magustuhan mo. Pwede mo yan gamiting display o kaya paperweight pag nagtatrabaho ka.

Osya, alam kong pagod ka na. Magpahinga ka na. Tatawagan nalang kita bukas or itetext nalang kita para iabiso sa'yo yung tatawag ako. Baka kasi matiyempuhang busy ka or nagpapahinga ka pa. Sige. Goodnight Karylle!

- Emar


KARYLLE: (smiles) Thank you. Goodnight Emar.

Sa kabilang dako naman, nasa beach ulit si Vice at nakahiga sa buhangin. Katabi nya ang envelope na bigay ni Karylle. May laman itong handmade necklace. Ang pendant ay shell na hugis halos ng star. Pinagmasdan nya ito at sinuot nya rin ito. Ang sulat naman ni Karylle ay binasa na rin nya.

Dearest Emar,

Thank you for touring me around Batanes. I really had fun. Thanks for showing me around. Please send my thank you's to your Nanay Rosario, Manang Rosita,and your cousins Ferdie and Jojo. Also to Anna. I'm looking forward to having a vacation there again. I have your number naman and you have mine. Sana constant ang communication natin kahit magkalayo tayo.

I'm ready to face the problems that I left here because of you. Salamat sa mga payo mo sa'kin. Naliwanagan ako, seryoso.

Meeting you is absolutely one of the things I am thankful for. Dahil sa'yo ang four-day vacation ko dyan ay naging super sulit at masaya. I will see you soon!

- Karylle

Kinabukasan, maagang gumayak si Karylle para sa trabaho nya. May dala lang siyang isang folder at bag. Pagkadating nya sa opisina, agad siyang nagpunta sa opisina ng boss nya.

MRS. CATACUTAN: Good morning, Ms. Tatlonghari. You're just in time. May project si Mulong sa school which is due on Friday. I also need the financial report sa project sa Cavite. I need it a--

KARYLLE: Sorry to interrupt, Ma'am. But I will not do Mulong's project because I am now tendering my resignation. (gives resignation letter)

MRS. CATACUTAN: Oh. (reads the letter) I am sorry to see you leave, Ms. Tatlonghari. Catacutan-Moh Co. will never be the same without an accountant/secretary like you.

KARYLLE: Ma'am, can I ask one last favor?

MRS. CATACUTAN: Yes, Ms. Tatlonghari.

KARYLLE: Yung sweldo ko po? Kinsenas po kahapon.

MRS. CATACUTAN: Okay. Here it is. (gives cheque)

KARYLLE: Thank you Ma'am.

Pagkauwi ni Karylle, binuksan nya agad ang laptop nya at naghanap ng trabaho. Nagsubmit na sya ng resume and application letter sa mga companies na napili nya. Nagulat sya nang narinig na may nagchat sa kanya.

JOSE MARIE VICERAL:

Hi! Accept mo naman friend request ko. Thank you.

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Hi Emar!!! Naaccept ko na. Kamusta?

JOSE MARIE VICERAL:

Okay naman. Nandito ako ngayon kay Manang Rosita para makapagFacebook. Dito lang may internet. Tutulungan ko si kuya mamaya na mangisda. Ikaw? Nasa trabaho ka ba ngayon?

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Kakagaling ko lang sa office. Nagresign na ako kaya nandito na ulit ako sa condo. Nakuha ko naman ang huling sweldo ko.

JOSE MARIE VICERAL:

Anong sabi ng boss mo?

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Ang plastic nya! Alam mong scripted yung "I am sorry to see you leave, Ms. Tatlonghari. Catacutan-Moh Co. will never be the same without an accountant/secretary like you."

JOSE MARIE VICERAL:

Hahaha. Mawawala na daw kasi yung taga-gawa ng projects and assignments ng pamangkin nya. Mawawalan na sya ng mauutusan.

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Utot nya! Letse. Basta masaya akong nagresign na ako. Emar! Pwede pahingi ng favor?

JOSE MARIE VICERAL:

Ano? Chocolate, vanilla, or strawberry? :D

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

-.-" ang corny.

JOSE MARIE VICERAL:

Sorry na. Pero seryoso, ano?

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Pagdasal mo naman na sana matanggap ako sa trabaho. Bawal akong matagal na nakatengga dito sa condo.

JOSE MARIE VICERAL:

Sige, ipagdadasal ko yan. Sakto, pupunta ako mamaya sa simbahan at may inuutos sa'kin si Father.

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Salamat Emar!!!

JOSE MARIE VICERAL:

Walang anuman. O sige, mamaya nalang ulit. May gagawin pa pala kaming mga souvenirs. Bye!

ANA KARYLLE TATLONGHARI:

Sige. I'll text you nalang. Ingat ka. Bye!!

From: Ysmael Yuzon

Hi Love! I heard you're back here in Manila. Can I take you out on a date later? I miss you.

When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon