Nang makalipas ang ilang minuto, dumating na sila sa unang destinasyon nila. Kasalukuyan silang nasa parang cliff. Niyaya ni Emar si Karylle na maupo sa edge nito. Nag-aalinlangan pa si Karylle dahil natatakot sya.
EMAR: Wag kang matakot. Nasa tabi mo lang ako. Hindi kita hahayaang mahulog.
KARYLLE: (holds Emar's hand and sits beside him)
EMAR: Ayan. Ngayon, langhapin mo lang ang sariwang hangin.
KARYLLE: Pwede ba akong magkwento sa'yo?
EMAR: Oo naman. Ituring mo na rin akong bago mong kaibigan.
KARYLLE: Salamat.
EMAR: Anong gusto mong ikwento sa'kin.
KARYLLE: Yung problema ko. Yung dahilan kung bakit ako nagpunta dito.
EMAR: Okay. Go.
KARYLLE: Ano, may boyfriend ako. Mahal naming ang isa't isa kaya lang nung mga nakalipas na araw, nag-aaway kami. Hindi lumilipas ang isang araw na di kami nag-aaway.
EMAR: Yun lang ang problemang sinasabi mo?
KARYLLE: Isa lang yun. Yung isa, sa trabaho ko. Yung boss ko, okay naman nung simula kaya lang nag-iba nung dumating yung spoiled nyang pamangkin. Projects, homeworks, pati thesis nung bata, ako ang gumawa. Accountant ako ng kumpanyan, hindi yaya ng alaga nya.
EMAR: Baka naman bilib kasi sa'yo yung boss mo kaya sa'yo pinagawa. Tsaka ayaw mo nun? Dagdag sa sweldo.
KARYLLE: Yun nga rin yung problema. Walang incentive man lang. Tapos pag hindi 100 ang grade, pinapagalitan pa ako.
EMAR: Ayun lang...
KARYLLE: Ano'ng mapapayo mo sa'kin?
EMAR: Ha? Dapat ko palang gawin yun?
KARYLLE: Emar naman eh!
EMAR: (laughs) Joke lang!
KARYLLE: Ano na kasi?
EMAR: Okay. Yung sa boss mo, hindi makatarungan yun. Hindi yun bahagi ng job description mo. Kausapin mo sya tungkol doon. Kung hindi epektibo, maghanap ka na ng bagong trabaho. Sigurado akong matatanggap ka agad kasi mukhang magaling ka tsaka mabait pa. Pero desisyon mo pa din kung ano ang gagawin mo.
KARYLLE: Hihintayin ko lang ang sweldo ko, magreresign na ako. Paano yung sa boyfriend?
EMAR: Pag-usapan nyo yung pinagtatalunan nyo. Sabi mo, mahal mo sya at mahal ka nya. Mahal mo kamo kaya wag mong sukuan agad. Kung nag-aaway kayo sa isang oras at okay naman kayo sa nalalabing dalawampu't tatlong oras ng araw, ayos lang. Ang importante, mas malaking bahagi nung araw na iyon na maayos kayong dalawa.
KARYLLE: Nakakasakal na eh. Nakakapagod na yung ganoong routine.
EMAR: Magdesisyon ka na. Iiwanan mo dahil pagod ka na? O mananatili ka dahil mahal mo sya?
KARYLLE: (sighs)
EMAR: Okay. Para mas maenjoy mo ang Batanes, pansamantala mo munang kalimutan yung problema mo.
KARYLLE: Salamat Emar.
EMAR: Walang anuman. (stands up and assists K) Ayan, itapon mo na sa karagatan yung problema mo sa boss mo. Idulog mo sa langit yung tungkol sa boyfriend mo para magabayan ka Niya sa magiging desisyon mo.
KARYLLE: (shouts) NAKAKAINIS KA MA'AM CATACUTAN! KUNG MAKAPAG-UTOS KA SA'KIN, DAIG MO PA ANG NANAY KO! HAYAAN MONG MAGTIYAGA YANG PAMANGKIN MO PARA MAY SILBI NAMAN. HINDI YUNG GANYAN NA LUMALAKING BABOY!
EMAR: (laughs)
KARYLLE: (calmer tone) DIYOS KO! TULUNGAN NYO PO AKO! IPAGLALABAN KO PO BA O ITO NA YUNG PUNTONG KAILANGAN KO NANG SUMUKO?
EMAR: Ayan. Nailabas mo na. Ano'ng pakiramdam mo?
KARYLLE: Okay na. Parang gumaan na ang pakiramdam ko. Parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib.
EMAR: Okay na? Natapon mo na lahat dyan?
KARYLLE: Oo. Salamat talaga.
Naglakad na sila pabalin sa pickup truck ni Emar. Nakatulog si Karylle sa byahe dahil sa pagod. Bumili si Emar ng makakain nila. Dahil pasado alas dose na, huminto muna si Emar sa gilid ng kalsada. Inayos nya ang likod ng truck nya para doon sila kakain. Pagkatapos noon, dahan-dahan niyang ginising si Karylle.
EMAR: Karylle, gising na. Kain muna tayo ng tanghalian.
KARYLLE: (yawns) Nasaan na tayo?
EMAR: Nasa Batanes pa din. Joke! Nasa kalsada pa tayo papunta sa susunod na destinasyon.
KARYLLE: Okay.
Bumaba si Karylle at nakita nya ang inayos ni Emar kanina. May isang crate na tinakpan ni Emar na tela. Doon nakapatong ang mga pagkain nila. Inassist sya ni Emar paakyat at pinaupo na sa sapin.
EMAR: Hindi ko alam ang gusto mo kaya iba't ibang putahe ang binili ko.
KARYLLE: So what do we have here?
EMAR: Seaweed soup, coconut crab, dinakdakan, inihaw na tadyang, at mainit na kanin. May kasama pang ice cold Coca Cola. Tara, kain na!
BINABASA MO ANG
When In Batanes (A Vicerylle Story)
FanfictionSi Karylle ay nagpunta sa Batanes upang makapagpahinga mula sa mga problema nya. Magkukrus ang landas nila ng isang lalaking Ivatan habang nasa bakasyon sya. Sino ang lalaking ito? Ano ang karakter na gagampanan nya sa buhay ni Karylle? Babalik kaya...