Chapter One

539 14 1
                                    

ANG AYOKO SA LAHAT AY YUNG BINABALEWALA AKO!!!

------------------------------------------

Oops, time na pala. Hindi ko na-exit yung microsoft word, pano yung naitype ko dun?

Ako nga pala si Zennith Rose Cruz, 19 years old, at 3rd year accounting student. Nasa computer shop ako malapit sa campus kasama si Quincy. Quincy Santiago ang full name niya. Bestfriend at classmate ko siya. Kilalang-kilala na namin ang isa't isa dahil magkahati kami sa renta sa isang apartment na malapit rin sa campus simula pa nung 1st year college. Palagi kami dito sa shop tuwing hapon, pagkatapos ng klase. Crush kasi ni Quincy yung afternoon shift na si kuya Xavier delos Santos. 22 years old na sila at isang IT graduate.

Sa computer shop na to magsisimula ang isang cute na love story.

Quincy: Tara Zennith, time ko na.

Zennith: Sige, time ko na rin naman.

Quincy: Amina, ako na magbabayad.

Zennith: Sabi mo eh. Oh eto, balik mo sukli ah.

Quincy: Kuya Xavier, PC-6 at 7 po. ^_^

Xavier: Sige salamat. Balik kayo ulit bukas.

Quincy: (kilig) Grabe, ang cute talaga niya. Lalo na kapag naka-smile, kitang-kita yung malalim niyang dimple. Tapos, bagay na bagay sa kanya ung light brown niyang mga mata kasi ang puti niya. At ang tangos pa ng ilong niya. Siya na yata yung masasabing perfect dream guy. :D

Quincy: Ui, Zennith. Nakikinig ka ba? Kanina pa tayo naglalakad at marami na akong nasabi, wala ka namang kibo dyan. Ang layo pa ng tingin mo.

Zennith: Oo, nakikinig ako. Kinukwento mo na naman si kuya Xavier.

Quincy: Nakikinig ka nga, mukha namang malalim yang iniisip mo. Ano bang meron?

Zennith: Break na kasi kami ni Ralph. ...

Si Ralph Adrian Reyes ang boyfriend ko, correction, ex ko na pala. 20 years old siya at isang graduating student sa course na Fine Arts.

Quincy: Huh? Bakit?

Zennith: Hindi niya kasi ako pinuntahan kahapon. Valentines day pa naman. Kahit greetings man lang wala. Ni anino nga niya hindi ko nakita.

Quincy: Baka naman may reason?

Zennith: Hindi raw niya naalala. WHOLE DAY?! Love is in the air kaya kahapon. Kaya hindi pwedeng hindi niya maalala. Hindi sapat yung excuse niya.

Quincy: Ayos lang yan. Pero sayang din naman yung mahigit two years niyo.

Hindi ko matanggap na wala na kami ni Ralph pero galit pa rin ako sa kanya. Only child kasi ako kaya gusto ko yung palaging may time para sa akin, lalo na kapag special occasions. Pagkauwi namin ni Quincy, pagkatapos ng dinner, agad siyang natulog, napagod siguro, ang dami kasi naming ginawa sa klase. Nag-walk out pa yung dean sa klase. Haha, ang gulo kasi namin, hindi nila makayanan.

February 15, 2007 - Thursday

Quincy: Zennith... Tara kain na, nakapagluto na ako. May pasok pa tayo ngayon.

Quincy: Oh, mukhang puyat ka?

Zennith: Buong gabi kasi akong nag-abang kung tatawag ba si Ralph. Eh kahit text man lang, wala. :(

Quincy: Haay... Pag-ibig nga naman. Basta kay papa Xavier pa rin ako. hahahaha... XD

Zennith: Hindi ko na siya mahal! Kumain na nga lang tayo.

Quincy: Agad agad? :P

Pagkatapos ng klase, as usual, nagpunta kami ni Quincy sa Love Online. Yun pala yung pangalan nung computer shop na malapit sa campus. Love Online ang pinangalan nila dahil madalas na makipag-web chat ang mga lovers sa shop.

Sa PC-7 ulit ako naupo. Nakita ko sa desktop na may naka-save na word document na ang filename ay ZRC.  Dahil initials ko, binuksan ko naman. Nagtaka ako na na-save yung tinype ko kahapon at may reply.

------------------------------------------

Ako na lang sana ang mahalin mo. Hindi kita babalewalain.

------------------------------------------

Iba ang naramdaman ko kaya dinelete ko yung document. Simula noon, hindi na ako umupo sa PC-7.

April 7, 2007 - Saturday

Kahit naipasa namin ang lahat ng subjects this sem, hindi pa rin ako totally na masaya dahil supposed to be, ngayon ang 3rd year anniversary namin ni Ralph. Malungkot lalo na dahil hindi na  siya nagparamdam sa akin simula nung mag-break kami.

Si Quincy naman, na ang saya-saya, ay pumunta agad sa Love Online para sabihin kay kuya Xavier ang balita.

Quincy: Kuya Xavier, pasado kami sa lahat ng subjects this sem. Wala na kaming problema. graduating na kami simula next sem. :D

Xavier: Magandang balita yan. Congrats. Ahm, nasaan nga pala si Zennith?

Quincy: Nagkahiwalay kami eh... Oh, eto na pala siya.

Quincy: Zennith, nasabi ko na kay kuya Xavier na pasado tayo.

Zennith: OK :|

Quincy: Oh, ba't biyernes santo yang mood mo?

Zennith: Wala to. May naalala lang ako.

Xavier: Tama na muna yang proble-problema. Dahil graduating na kayo pagkatapos ng bakasyon, ililibre ko kayo ngayon. Open time.

Quincy: Talaga?! Salamat. ^_^ Ang cute mo na nga, ang bait mo pa.

Xavier: Haha, salamat sa compliment, wala yun. Kaso nga lang PC-1 at PC-7 na lang ang  bakante.

Quincy: Dito na ako sa PC-1 para malapit kay papa Xavier. Dun ka na sa PC-7 Zennith.

Zennith: Pe... pero...

Quincy: Sige na, wag ka ng mahiya. Minsan nlang kaya to mangyari.

Grabe, sa PC-7 na naman.

Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa PC. Gulat na gulat ako nung makita kong na naman yung ZRC.

------------------------------------------

Ba't mo dinelete? Seryoso ako sayo, hindi kita niloloko. Matagal na kitang mahal. Hindi ako nagbibiro.

------------------------------------------

Naitriga na ako kung sino ba talaga itong taong nananakot sa akin, kaya sumagot ako.

------------------------------------------

Sino po ba sila? Pwede po ba kayong magpakilala?

April 9, 2007 - Monday

Makikilala mo rin ako balang araw, Zennith Rose Cruz. ♥

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon