NOT SO BAD

27 16 0
                                    

CHAPTER FOUR: NOT SO BAD

" you gotta rub me the right way "
- Christina Aguilera (Genie in a Bottle)


"Charlo—"

Tinakpan niya agad ang bunganga ko bago ko simulan ang sasabihin ko.

"Shut up, ang aga-aga, nakailang kape ka ba, ha?"

"Ah... isa lang?" Sagot ko pagkatapos kong tanggalin ang takip niya sa kamay ko.

Tumabi ako sa kanya at binigay sa kanya yung mamon na binili ng mga magulang ko kagabi bago sila umuwi galing sa trabaho nila para sa'ming magkambal.

"Thank you."

"Thank you? Walang pakyu?"

"Ang ingay mo, ano ba?"

"Pa'no kasi... kumaway siya sa'kin! Ang bait ng crush ko~."

Edi ibig sabihin noon alam niya ang face ko? Ganon ba kaganda ang mga mata ko na alam niya talaga kung sino ako agad.

"Sure ba na ikaw? Delulu masyado."

"Delulu na magiging trululu~."

"Please lang... tikom mo yang bunganga mo." Irap niya tsaka binuksan yong mamon.

Bumili kami nang tubig sa malapit na tindahan sa school bago kami pumasok sa loob ng school. Ang init-init nanaman, nawala na yata yung pabango na galing BENCH, pero buti na lang at nagdeodorant ako just in case.

Siya bumili nang tubig at ako yong bumili ng chichirya. Pareho kaming walang kain kakaaral para sa quiz.

'Di kami pareho ng quiz pero wala namang problema kung mag-friendly date kami, study date naman talaga siya na may pagkain na rin.

"Hi... Timothy." Bati bigla ni Charlotte sa tabi ko kay Timothy na lalagpasan lang sana siya.

May kaakbay nanaman siyang babae, ang lawak nang ngiti tas nung binigyan niya nang pansin si Charlotte, blanko lang ang ekspresyon niya.

Gago rin talaga 'to minsan.

Hindi ko pa rin magets kung bakit lagi niyang sinasaktan si Charlotte. He's leading her on! Putangina niya, liit siguro tite niya.

"Hm, Charlotte."

Yun lang, yun lang nung gago at nilagpasan kami.

"Mary—"

"Tangina niya!" Pabulong kong sigaw sa kanya.

Hinila niya 'ko pabalik sa tabi niya agad para pigilan ako. It's a good thing that Charlotte is right next to me o baka kanina ko pa nakalbo yung hayop.

"Tama na, Ryse."

"Tama na? Hindi tama na, siya yung may tama!"

Pa'no niya nalalandi yung mga babae dito. Gets ko na gwapo siya pero hello? Ganon ba kasaya sa red flag ha? Masaya siguro sa una pero wasak naman ang puso mo sa huli.

Charlotte loves him but not because he is a red flag, kilala nila ang isa't-isa nung bata pa sila. They are childhood friends and she's known for him so long. Mabait daw siya, caring, ganon.

So ano? Anong nangyare? Ba't nagbago?

Nademonyo yata!

"Ikaw ha, Charlotte. May tama ka rin, tama na kasi, 'wag na siya, let's move on na."

WASTE OF TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon