Chapter Ten

131 13 0
                                    

May 01, 2009 - 

Holiday ngayon, walang office. Ngayon din ang balik ni Xavier galing Tarlac. Sa Love Online na namin siya hinintay. Pagdating niya, niyaya niya agad ako na kumain sa labas. Hindi naman ako nakatanggi.

Samantala ...

James: Quincy, pano ba yan? Iniwan tayo nung dalawa. Gusto mo mamasyal?

Quincy: Sige. Gusto ko dun sa plaza. Barbecue tayo. Libre mo ako ahh.

James: Sabi mo ehh.

After 1hour ...

Quincy: Salamat ahh. Bait mo talaga. Kahit minsan inaasar mo ako.

James: Wala yun. Basta ikaw.

Quincy: Pano, tara na?

James: Sandali. MAy itatanong sana ako.

Quincy: Sige. Ano yun?

James: Ahh... Ehh...

Quincy: Ah? Eh? Ano?

James: Kasi ...

Quincy: Hmpft .... Dyan ka na nga. (lakad palayo)

James: Quincy.... PWEDE BANG MANLIGAW? Kung pwede lang naman.

Quincy: (blush) Sige. Pero tingin ko di ka papasa. :)

James: (sa isip) Yes!!! Pumayag siya.

May 21, 2009 - Thursday

work... work... work... Ang sarap magtrabaho kahit madaming gagawin. Hindi naman ramdam yung pagod kapag gusto mo yung ginagawa mo at kapag mahal mo trabaho mo, mag-eenjoy ka. Magkatabi kami ni Quincy ng teller. Hmm, naalala ko ngayon pala yung anniversary nina Ralph at Jeazel. Wait, teka.... Siya ba yun?

Jeazel: Mag-oopen ako ng savings account. Gusto ko yung may debit card.

Quincy: Sige po ma'am. Ahm, 5000 pesos po yung minimum cash-in kapag new account.

Jeazel: Sige. Eto.

Quincy: Thanks po ma'am. Kailangan niyo na lang po itong i-fill-up and then pahiram na rin po ng isang valid ID.

Zennith: (bulong) psst.. Quincy... Diba siya yung girlfriend ni Ralph?

Quincy: Ahy, siya ba? Kaya pala namumukhaan ko.

Jeazel: Eto oh.

Quincy: Maghintay na lang po kayo saglit while processing.

Jeazel: Sige.

After 5minutes ...

Quincy: Eto na po ma'am. Yung debit card at bank book. Andyan na rin po yung pin code niyo. And then remind ko lang po 500 pesos po ang minimum cash-in and 5000 pesos maximum amount per withdraw at maximum of five withdraws per day.

Jeazel: See. Thanks.

Zennith: Thanks for coming ma'am.

Jeazel: Wait. Your Zennith right? Yung ex ni Ralph?

Zennith: Yes ma'am.

Jeazel: Wag mo na nga akong minama'am. Jeazel na lang.

Zennith: Sige, Jeazel. Diba anniversary niiyo ni Ralph ngayon?

Jeazel: Oh... I'm sorry pero hindi niya ako girlfriend, pinsan niya talaga ako. Nakiusap lang siya na magpanggap akong girlfriend niya that day.

Zennith: Huh?

Jeazel: Ahm, free ka ba? Pwede ba tayong mag-usap.

Zennith: Tara dun tayo sa lobby. Quincy, ikaw muna bahala dito.

Quincy: Sige.

Zennith: Paki linaw nga sinasabi mo.

Jeazel: Hindi nga niya ako girlfriend, nagpanggap lang kami. Ginawa niya yun para wala ka ng isipin na pwedeng sumagabal sa inyo ni Xavier. And happy siya for you, masaya rin siya at nakita ka niya, sinulit kaya niya yung pagkikita niyong yun.

Zennith: Huh? Sinulit?

Jeazel: To be honest to you, almost one year ago, naospital siya sa sobrang sakit ng likod niya. Since then, labas pasok na siya sa ospital for regular check ups and sometimes inaadmit siya para ma-confine.

Zennith: Bakit?

Jeazel: They found out na nagkaroon ng complications yung peklat niya sa likod brought by his accident last 2007. Very rare yung case na yun. Siguro effect nung gamot sa kanya. Sensitive kasi siya sa mga chemicals.

Zennith: Ano? Kamusta naman siya? Ba't di ko alam?

Jeazel: HIndi na niya pinaalam sayo kasi ayaw na niyang magulo buhay mo. And anytime na may mangyari, pwedeng shut off yung body system niya. Ahm, Zennith, I'm sorry but I have to go, may hahabulin pa kasi akong appoinment.

Zennith: Sige. Good day.

Peklat... peklat... Bigla kong naalala yung lalaking may mahabang peklat sa panaginip ko. Gusto kong makita si Ralph. Gusto kong makita yung sinasabi ni Jeazel na peklat niya. Haayy, napapraning na naman ako dyan sa peklat na yan. Nakakabanas. Ginugulo niya isip ko.

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon