It's been three months since that night. Nasimulan na namin ang bagong stage ng aming buhay.
Nakuha akong accountant sa isang banko malapit sa Love Online. Si Quincy naman, nagbakasyon muna sa Nueva Ecija para makasama family niya. Si Xavier naman, napromote na assistant manager ng Love Online. I'm happy for him.
July 6, 2008 - Sunday
Zennith: Sugar, pwede mo ba akong samahan sa terminal? Ngayon kasi balik ni Quincy. Tinext ko na siya kagabi na aabangan ko siya sa terminal.
Xavier: Sige. Pero wala ka bang pasok ngayon?
Zennith: Ano ka ba? Sunday kaya ngayon. Sige, maliligo na ako. Sunduin mo ako sa apartment after 30mins.
Xavier: Sige. I love you.
Zennith: I love you too. ♥
Hindi pa man ako nakakalapit sa apartment, nakita ko na si Ralph sa harap ng pinto. Grabe talaga ito, hindi na nadala. Alam naman na niyang kami na ni Xavier. Ang kulit talaga.
Zennith: Anong ginagawa mo dito?!
Ralph: Gusto kasi kitang makausap.
Zennith: Tungkol saan naman? Sa pagkakaalam ko, matagal na tayong tapos.
Ralph: Alam ko yun. At alam ko ring kayo na ni Xavier. Masaya ako para sa inyo.
Zennith: Ralph? Ikaw ba yan? Nilalagnat ka yata?
Ralph: Oo, ako ito. Gusto ko lang sabihin na napag-isip-isip ko na tama ka. Wala na tayo, at kailangan kong tanggapin yun. Ang gusto ko lang sana ay maayos na closure. Pinapakawalan na kita, sana maging masaya ka.
Zennith: Salamat kung totoo nga yan. Masaya akong tanggap mo na na wala na tayo.
Ralph: Salamat din. Sige, mauuna na ako.
Zennith: Sige, mag-iingat ka.
Tok tok tok........ tok tok tok........
Zennith: Late ka ng 10mins.
Xavier: Grabe naman. Parang 10mins. lang. Halika na, baka naghihintay na sa atin si Quincy.
Zennith: Mabuti pa nga.
Pagdating namin, nakita namin agad si Quincy. Nagkamustahan, nagbatian. Nag-lunch kami sa karinderya sa tapat ng terminal. Pagkatapos, nauna na si Quincy sa apartment, pagod na pagod siguro sa biyahe.
Kami naman ni Xavier, namasyal pa kami sa kung saan-saan, nanood ng sine, at nagdinner na rin kami sa labas. Ang sarap talaga nung feeling na minamahal ka. Ramdam ko na mahal niya ako at mahal ko rin siya. Ang swerte ko sa kanya.
Quincy: Oh, Zennith. Ang tagal niyong bumalik ahh. Nag-date kayo siguro?
Zennith: Parang ganun na nga.
Quincy: Ayiee............... Eh ba't parang malalim na naman iniisip mo?
Zennith: Nagpunta kasi dito si Ralph kanina.
Quincy: Oh.. Anong sabi? Alam ba ni Xavier?
Zennith: Hindi niya alam. Tsaka, hindi naman nanggulo si Ralph. Humingi lang siya ng maayos na closure. Mukhang tanggap na niya na wala na kami.
Quincy: Aba!!! Anong meron? Saang rehab naman siya nagpa-enroll?
Zennith: Grabe ka naman. Kita ko namang sincere yung tao.
Quincy: Oh di maganda. (hikab) Tara na, matulog na tayo. At isa pa pala. Tulungan mo naman akong maghanap ng trabaho.
Zennith: Oo, ako bahala sayo. May available slot sa amin. Bukas ipapasok kita.
July 7, 2008 - Monday
Natanggap si Quincy para sa available slot. Nag-start na siya that day. Pagkatapos ng work, dumiretso kami sa Love Online. I remembered na ngayon nagpakilala si Xavier na siya yung kausap ko sa MS-word.
Xavier: Sugar, what day ka ba pwede this week?
Zennith: Ahm, bukod sa walang kaming pasok sa Sunday, free day ko sa Saturday. Bakit?
Xavier: May pupuntahan tayo. Gusto na kitang ipakilala sa family ko.
Zennith: Sige, sure.
Makikilala ko na rin sa wakas ang family ni Xavier. Sana magustuhan nila ako.
BINABASA MO ANG
Love Online
RomanceSulatan, phone pal, textmate, chatmate. Dyan kadalasang nagsisimula ang ilang unique love stories. What if it started in a more unique way? Read and see how Zennith found her true love through, MS-Word?