April 5, 2009 - Sunday
1st anniversary namin ni Xavier today. Sakto, tumapat sa Sunday. Ang plano ay outing, together with family and friends. Sa isang beach resort sa Bulacan kami pupunta. Overnight kami dun.
Zennith: Ba't ang tagal mo Quincy?
Quincy: May nakakainis kasing lalaki dun sa may grocery. Asar talaga! Nakasabay ko kasi siya sa pila tapos grabe, feeling close?! Kala mo kung ang tagal na naming magkakilala. Haayy. napakahangin. Napakayabang. Hai miss hai miss pang nalalaman.
Zennith: Relax ka lang. Malay mo may gusto lang sayo?
Quincy: Hindi ko siya magugustuhan, NEVER. Sayang cute pa naman, kaso hindi siya ganun ka-gentleman. Hinayaan ba naman akong buhatin yung basket?! Hay, wag na nating isipin. Hindi pa ba tayo aalis? Baka naghihintay na sila dun.
Zennith: May hinihintay pa tayo. Yung bestfriend ni Xavier.
Quincy: Yan. The more, the merrier. Excited na ako. Gwapo kaya siya? :)
Zennith: Sus... Ikaw talaga... Ang landi mo.
Quincy: Malandi agad? Agad agad? Friendly muna pwede?
Zennith: Sige na nga. Friendly na lang.
Xavier: Oh ayan na pala siya.
Xavier: James..... Dito...
James: Oh pre, kamusta?
Xavier: Ayos lang. Mabuti nakarating ka. Halika may ipapakilala ako sayo.
Xavier: Zennith, Quincy, si James Flores, long time bestfriend ko. IT grad. din siya. Classmate ko siya nung college. James, si Zennith, girlfriend ko, at si Quincy, bestfriend niya.
James: Hai, Zennith. Hai miss, Quincy pala name mo. ;)
Xavier: Magkakilala kayo?
James: Hindi naman. Nakasabay ko siya sa pila sa grocery kanina.
Zennith: Nice to meet you.
Quincy: Hmft...... (pabulong) Nakakainis naman. Anong klaseng CO-ACCIDENT ba ito?!!
Zennith: Co-accident ka dyan. Baka CO-INCIDENCE?
Quincy: Pareho lang yun. Accident naman talaga. Malaking accident.
Xavier: Ayan na yung van. Tara na. Ilalagay lang namin ni James yung mga gamit.
Zennith: Sugar, tabi tayo sa harap.
Xavier: Sige. James, dyan na kayo ni Quincy sa likod.
James: Oo ba.
Quincy: Huh?! Pero........
Zennith: Wala ng pero, pero..... Dali na.......
Zennith; (pabulong) Quincy, behave. Good luck. ;)
James: Let's go? Miss Quincy, mauna ka na.
Quincy: Miss mo yang mukha mo!!!
James' POV:
Ang ganda naman niya. Nakaka-in love. Hyper nga lang, maldita. Pero ayos lang. Mas challenging, may thrill. Ano nga ulit pangalan niya? Quincy? Ang ganda naman nung name niya. Mabuti at may kaibigang ganito yung girlfriend nung bespren ko, salamat sa kanya. Sana magkasundu-sundo kami, lalo na si Quincy. Mukhang magiging maganda itong outing na to. Mabuti na lang at sumama ako. Happy ako for Xavier and Zennith, Happy Anniversary sa kanila. At sana maging maayos kami ni Quincy. Haha... Sarap niyang asarin, ang cute niya pag napipikon, patawa......... :D
BINABASA MO ANG
Love Online
Roman d'amourSulatan, phone pal, textmate, chatmate. Dyan kadalasang nagsisimula ang ilang unique love stories. What if it started in a more unique way? Read and see how Zennith found her true love through, MS-Word?