EVERYTHING ABOUT YOU

8 2 0
                                        

CHAPTER TWELVE: EVERYTHING ABOUT YOU

" guess I gotta accept the pain "
- Addison Rae (Headphones On)


Okay, fine. Masarap yung pagkain. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagutom ako, nakalimutan ko ring bumili ng pagkain dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Pagdating ko sa bahay, pinaalam ko sa mga magulang ko na uminom ako kagabi. Naginuman kami ng kaibigan ko, ganon.

Pumasok ako sa room ko, tsinek ko yong tupperware at alam ko, ramdam ko na gutom ako. Sinarado ko yong pinto at tinali ang buhok ko ulet. Binuksan ko rin yung tubig sa gilid at yung tupperware. Maraming ulam at kanin din, para bang mini buffet ang datingan.

And oh shit, masarap.

Sobrang sarap talaga. Meron ding dessert, mini croissant na may chocolate filling sa loob, what the fuck?

At ayon, 'di ko na mapigilan ang sarili ko at kinain ko na lahat. Inubos ko, walang natira, as in tupperware na lang mismo yung natira, kulang na lang at pati yon kakainin ko. He's a good cook. And I hate that I actually admitted that.

Hindi na 'ko gutom, I am satisfied as fuck. I can't believe it. I should dislike it because I don't like him, but I like it.

"Shet." Mura ko ng narealize ko na kailangan kong ibalik tong tupperware sa kanya.

Tangina.

I am not a good person, I would have thrown this away because I dislike the man but I can't because he did cook something amazing and he helped me today.

Fine, I'll be nice. Just for today. Just for now. Tapos balik sa galit at trabaho ang tingin ko sa kanya. I have to thank him for everything he did today, I still have a heart at the end of the day, mabuti naman din ginawa niya, but one good thing doesn't mean that he's already good.

This man is just guilty for what he'd done.

Huminga ako ng malalim bago ako tumayo at ininom yong tubig. I need to be hydrated, 'di pa rin maganda ang pakiramdam ko, I want to be a little bit better.

Nilinasan ko yong tupperware sa baba.

"Ano yan? Binili mo? Bago?" Tanong ni Margauxx habang nilalagayan ng tubig yung baso niya.

"No. Binigay sa'kin na may pagkain sa loob."

"Huh? Galing kay Charlotte?"

'Di ko na siya sinagot. Ayokong sabihin kong sino, baka asarin lang ako at siguradong marami siyang itatanong sa'kin, nakakapagod. I'll tell her one day, 'di na muna ngayon.

"Someone."

"Lalaki?"

"Bakit? Kukunin mo? Gusto mo rin tupperware? Ha?"

Sumimangot siya habang pinupunasan ko ng towel yung tupperware.

"So, lalaki nga? Tupperware na may pagkain... oh wow, manliligaw, huh?"

Ako naman ang sumimangot sa kanya.

"Manliligaw? Yes, manliligaw ko siya na binabayaran yung mga bayarin na'tin dito sa bahay. Kahapon, yung kuryente, tapos—"

"Okay, okay na. Gets ko na. 'Di manliligaw, eh bakit ka binigyan niyan? Kinain mo rin, so masarap 'no?"

"I don't know. Masarap so kinain ko. Nililinis ko kasi ibabalik ko 'to sa kanya."

WASTE OF TIMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon