Chapter Three

313 13 1
                                    

Zennith Rose Cruz, siguro takang-taka ka na kung sino nga ba ako. Gusto kong sabihin na mahal na mahal kita. Handa naman akong maghintay, kahit gano katagal. Hayaan mo lang sana na tulungan kitang maka-move on. Kaya ngayong 7th day ng 7th month ng 2007 sa Love Online, PC-7, 7:00pm, magpapakilala na ako. Just close your eyes and turn around.

------------------------------------------

Wala ng tao sa Love Online, kami na lang ni Quincy, nung time na yun. Nakita namin yung lalaking may dala nga favorite kong flower na tulip. Siya pala. Siya pala yung secret admirer ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi naman siya ganun magparamdam sa personal noon. Nananaginip ba ako? Speechless ako nung time na yun, hindi ko alam magiging reaction ko. Hanga ako sa ginamit niyang style na pagkuha sa loob ko, napaka-unique. Kaso ... ... ...

Quincy: Excuse me. Hintayin na lang kita sa labas Zennith. Goodluck.

(silence for a while)

Zennith: Ka... ka... kayo po pala. Ahm... Eh... (wala akong masabi, hindi ako makapaniwala)

Guy: Wag mo na akong pinopo. Para sayo. Diba favorite mo ang tulip? Hinanap ko pa yan para sayo.

Zennith: O... o... opo... kuya... Salamat.

Guy: Sabi ko, wag mo na akong pinopo. Wag mo na rin akong kinukuya. ... ... ... Xavier na lang pwede na.

Zennith: Ah... Eh... Pero...

Xavier: Hindi naman ako nagmamadali. Alam kong mahal mo pa siya. Pero sana hayaan mo ako. Hayaan mo akong tulungan ka. Tulungan kang makalimot hanggang maghilom yang sugat sa puso mo. (hinawakan niya mga kamay ko) Mahal kita. I love you. Magsisimula naman ako sa panliligaw. Maghihintay ako hanggang maging handa ka na at hanggang matutunan mo akong mahalin. Andito lang ako. Hindi kita iiwan. Maghihintay ako.

Zennith: Hindi lang naman yun ang dahilan. Si Quincy. Paano siya? Gusto ka niya.

Xavier. Pero ikaw ang mahal ko. Ikaw at wala ng iba.

Zennith: Bigyan mo muna ako ng time. Please. Naguguluhan ako ngayon. Sana maintindihan mo ako.

Xavier: Naiintindihan ko. Hihintayin kita.

Zennith: Salamat.

July 8, 2007 - Sunday

Zennith: Quincy? Pwede ka bang makausap?

Quincy: Tungkol saan? Tungkol dun sa kagabi?

Zennith: Hindi ako pumayag na manligaw siya. Alam kong masasaktan ka. At hindi ko naman siya gusto.

Quincy: Ano ka ba? Ayos lang sa akin, happy ako for you actually. Crush ko lang naman siya eh. Tsaka baka siya na ang makatulong sayo para makalimutan si Ralph. Kakakilig nga kayo, napaka-sweet niya. Kaya kung iniisip mo lang ako, ayos lang sa akin. Diba sabi ko, kung saan ka masaya doon na rin ako? Kaya sige lang, bagay kayo.

Zennith: Salamat Quincy. Nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo.

Quincy: Ganun din naman ako. Maswerte tayo sa isa't isa. So, ano balak mo?

Zennith: Hindi ko pa alam. Tsaka ayoko munang isipin yan. Linggo ngayon, gusto ko munang mag-enjoy. Tara, magsimba tayo tsaka gala tayo pagkatapos.

Pumayag na akong manligaw sa akin sa kuya Xavier, ahy, Xavier na lang daw pala. :) Ok naman siya, napaka-sweet, thoughtful, at pinahahalghan niya ako. Lagi na kaming libre ni Quincy sa Love Online, bawas na daw sa sahod niya. Very supportive naman si Quincy, lagi siyang andyan. Siya tong kinikilig ng todo sa amin.

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon