Chapter Fifteen

108 13 0
                                        

Xavier's POV:

April 01, 2010 - Thursday

Five days na lang anniversary na namin ni Zennith. This should be great.  2nd anniv. namin ng sugar ko. Ano kayang magiging plano? Pupunta ako sa kanila para mapag-usapan namin.

Pagdating ko sa kanila, nagtaka ako. Ba't parang tahimik? Pumasok na ako kasi nakabukas yung gate at pinto. Nakita ko si Quincy sa sala.

Xavier: Quincy,  ba't ang tahimik niyo? Nasaan si Zennith.

Quincy: Andun siya sa kwarto niya, nagmumukmok.

Xavier: Bakit?

Quincy: Pumasok ka na lang.

Nakakapagtaka talaga. Ano bang meron?

Xavier: Zennith? Sugar? Ba't tahimik kayo? Anong nangyari?

Zennith: Xavier, patay na si Ralph. :'(

Xavier: Huh?!!

Zennith: Diba dinalaw namin siya sa ospital last year? Nagkaroon kasi na komplikasyon yung peklat niya sa likod dala nung aksidente niya. Siya yung nagbigay ng teddy bear nung birthday ko. Sinabi niya sa sulat na pupunta siya sa US para magpagamot. Tapos kanina, dumaan sa banko si Jeazel bago kami umuwi. Namatay daw si Ralph sa sepsis.

Xavier: Sorry sa balita. Kelan daw ba libing?

Zennith: Yun na nga yung sasabihin ko sayo eh. Ahm, sugar? Pwedeng wag muna tayong mag-celebrate ng anniversary natin? Yun kasi yung libing ni Ralph.

Xavier: Huh? Ah................ Eh.................. O-o-okay?

Zennith: Sorry talaga sugar. Babawi ako promise.

Ano pa ba magagawa ko. Tapos na eh, pumayag na ako, alangan namang hindi. Haitz, fail. Excited pa naman ako. Nakilibing pa rin naman ako. Hindi naman ako galit by the way. Sayang talaga si Ralph, ang bata pa niya.

May 11, 2010 - Tuesday

26th birthday ko ngayon. Just a normal day. Binati lang ako ni James at ng mga kasama namin sa shop. Ayun, nanlibre ako ng lunch, pagbigyan na sila. Nung hapon nakatulog ako sa kama, mga 3:30 siguro yun. Ang sarap matulog, tinodo ko pa yung lakas nung aircon. Maya-maya, naalimpungatan ako kasi may humalik sa labi ko.

Zennith: Happy birthday sugar!!! ^_^

Bigla akong gumising.

Xavier: Zennith, ikaw pala.

Zennith: Haha.  Sino pa bang hahalik sayo sa lips? Alangan namang si James? Hahahaha

Xavier: Hindi... What i mean is, ba't andito ka? Alas-quatro pa lang kaya.

Zennith: Maaga na akong umalis. Diba sabi ko babawi ako? At dahil dyan, manonood tayo ng sine. Nakabili na ako ng ticket natin.

Hindi ko talaga inaasahan na gagawin talaga niya yung sinabi niyang babawi siya. So, ayun, lumabas kami. Nanood ng sine. At namasyal sa baywalk. Yung normal na araw ko naging special dahil sa kanya. Ang saya ko. Sana hindi na talaga siya mawala sa akin.

Love OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon