CHAPTER SEVEN: THE TIME
" we only gettin' closer "
- Katy Perry ft. Doechii
(I'm His, He's Mine)To be honest talaga, dapat alam ko na eh. Dapat nung kagabi pa 'kong nagcocomplain na ang sakit sakit ng likod ko o yung puson kong 'di ko ba alam kung tatae ba ako o hinde.
I should have known na baka magkaron pa 'ko today.
"Putangina!" Sigaw ko sa loob ng CR.
Nakalimutan kong itsek yung app sa phone ko kung kailan ako magkakaron ulet. Busy na busy ako sa mga assignments ko at kakatitig na lang din kay Darren sa tuwing pareho kaming nasa hallway o sa cafeteria.
Pinalitan ko yong panty liner ko nang napkin, buti na lang at may extra ako sa loob ng bag ko kanina. I had a feeling but I didn't think it would actually happen. Lagot ako nito, lalong sasakit ang puson ko, tangina talaga!
"Ano yan?" React nitong si Charlotte agad pagpasok ko sa loob ng cafeteria, kanina pa siya naghihintay, si Julie may ginagawa nanamang assignment kaya nasa ibang lugar siya, she's eating and studying na rin.
"Anong... ano?" Bulong ko sa kanya habang inoobserbahan ang loob ng cafeteria, tsinetsek ko lang at tsaka medyo may wedgie nanaman ako, ang kapal kasi nang napkin ko.
"Para kang... lumpia."
Sumama agad ang tingin ko sa kanya.
"Anong ibig sabihin naman niyan, ha?"
"I don't know, you just look like it. Tsaka pa-ika ika ka."
"Well... meron ako." Binulong ko sa kanya yung huli.
Inirapan niya 'ko. Parang eto ring babae 'to meron din yatang regla, but I'm sure she's always in her period, halata naman eh, laging suplada.
"Meron ka rin 'no?"
"Gaga." Irap niya ulet at hinampas ako.
Anong problema nito? Ako nga dapat yung namomoblema hinde siya! O baka naman nasaktan nanaman siya ni Timothy? Naku, kaya siguro ganyan siya ngayon eh ang aga-aga.
"Anyare?" Tanong ko sa kanya tsaka binayaran yung pagkain namin, ako ang nanlibre this time, binayaran ko rin yung tubig niya kasi alam kong nakalimutan niya nanamang magdala nang tubig.
"He's dating... another girl."
"Ah." React ko.
Kaya pala. Ayan. Sabi ko na nga ba eh, lalaki nanaman ang problema natin sa bahay na 'to.
Umupo kami malapit sa may exit nang cafeteria, binuksan ko na rin yung tubig niya at binalik yun sa kanya, inubos niya agad yung tubig, she was dehydrated from all the crying again.
"Fuck... just fucking... fuck." Simula niya na.
It's another saga of Charlotte Louise Salvador and her heart breaking into pieces once again.
Why?
Huh, why exactly?
All because of the one and only... Timothy Nakamoto.
Ako rin talaga 'di ko gets kung bakit yung lalaking paring yon samantalang ilang beses na siyang nasaktan nung gagong yon. I heard conversations about him na dati raw siyang kalmado lang pero yung ngiti talagang 'di mo maalis ang tingin mo sa kanya kaya maraming nagkakacrush.
BINABASA MO ANG
WASTE OF TIME
DragosteBeautiful and smart with a strong personality--Maryse Rivera Rocero is not an easy woman due to the scar carved in her heart after a man she liked broke her heart and humiliated her in the past. Maryse will be tested once again when she becomes the...