Zennith: Andito na tayo. Room 213
Tok... tok... tok...
Walang sumagot kay pumasok na lang kami. Bukas naman yung pinto anyway. Walang kasama si Ralph pagpasok namin. Naka-dextrose siya. Mukhang nagising namin siya sa pagkakatulog. Gulat na gulat siya nung nakita kami. Hindi niya inaasahan na kami yung darating. Grabe, nakakaawa siya. Ramdam kong iniindi niya yung sakit sa likod niya.
Ralph: Anong ginagawa niyo dito? Panong alam niyo?
Quincy: Sige lang Zennith, kausapin mo na siya. Dito lang ako sa tabi.
Ralph: Umupo kayo. Ahh... Kumain na ba kayo?
Zennith: Wag mo kaming isipin. Alam ko na ang lahat. Nakita namin si Jeazel sa banko kanina at umamin na siya sa akin. Ba't ka naglihim? Ba't di mo sinabi?
Ralph: Ayoko ng isip-isipin mo pa ako. Tahimik na ang buhay mo at ayaw na kitang guluhin. Sapat na sa akin ang makita kang masaya.
Zennith: Pero hindi ganun. Kaibigan pa rin naman kita at concern ako sayo.
Ralph: Sorry :(
Zennith: Wag ka ng magsorrry. Nangyari na. Tapos na. Kamusta ka?
Ralph: Eto, pabalik-balik sa ospital. Sanay naman na ako. Kailangan pa ng ilang mga test para malaman kung paano ako gagamutin.
Maya-maya, dumating yung mama ni Ralph. Iba yung aura nila. Kakaiba.
Zennith: Magandang tanghali po tita. Mano po.
Mrs. Reyes: Wag mo nga akong ma-mano po mano po dyan! At wala ng maganda sa tanghali. Anong ginagawa mo dito?! Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ang anak ko ngayon?!! Tapos may mukha pa pang ihaharap sa amin?!
Tahimik at hiyang-hiya ako nung time na yun. Pero napag-isip-isip ko na tama sila. Hindi ko sila masisisi.
Ralph: Ma? Tama na please. Walang kasalanan si Zennith.
Zennith: Hindi Ralph. Tama sila. Aalis na lang kami.
Mrs. Reyes: Mabuti naisip mo yan. At wag na kayong babalik.
Xavier's POV:
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Ano kaya talagang ginagawa nila Zennith at Quincy sa ospital? Haitz, di bale na nga. Bibili muna ako ng pagkain para may maiwanan ako sa guard. For sure di pa kumakain mga yun. Tapos balik na ako sa Love Online.
James: Oh, pre. Ang tagal mo yata? Dumaan ka pa kay Zennith noh?
Xavier: Oo. Kaso wala dun si Zennith at Quincy. Nakita ko sila sa may ospital kanina. Ewan ko kung bakit sila andun.
James: Haha....... Wag mo ng isipin yan. Nakabili ka ba?
Xavier: Oo, eto. Tara tulungan mo ako. Ikaw gumamot.
James: Oh, tara. Dun tayo sa quarters.
Medyo mahapdi yun ahh. Pero ayos lang. Wala akong magawa, boring. Kaya naisipan kong maglibang. Nakita ko yung PC-7 na bakante. Umupo ako dun at binuksan yung computer. "Dito nagsimula ang lahat", sabi ko sa sarili ko. Nakita ko yung ZRC file. Binuksan ko yung file. Huling message ay nung nagpakilala ako kay Zennith two years ago. Hindi ko alam kung bakit pero may naisulat mga kamay ko.
------------------------------------------
Anong ginagawa niyo dun sa ospital kanina? Sinong nasa ospital? 05/21/09
------------------------------------------
Tapos naisave ko. Haayy, ewan ko ba, iba talaga kutob ko kanina. Hindi na ako nagtagal kasi may customer na uupo sa PC-7.
Zennith's POV:
Grabe, hindi talaga maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Ngayon ko lang na-realize na galit na galit pala sa akin si tita. Pagbalik namin, may inabot yung guard na pagkain. Ang sweet at thoughtful talaga ng sugar ko. Nagsalo na kami ni Quincy sa food at pagkatapos, back to work.
Quincy: Grabe friend, kontrabida ang dating ni ma'am Reyes kanina. Ang wild.
Zennith: At ikaw na ang dakilang atribida. Ano ka ba? Hindi natin sila masisisi. Anak nila yung nahihirapan.
Quincy: Ikaw naman ang dakilang good girl. Masakit kaya yung mga sinabi nila.
Zennith: Wag na nga nating pag-usapan yan. Tara na, uwi na tayo.
Quincy: Tara daan tayo sa Love Online. Net tayo.
Zennith: Sus. Net daw. Gusto mo lang makita si JAMES eh.
Quincy: Si James? Gusto kong makita?! Hindi kaya.
Zennith: DENIAL QUEEN.
Quincy: Wag ka nga.
Zennith: Diba nanliligaw na siya? Ano? Papasa ba? :)
Quincy: Hindi. Hindi pa.
Zennith: Hindi PA?
Quincy: Tama na nga. Tara na.
James: Oh, Zennith at Quincy. Napadaan kayo.
Quincy: Magnenet kami.
Zennith: Gusto ko dun sa PC-7. Tawagin mo na lang ako pag bakante na. Nasaan si Xavier?
James: Sige, tawagin na lang kita. Andun si Xavier sa quarters, natutulog.
James: Ikaw naman Quincy, BABE, dito ka sa PC-1 para malapit ka sa akin.
Quincy: Wag mo nga akong tawaging babe. ANG PANGET!!! Feeler ka ahh..
Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Xavier dun sa kama. Ang sarap niyang titigan. Lalo siyang gwapo pag tulog. HIndi ko na siya gigisingin. Humiga na lang ako sa tabi niya at niyakap siya. Tapos nagsalita siya habang nakapikit.
Xavier: James. Wag ka ngang yayakap. Baka kung ano pang isipin nila.
Haha.... :D Itong boyfriend ko talaga, sigurista, suplado. Hehe.... Gusto ko yung closeness nila ni James. Wala akong ginawa kundi yakapin pa siya ng mas mahigpit. Hindi naman siya nagising, mukhang pagod na pagod.
Zennith: I love you sugar. ♥

BINABASA MO ANG
Love Online
RomanceSulatan, phone pal, textmate, chatmate. Dyan kadalasang nagsisimula ang ilang unique love stories. What if it started in a more unique way? Read and see how Zennith found her true love through, MS-Word?