KABANATA XIV

573 23 0
                                    

Biyernes na. Nakagayak na sila Emar at oras nalang ang hihintayin bago sila makasakay ng eroplano papuntang Maynila.

ROSARIO: Anak, kailangan mo ba talagang magpunta ng Maynila? Wag ka na kaya tumuloy...

EMAR: Nay, kailangan po. Matagal ko na pong pinaghandaan 'tong moment na 'to. Yung masabi ko kay Karylle yung totoong nararamdaman ko. Nanay, siya na yung babaeng matagal kong ipinalangin sa Diyos na ibigay sa akin.

ROSARIO: Masaya ako anak pero---

EMAR: Hindi lang po kasi kayo sanay na may aalis sa amin ni kuya. Babalik din ako agad, Nay.

ROSARIO: Baka mapaano ka doon ha? Mag-iingat ka. Iba ang mga tao sa Maynila sa mga tao dito sa atin.

EMAR: Opo tsaka kasama ko po si Ferdie. Hindi ako pababayaan nyan, di ba?

FERDIE: Oo nga po. Ako po ang bahala sa pinakamamahal nyong Jose Marie.

ROSARIO: Kilala kita eh.

FERDIE: Tsang Rosario naman!

ROSARIO: Biro lang. Pero seryoso ako, mag-ingat kayo doon ha? Magtext ka sa kuya mo kapag nandoon na kayo.

EMAR: Opo.

To: Karylle

Hi Karylle!!! Advance happy birthday! Ang wish ko lang sa'yo, sana palagi kang maligaya, pagpalain at i-guide ka palagi ng Diyos, healthy ang pangangatawan, at sana matupad lahat ng pangarap mo sa buhay. Kapag malungkot ka, I'm just a text away. If ever you need a friend, I will be here for you. Always. Yung sinabi ko sa'yo noong nasa airport tayo, malapit mo na malaman ang ibig sabihin nun :) Palagi mo lang yun tatandaan okay? HAPPY BIRTHDAY! I miss you! P.S. Baka di ako makapaggreet kasi bukas kaya advance nalang. Busy kasi ako :D

From: Karylle

Wow naalala nya birthday ko! Thank you Emar!!! Oo, palagi kong tinatandaan yun kasi hanggang ngayon iniisip ko kung ano ang ibig sabihin nun. Daya mo kasi, hindi mo sinabi sa'kin. Pero thank you talaga sa message mo. Natouch ako. Love you! :*

Hours passed, nagpaalam na sila sa mga kasama nila dahil pupunta na sila sa airport. Niyakap ni Emar ang kanyang kuya Babot at kanyang ina. Hinalikan na rin nya sa pisngi ang kanyang ina.

BABOT: Makayakap naman 'to! Magmamigrate ka na ba sa Maynila? (chuckles) Enjoy ka doon, Emar. Ingat!

EMAR: Kuya, ikaw muna ang bahala kay Nanay ha? Pakabait ka.

BABOT: Wow ha!

ROSARIO: Anak, mag-iingat kayo doon ha? Yayain mo na magpakasal si Karylle para pag-uwi mo dito, kasama mo na sya. Bigyan mo na ako ng apo.

EMAR: (laughs) Nanay naman! Dadating din po tayo doon. Mag-iingat po kami doon ni Ferdie, Nay.

FERDIE: Aalis na po kami.

EMAR: Sige na. Bye na Nay. Mabilis lang kami doon. Babalik din kami agad.

Sumakay na sila Emar at Ferdie sa pickup truck ni Emar. Kasama nila si Jojo para ito ang mag-uuwi ng pickup pagkahatid sa kanila sa airport. After ng byahe, nakarating na sila sa airport.

Nasa eroplano na sila Ferdie at Emar. Si Ferdie ay panay kuha ng selfie nya habang si Emar naman ay di mapakali. Kinuha nya ang ballpen nya at papel.

FERDIE: Ano yang sinusulat mo?

EMAR: Yung mga sasabihin ko kay Karylle.

FERDIE: Susulat ka naman pala, ba't pa tayo pupunta doon?

EMAR: Baka kasi pagkaharap ko sya, ma-blangko ako. Atleast dito sa papel na 'to, nandito na lahat. Baka kasi makalimutan ko yung sasabihin ko.

FERDIE: (chuckles) Para kang teenager.

EMAR: In love eh!

After writing, nagrequest si Emar sa flight attendant ng isang baso ng tubig at sandwich. Si Ferdie naman ay humingi lang ng tubig.

FERDIE: Gutom ka brad?

EMAR: Hindi. Kailangan ko lang kumain kasi iinom akong gamot.

FERDIE: Ha? May masakit ba sa'yo? Gusto mong mahiga? Anong kailangan mo?

EMAR: Wag kang OA. Masakit lang ang ulo ko. Ito gamot oh, iinom ako.

FERDIE: Sure kang okay ka lang ha?

EMAR: Oo, okay na okay ako.

Nagkwentuhan ang dalawa. Dahil may isa't kalahating oras pa ng byahe, natulog muna si Emar habang si Ferdie naman ay nakatingin lang sa bintana kahit wala na syang matanaw kasi gabi na.


When In Batanes (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon