CHAPTER TWO: SIMPLE TO YOU
" there's something about you i'm likin' "
- Normani (All Yours)
"Ganito?"
"Ganyan." Sagot ko kay Charlotte pagkatapos kong isolve ang assignment niya.
Magaling naman si Charlotte sa math pero minsan may mga bagay sa subject na yon na ang hirap intindihin.
"Ang hirap, bakit ang dali sa'yo?" Tanong niya ulet tsaka kuha sa pen sa kamay ko.
"Ewan."
Hindi ko maexplain. Nagustuhan ko ang math noon, it was one of my favorite subjects in the past, I liked how I could find the answers in a complicated way, satisfied din ako sa tuwing nakukuha ko yong tamang sagot.
"Tsk, yabang."
"Huy, 'di naman ako mayabang." Ngisi ko sabay gulo sa buhok niya.
"Agh, Ryse!"
"Gusto mo ba?" Tumayo ako at inoffer yung chichirya ko.
Hinatak niya yung chichirya sa kamay ko at pinasa yung assignment sa kaklase niya, katabi lang naman niya. He's in charge of submitting all the assignments sa teacher, ibibigay niya mamaya pagklase na.
Umupo ako sa tabi ulet ni Charlotte at hinatak pabalik yung chichirya ko.
"Kung ganito ka kagaling sa math, ba't 'di ka ganito sa ibang subject?"
"Eh, ayoko eh. Ayokong top 1 din." Ngisi ko.
"Baliw ka ba? Ikaw? Top 1? Neverland nanaman ang utak mo." Irap niya.
"Grabe ka ha, kung magteteacher ka tapos ganito ka sa'kin, pa'no na mga future students mo? I-motivate mo naman ako!" Angal ko pa.
Gusto ni Charlotte na maging teacher, she loves kids and she loves helping other people, mas lalo ang focus niya sa math dahil feeling niya math daw ang pokus niya sa pagtuturo sa high school gano'n.
"I don't have to do that, minomotivate mo naman sarili mo."
Math is the only thing I'm good at, to be honest, and I'm damn proud of it. Ang daming nahihirapan pero ako pinagpapawisan lang, ang laking slay no'n para sa'kin.
"Pa'no 'to?" Tanong niya ulet sabay pakita sa photo sa phone niya.
It's a screenshot full of problem solving questions. Feeling ko pang-high school 'tong mga tanong, nasagot ko rin yata 'to sa exam ko sa grade 7 o baka 9?
"Kailangan mo muna—"
"Manahimik ka nga, Lisa!"
"Gago! 'Di nga Lisa! 'Wag niyo nga 'kong tawagan nang ganyan!"
All of a sudden I couldn't speak anymore. Napunta ang atensyon ko sa dalawang lalaki na kumakain malapit sa may table namin, nagaaway nanaman silang dalawa.
Si Darren at yung kaibigan nanaman niya, minsan lima o anim silang magkakasama o minsan siya lang mag-isa dito, kumakain, kahit 'di kumakain kahit aral lang at tapos sa homework niya.
Magulo ang buhok, pawis, bukas o 'di bukas ang butones ng uniporme niya, nakaipit ang ID sa loob ng bulsa niya, may relo siya sa may kaliwa niyang kamay, tsaka amoy niya parang maginoo ang vibes, refreshing din.
BINABASA MO ANG
WASTE OF TIME
RomanceBeautiful and smart with a strong personality--Maryse Rivera Rocero is not an easy woman due to the scar carved in her heart after a man she liked broke her heart and humiliated her in the past. Maryse will be tested once again when she becomes the...
