Chapter Eight

152 13 0
  • Dedicated kay Razel Ferrer
                                    

Ang ganda nung night na yun. Perfect. Isa to sa mga hindi ko makakalimutan. Kuha talaga ni Xavier ang happiness ko. Kasama ko ang family ko at the same time, enjoy pa kami ng sugar ko. Saya talaga.

Haayy, saya talaga. Natapos kami ni Xavier aroung 10pm. Pagbalik ko sa room, wala pa si Quincy. Four rooms kasi yung kinuha naming cabin. Isa para kina mama at papa, kay tita Flor at Xahlia, kina Xavier at James, at kasama ko si Quincy sa isa. Anyway, antok na ako kaya hindi ko na hinintay si Quincy. Good night na lang.

April 6, 2009 - Monday

Zennith: Haayy, sarap matulog. Good morning.

Quincy: Good morning.

Zennith: Kanina ka pa ba gising?

Quincy: Oo. Himbing kaya ng tulog mo. Baka hanggang sa panaginip nag-dedate pa rin kayo ni Xavier?

Zennith: Haha.... Hindi naman. San ka nga pala galing kagabi? Pagdating wala ka pa. Natulog na ako kasi antok na talaga ako.

Quincy: Kasama ko si James.

Zennith: Ui...........    Kasama niya si James. Ayyyiiieeee

Quincy: Ui ka dyan. Sinamahan niya lang ako sa dalampasigan nung iniwan mo ako.

Zennith: Kahapon lang para kayong aso't pusa tapos nag-date din pala kayo sa may seashore.

Quincy: Anong date?! Hindi noh! Nag-kwentuhan lang kami.

Zennith: Tungkol naman saan?

Quincy: Tungkol sa pagkakaibigan nila ni Xavier tapos........   teka nga lang andami mong tanong. Labas na tayo, baka may pagkain na.

Zennith: Ikaw ah, binabago mo yung usapan. May gusto ka kay James noh?

Quincy: (tumalikod) Wala noh! (blush plus smile)

Zennith: Wala daw. Tara na nga MS. FLORES. Labas na tayo. :P

Quincy: Yuuuccckkkk. Wag mo nga akong matawag na Ms. Flores. Hindi ko nga siya gusto.

Zennith: Oh di sige. Sabi mo ehh......

Pagkatapos naming mag-breakfast, nag-ayos-ayos na kami ng mga gamit. Hahabol pa kasi ako sa pasok ko sa hapon. Si Quincy naman, walang problema, rest day kasi niya ang Monday. Pagkatapos namin, naglakad-lakad muna kami ni Xavier sa may beach.

Zennith: Sugar, salamat ahh.

Xavier: Para saan?

Zennith: Para dito. Salamat kasi ginawa mong memmorable itong anniversary natin. Lalo pang masaya kasi kasama ang buong family.

Xavier: Wala yun. Syempre, gusto kong maging masaya yung sugar ko. Maganda rin naman ito for family bonding.

Zennith: Salamat talaga. (hug)

Nung papauwi na, si Quincy na ang nakatabi ko sa harap at sina James at Xavier naman sa likod. Para talagang magkapatid yung dalawang yun, halos nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.

Haayyy, eto na naman si Quincy, pabulong-bulong.

Quincy: Ui, Zennith, holy week na.

Zennith: Oo nga eh. Wala tayong pasok simula Thursday.

Quincy: Hindi lang yun. May nabasa ako sa net. Kung gusto mo daw malaman kung sino makakatuluyan mo, kapag Black Saturday, matulog ka na lahat ng suot mo baliktad, mula underwear hanggang shirt, pati bedsheet at punda ng mga unan baliktad din. Kung sino yung makikita mo sa panaginip o, kung wala sa panaginip, yung una mong makikita paggising, siya daw yung makakatuluyan mo. Exciting noh? Try natin.

Zennith: Try ka dyan. Kalokohan.

Quincy: Susubukan nga lang. Wala namang mawawala.

Zennith: Ikaw nalang. Makati kayang matulog ng ganun.

Quincy: Sige. Bahala ka. Tutal may papa Xavier ka naman na. Basta ako susubukan ko.

Zennith: Goodluck. Wag ka sanag bangungutin sa Sabado.

April 12, 2009 - Sunday (morning)

Voice: Ang ganda mo din pala. Lalo na kapag tulog. Ang amo-amo ng mukha mo.

Pagbukas na pagbukas ng mata ni Quincy ...

Quincy: (tili to the max) IKAW?!! Anong ginagawa mo dito?

Bigla kaming pumunta sa kwarto niya. O.A. siya ahh.

Zennith: Oh, Quincy. Bakit?

Quincy: Ba't andito yan?

Zennith: Ahh.... Nagdala sila ni Xavier ng breakfast. Hindi ko naman alam na pumasok siya dito.

James: Grabe ahh.... Ingay mo... Sana tulog ka na lang ulit. Pumasok ako kasi nakabukas yung pinto.

Zennith: Haha.... :D Tama na nga yan. Kain na. Dito na rin kayo kumain ni Xavier.

Quincy: (bubulong-bulong) Nakakainis!!!

Zennith: Ui, wala siyang napanaginipan. Si James makakatuluyan niya.

Quincy: Ayoko ng isipin yan. Ikaw, ginawa mo ba?

Zennith: Hindi. Haha... Si James.....

Zennith: Xavier, halika saglit.

Xavier: Ano yun sugar?

Zennith: (hug) I love you.

Xavier: I love you too. Ba't parang ...

Zennith: Ssshhhhh.... Wala to. Pwede favor?

Xavier: Sige, ano?

Zennith: Pwede patingin ng likod mo?

Xavier: (takang-taka) Oh, sige. (tinaas yung shirt niya)

Zennith: (sa isip) Ahy, wala.

Sa totoo lang, ginawa ko rin yung sinabi ni Quincy. Tinext ko si Xavier bago ako matulog na magdala siya ng breakfast para siya sana yung una kong makikita. Kaso may napanaginipan ako. Lalaking may mahabang peklat sa likod. Hindi ko nakita yung mukha niya. Sino kaya siya?

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon