May 27, 2007 - Sunday
One week na lang at start na ng first sem for 4th year. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na graduating na ako. Balang araw magiging isang successful CPA din ako.
ring..... ring......... ring...............
Zennith: Hello, Quincy.
Quincy: Hello. Nasaan ka na?
Zennith: Andito na ako sa bus stop. Isang sakay na lang.
Quincy; Oh sige. Antayin kita dito sa Love Online.
Zennith: Ok, bye.
Haay.... Love Online. Naalala ko tuloy yung stalker ko sa microsoft word.
Quincy: Zennith....... (hug)
Zennith: Long time no see. Kamusta?
Quincy: Eto, maganda pa rin. Haha. Ikaw? Kamusta bakasyon?
Zennith: Ayos lang naman. Dami nagbago.
Quincy: Mabuti rin yun. Kumain ka na?
Zennith: Oo. Kumain na ako sa daan.
Quincy: Ui speaking, tara tingnan natin yung secret admirer mo sa MS-word.
Zennith: Ano ka ba? Two months ako sa Nueva Ecija. Tingin mo talaga andun pa yun? Natitrip lang yun panigurado.
Quincy: Tingnan na lang natin.
Quincy: Kuya Xavier, sa PC-7 po. Salamat.
Grabe talaga. Pagbukas namin, andun parin yung file.
------------------------------------------
Ang tagal mong nawala ah. Kamusta ka naman?
------------------------------------------
Quincy: Grabe Zennith, mukhang seryoso si Mystery Guy? Subukan mo kayang i-entertain.
Zennith: I-entertain ka dyan. Laganap kaya ang cyber crime ngayon.
Quincy: Cyber crime? Eh hindi naman sa cyber world yang MS-word. Tsaka hindi ka naman makikipag-eyeball.
Zennith: Kahit na. Sabihin na nating hindi ako makipag-eyeball. Sa MS-word lang yun kaya malamang nasa malapit lang siya, at sigurado na kilala niya ako.
------------------------------------------
Tigilan mo na ako! Please lang.
------------------------------------------
Nagtuluy-tuloy pa sa pangungulit yung lalaki sa MS-word. Nakita ko namang sincere siya kahit papano kaya hinayaan ko na lang. Sinasagot ko naman mga tinatanong niya. Sana hindi ako nagkamali sa ginawa ko.
May 30, 2007 - Wednesday
Hirap na nga ako sa isang stalker sa MS-word, meron na namang isang naggugulo. This timee, sa text naman. Three days na akong nakakatanggap ng mga text messages mula sa hindi ko kilalang number.
Quincy: Grabe friend, ang swerte mo naman. Not one, but two yung lovers mo. Pahingi naman ako ng isa oh. Pero sana kasing cute ni kuya Xavier.
Zennith: Swerte ka dyan. Kung gusto mo, sayo na. Ang hirap kaya ng may stalker, at ngayon dalawa na. Feel ko laging may nakabantay sa akin. Tsaka alam mo namang priority ko ang studies ko. At nadala na rin ako dun sa nangyari sa akin. Kailangan mas maingat ako ngayon.
Quincy: Hindi mo naman kasi sila masisisi. Ang ganda mo. Ang ganda ng katawan mo. Nakakaakit yang maiitim mong mga mata. Flawless ka, kahit hindi ganoon kaputi. Isama pa natin yang hanggang likod mong buhok na nagkukulay mais kapag naaarawan. At consistent DL pa. San pa sila? Maganda ka na nga, sexy, matalino pa. Kung lalaki nga lang ako eh di sana matagal na kitang niligawan. Ewan ko lang ba dun kay Ralph, pinakawalan ka pa niya. Malaki kang kawalan para sa kanya.
Zennith: Tigilan mo nga ako. Tsaka wag mo ngang binabanggit si Ralph. Pinapaalala mo lang na binalewala niya ako. Wala na akong pakialam sa kanya. Mas ok pa sana sa akin kung magpapakilala sila sa akin kesa yung nagtatago sila sa likod ng mga messages para naman ma-examine ko sila.
Quincy: Bahala ka. Kung saan ka masaya, doon na rin ako. Basta kung sakaling may magpakilala, ipakilala mo ako ah. Malay natin, may mga barkada sila na pwede sa akin. Haha :D
July 2, 2007 - Monday
Katatapos lang ng klase namin. Naglalakad kami ni Quincy nang may biglang nagtext.
------------------------------------------
Mag-iingat ka sa pag-uwi. Take care. :)
------------------------------------------
Zennith: Nakakainis na ito! Tuwing papasok at uuwi tayo, laging may text na ganito. Nakakasawa na kayang mag-delete.
Quincy: Hindi mo ba tinatanong kung sino ba siya?
Zennith; Ilang beses na kaya. Kaso kapag tatanungin ko siya, ang irereply lang niya ay "</3".
Quincy: Nakaka-curious naman yan.
Zennith: Nakakaasar pa.
Quincy: Eh yung sa MS-word? Kamusta?
Zennith: Hindi pa rin siya tumitigil. Pero mas ok siya. Kahit di ko siya kilala, feel ko mabait at seryoso siya.
Quincy: Pwede bang makibasa sa usapan niyo?
Zennith: Sige. Tara.
------------------------------------------
Wag mo naman akong ipagtabuyan. Bigyan mo naman ako ng chance. Promise ko sayo, hindi kita lolokohin.
Magpakilala ka muna. Pwede?
Magpapakilala rin ako sayo balang araw. Magtiwala ka.
Ahm...... Sige. Mukha namang sincere ka.
Salamat. Pangako, hindi kita lolokohin.
Siguraduhin mo lang.
Kamusta ka naman?
What do you mean na kamusta?
Diba nagbreak kayo ng BF mo last valentines? Ayos ka na ba?
Talagang updated ka sa mga nangyayari sa akin ah. Eto, moving on. Hindi na siya nagparamdam sa akin eh. Binalewala na niya ako.
Mahal mo pa ba siya?
Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan siya. May katagalan bago maghilom ang pusong nasaktan.
Andito lang ako. Maghihintay ako hanggang ready ka na.
------------------------------------------
Quincy: Grabe ka naman. Ba't mo sinabi yun? Panigurado nasaktan siya.
Zennith: Eh yun ang totoo.
Quincy: Pero ayos siya ah. Maghihintay daw. Sana magpakilala na siya.
Zennith: Sana nga.
------------------------------------------
Salamat ah. Na-appreciate ko yung consideration mo. Siguro nga mahal mo ako at sincere ka talaga sa akin. Sana makilala na kita.

BINABASA MO ANG
Love Online
RomanceSulatan, phone pal, textmate, chatmate. Dyan kadalasang nagsisimula ang ilang unique love stories. What if it started in a more unique way? Read and see how Zennith found her true love through, MS-Word?