Chapter Eighteen

186 11 4
                                        

February 06, 20011 - Sunday

Quincy: Ui, Zennith, one week na lang valentines na ulit. Anong plano niyo ni Xavier?

Zennith: Kaya nga eh. Wala pa kaming napag-uusapan. Ikaw? Anong plano niyo ni James?

Quincy: Gusto niya dun kami sa baywalk, kung saan ko siya sinagot. Ano sa tingin mo?

Zennith: Maganda yan. At least binibigyan niya ng sentimental value yung yung lugar nay un. Pumayag ka na.

Quincy: Sa bagay, tama ka. Tara punta tayo sa Love Online para mapag-usapan niyo na ni Xavier mga plano niyo.

Zennith: Sige, mabuti pa nga.

Pagdating naming sa Love Online, si James yung naka-shift. Iniwan ko na si Quincy kay James at dumiretso na ako sa quarters. Hayaan na muna natin silang maglambingan. Anyway, pagpasok ko sa kwarto para tanungin plano naming for valentines, inunahan na niya ako.

Xavier: Sugar….. Ginulat mo naman ako. Papunta n asana ako sa inyo.

Zennith: Para yatang iba dating mo? May problema ba?

Xavier: May sasabihin sana ako sayo ehh.

Zennith: Ano yun?

Xavier: Eh kasi……….. Ahm………

Zennith: Oh, ano nga?

Xavier: Ahh….. Zennith……. Ok lang ba kung hindi muna tayo mag-celebrate ng valentines? May lakad kasi ako that time.

Zennith: Huh?!! Ano naman yang lakad na yan?

Xavier: Eh kasi……… Ako yung napili ng may-ari ng Love Online na sumama sa seminar for effective management. Sorry Zennith.

Zennith: Hindi, ayos lang. Para sa ikabubuti mo rin naman yan.

Xavier: Salamat at sorry talaga.

Haitz….. Ngayon alam ko na yung feeling.

Quincy’s POV:

February 14, 2011 - Monday

First valentines naming ni James together. Sakto, Monday, rest day ko. Mahaba-habang valentines ito. Wait, 9am na, paparating na si James.

James: Ano? Tara?

Quincy: Oo. Ready na ako. Pagdating natin sa baywalk maglakad-lakad na muna tayo ahh.

James: Sige. Kaw masusunod.

Quincy: Tara na. Ito, hawakan mo yung paying.

Ayun, pagdating namin sa baywalk, naglakad-lakad kami kahit maiinit. Parang nung dati lang. Ang sarap balikan. Happy itong valentines na to.

James: Ang sarap alalahanin yung mga nangyari ditto noon noh? Parang kalian lang.

Quincy: Kaya nga eh. Pumasa ka sa test ko sayo nun. Tibay mo.

James: Siyempre. Kasama kita ehh. Ba’t ako susuko?

Quincy: Uhhh… Touched naman ako dun.

James: Ui, sweet corn oh. Naaalala mo pa yan? Yan yung kinakain nating nung sinagot mo ako.

Quincy: Haha…. Oo…….. Bilhan mo nga ako, gusto ko ulit matikman.

James: As you wish….

Ang saya talaga. Pero habang naglalakad kami, nakita ko si Xavier sa isang kainan. What?! Kasama niya si Jeazel? WEIRDO……

Zennith’s POV:

April 05, 2011 - Wednesday

It’s our 3rd anniversary. Weird nga lang kasi hindi ako pinuntahan ni Xavier this past few days para pag-usapan ang anniv. namin. Hindi naman siya ganito dati. Hindi pa niya ako kinokontak. Bakit kaya? Nakakainis na ahh. Puntahan ko na lang siya mamaya pagkatapos ko sa work. Eto namang si Quincy, hindi pumasok. Wala tuloy akong kasama sa pag-uwi mamaya. Maya-maya, napansin ko si Jeazel. May pinapapalit siya tseke. Hindi ko alam kung bakit pero pinilit ko maka-access sa teller ni Jeazel. Mabuti at tinuruan ako ni Xavier. Teka……. Sa account ni Xavier naka-issue yung tseke. Ba’t ganun? Ang gulo na ahh.

Pagkatapos ng work, pumunta na ako sa Love Online. Gabi na pero wala pa ring tawag si Xavier, kahit text man lang wala din. Nakakainis na talaga! Ayoko nga sa lahat yung binabalewala ako!!!

Pagpasok ko sa shop, patay lahat ng ilaw. Mukhang walang tao. Patay din lahat ng computer except yung PC-7. Lumapit ako dun at nakita ko ang isang MS-Word document.

------------------------------------------

Nagsimula ang lahat sa: “ANG AYOKO SA LAHAT AY YUNG BINABALEWALA AKO!!!

Nagkaroon ng conversation.

Hanggang sa nabuo ang isang love story.

------------------------------------------

Hindi ko alam, pero habang binabasa ko yun, lumuluha na pala ako.

------------------------------------------

Nagpakilala si Mr. Mysterious, nanligaw, at, after how many months, sinagot naman siya si Ms. Curious.

Hindi naging madali ang love story nila. May mga pagsubok, tampuhan, at misunderstandings.

Pero siyempre meron ding saya, tawanan, tuwa, at nangibabaw ang pagmamahalan

Sabi ni Mr. Mysterious: “Sana hindi na siya mawala sa akin. Mahal na mahal ko siya.”

Kaya hindi man ito fairy tale kung maituturing, meron at meron pa ring happy ending. :)

Zennith Rose Cruz, Sugar, Happy Anniversary and WILL YOU MARRY ME? Please say yes.

------------------------------------------

Biglang bumukas yung mga ilaw. Nilapitan niya ako. Lumuhod siya. Pinakita niya yung singsing. At sinuot niya sa kamay ko. Ano pa ba sasabihin ko?

Zennith: YES, I WILL MARRY YOU.

Ang saya ko nung araw na yun. Akala ko mauulit yung nangyari 4 years ago, nung nagbreak kami ni Ralph. Mali ako. Napatunayan kong pinapahalaghan niya ako. Si Jeazel pala ay isang wedding coordinator, ngayon alam ko na. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Happy ako, very happy.

Isa pang very unexpected. Nung celebration na, accidente kong natapunan ng juice yung shirt ni Xavier kaya sinamahan ko siyang magbihis. Hinubad ko yung shirt niya at …..  at …….. nakita kong .............................

Zennith: Ba’t may peklat ka na sa likod?

Xavier: Ahy, yan ba? Nakuha ko yan nung umuwi ako sa amin. Hindi ko na pinaalam sayo.

Ang saya-saya ko talaga. Yun na yun yung peklat na nakita ko sa panaginip.

And they live happily ever after.

.

.

.

.

June 30, 2027 - Wednesday

Zennith: Sa wakas, tapos ko na rin.

Zia: Ma, pinapatawag po kayo ni papa.

Zennith: Sige.

Hai. Ako nga pala si Zia Xara delos Santos. Mama ko si Zennith Rose delos Santos at papa ko si Xavier delos Santos. Dito kami nakatira sa 2nd floor ng Love Online, nabili kasi ito nila mama at papa nung 7 years old pa lang ako. Mukhang pag-uusapan na nila yung 16th wedding anniversary nila. Wait, napansin ko this past few days na nagttype si mama sa PC-7. Hmmmm, kaka-curious lang, ano kaya yun? Sakto hindi nila na-exit. Sisilipin ko lang naman eh.

The Document:

ANG AYOKO SA LAHAT AY YUNG BINABALEWALA AKO!!!

------------------------------------------

Oops, time na pala. Hindi ko na-exit yung microsoft word, pano yung naitype ko dun?

… … … … … … … … …

:)

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon