Chapter Six

177 12 0
                                    

July 12, 2008 - Saturday

Ngayon na ako ipapakilala ni Xavier sa family niya. Sa Tarlac ang hometown niya. Mga 9am na kami umalis.

------------------------------------------

Good luck friend. Ingat kayo sa biyahe. Sana magustuhan ka ng family ni papa Xavier. :)

------------------------------------------

Xavier: Sino yung nagtext?

Zennith: Si Quincy. Good luck daw sa akin.

------------------------------------------

Thanks. Ikaw din mag-ingat ka dyan. Work hard.

------------------------------------------

Zennith: Sugar kinakabahan ako. Paano kung hindi nila ako magustuhan?

Xavier: Ano ka ba? Wag mong isipin yan. Magugustuhan ka nila. Si mama at Xahlia lang naman ang andun.

Zennith: Sana nga magustuhan nila ako.

Lunch na nung makarating kami sa kanila. Bumili muna kami ng ulam bago kami dumiretso sa house nila.

Tok tok tok.......

Xavier: Tao po. Ma? Xahlia?

Xahlia: Kuuuyyyyaaaaa.............   (hug)

Xahlia: Tagal mong hindi nakadalaw. Kamusta?

Xavier: Ayos lang naman, assistant manager na ako sa shop. Ikaw? Kamusta pag-aaral mo?

Xahlia: Ayos lang din naman. Umaasenso na kuya ko ahh..... Ahm, kuya, sino sila?

Xavier: Siya si ate Zennith mo, girlfriend ko. Zennith, si Xahlia, Xahlia Grace delos Sanstos, younger sister ko.

Zennith: Hai. Nice to meet you.

Xahlia: Ahyyyy, kayo po pala yung crush ni kuya noon. Ang ganda niyo po pala talaga.

Zennith: Salamat. Maganda ka rin naman.

Xahlia: Thanks ate. Hali kayo, pasok kayo.

Xahlia: Umupo muna kayo saglit. Tatawagin ko lang si mama.

Zennith: Nasaan ang papa mo? Ba't parang di niyo sila nababanggit?

Xavier: Single parent ang mama ko. Iniwan kami ni papa nung 5 years old pa lang ako.

Zennith: Sorry. Natanong ko pa.

Xavier: Ayos lang. Hindi naman maiiwasan.

Zennith: Si Xahlia? Anong year na siya?

Xavier: 4th year high school na siya. Ako na ang nagpapaaral sa kanya, kay mama na lang yung baon at ibang expenses.

Zennith: Ano ba trabaho ng mama mo?

Xavier: Teacher sila ng Physics sa isang private school.

Mrs. delos Santos: Oh, Xavier. Mabuti naman at nakadalaw ka. Kamusta ka naman?

Xavier: Ayos lang naman po ma. Mano po.

 Xavier: Ma, si Zennith nga po pala, girlfriend ko. Zennith, mama ko, si Florenscia delos Santos.

Zennith: Good morning po Mrs. delos Santos. :)

Mrs. delos Santos: Wag mo akong tawaging Mrs. Wala akong asawa.

Zennith: Sorry po. :| (iba tong mama ni Xavier)

Grabe, parang nakakatakot yung mama ni Xavier. Makilatis. Tiningnan nila ako mula ulo hanngang paa. Sana naman magustuhan nila ako.

Mrs. delos Santos: Hmmmm......... Siya pala yung kinukwento mong Zennith......... Maganda naman siya............ Pwede na.............

Mrs. delos Santos: Pero mas maganda ako. ^_^  Tita Flor na lang itawag mo sa akin iha. Kumain na ba kayo?

Xavier: Eto nga po may dala kamin adobo at giniling. Idagdag niyo na lang sa pagkain.

Tita Flor: Tamang-tama, nakahanda na ang pagkain. Halina kayo. Saluhan mo na kami Zennith.

Xavier: (pabulong) Ganyang talaga yang si mama. Sakyan mo na lang. Makakasundo mo rin sila.

Haayy.. Buti naman. Akala ko talaga hindi nila ako magugustuhan.

Tita Flor: Xahlia, magtimpla ka ng juice.

Oh di happy na. Ayos si Xavier sa parents ko, at ok din naman ako sa family niya. Sana magtuluy-tuloy na ito. ^_^

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon