Ang tagal naming magkayakap sa stage. Kung hindi lang kami ginulo ni Quincy siguro nagtagal pa kami dun.
Quincy: Ehem ehem..... Ang cheesy naman. :) Hinay-hinay lang mga friends, walang shortage.
Zennith: Istorbo ka naman. Minsan na nga lang eh. Ninanamnam pa namin yung moment.
Quincy: Wow ahh ;)...... As in NINANAMNAM talaga? Hehe. Tama na muna yan, let's celebrate.
Zennith: Oo nga. Double celebration. Tamang-tama, andito sila mama at papa. Halika Xavier, ipapakilala kita.
Zennith: Ma, pa, si Xavier po. Ahm..... boyfriend ko.
Mama: Alam namin. I-broadcast ba naman pagsagot mo sa kanya? Sinong hindi makakaalam? At kung makapagyakapan kayo sa stage, long time no see? :P
Zennith: Mama naman. :|
Quincy: Tama naman si tita eh. Makapagyakapan kayo, wagas. Malamig? Giniginaw? XD
Zennith: Isa ka pa. Sampalin kaya kita dyan. Pinagkakaisahan niyo naman ako eh.
Quincy: Eto naman. Sampal agad? Masakit kaya yun.
Zennith: Talaga. San ka ba nakakita ng sampal na masarap? :P (Haha, nabara ko din siya. ^_^)
Papa: Tama na yan. Baka kung saan pa mapunta yang biruan niyo.
Zennith: Nagbibiruan lang naman papa.
Zennith: Siya nga pala Xavier, parents ko. Papa ko, si Franzter Keith Cruz at mama ko, si Zennaida Cruz.
Xavier: Good evening po ma'am, sir. Nice to meet you po.
Papa: Good evening din. Pwede ba kitang makausap? One-on-one.
Xavier: Sige po sir.
Quincy: Ui, Zennith. Mukhang may screening si daddy. Talagang one-on-one pa ang usapan.
Zennith: Haay, si papa talaga. Ayaw na kasi nilang maulit yung nangyari sa amin ni Ralph. Alam mo na, only child.
Quincy: Wag lang sanang matakot sa kanila si papa Xavier.
Zennith: Hindi naman siya tatakutin ni papa.
Mr. Cruz: Mukhang mahal ka na ng anak ko.
Xavier: Matagal din po akong naghintay para mahalin niya.
Mr. Cruz: Mahal mo siya?
Xavier: Oo naman po. Mahal na mahal ko po ang anak niyo.
Mr. Cruz: Mabuti kung ganoon. Yun lang naman yung gusto ko para sa kanya, yung taong mahal niya at minamahal din siya. Ayoko ng maulit pa yung nangyari sa kanila ni Ralph.
Xavier: Makakaasa po kayo. Mamahalin ko si Zennith at hindi ko siya babalewalain.
Mr. Cruz: Aasahan ko yan.
Xavier: Salamat po. Hindi po kayo magsisisi.
Mr. Cruz: Oh tara na. Sumama ka na sa amin. Magdinner tayo sa labas.
Xavier: Sige po.
Kumain kaming lahat sa isang seafood restaurant out-of-town. Sinagot ni Xavier lahat. Mabilis din niyang nakasundo sina mama at papa. Masaya ako na nagustuhan nila si Xavier. Double celebration talaga. I'm just looking forward na maging maayos yung relationship namin at makahanap ako kaagad ng trabaho. Pero hindi ko muna yan poproblemahin, isipin nating ang ngayon. KAIN KAIN KAIN :D. Sulitin na yung treat ni Xavier, EAT ALL YOU CAN KAYA. Sayang kung hindi masusulit. ^_^
Quincy: Yuuuummmmmm.............. Ang sasarap!!!!!!!!! Ang swerte mo naman Zennith kay Xavier. Gwapo na, galante pa. XD Sana may mahanap din akong ganyan. Xavier, ipakilala mo naman ako samga kaibigan mo oh, gusto ko yung kamukha mo :D.
Haha. Yung bespren ko talaga, kalog. Hehe.... Pero kung wala siya, inaamin ko, malungkot siguro buhay ko. Anyway, enjoyin na lang ang gabi. KAIN LANG NG KAIN. At higit sa lahat, cherish the moment with my love ones. :) <3
BINABASA MO ANG
Love Online
RomanceSulatan, phone pal, textmate, chatmate. Dyan kadalasang nagsisimula ang ilang unique love stories. What if it started in a more unique way? Read and see how Zennith found her true love through, MS-Word?