CHAPTER THREE: COLOR PINK
" baby, baby, I feel crazy, up all night,
all night and everyday "
- ZAYN & Taylor SwiftYung panahon na kilig na kilig ka sa crush mo, normal lang yun kasi crush mo naman siya.
O yung panahon din na namumula ka nang tuwing flag ceremony kasi katabi mo yung linya kung san nakapila yung crush mo.
Sa puntong 'to, mas malala pa yung utak ko pagdating sa pagiisip tungkol sa crush ko.
Let's just say that I used to be a bit... delusional.
"Ang gwapo niya talaga, Lottie!"
"Stop shaking me, masakit!" Complain ni Charlotte sa'kin at pinalo ang kamay ko mula sa balikat niya.
"Simple lang daw sa'kin? He thinks I'm a genius because I am! Ha!"
One thing I hate about someone is their arrogance, and no... hinde ako arogante noon, delusyonal nga lang pero medyo mayabang, medyo lang naman.
"Ang galing ko talaga 'no? Tsaka parang sign sa mundo na bagay kami kasi magaling siya at magaling din ako~."
"You are stupid, gamitin mo yung utak mo para ibalik ka sa realidad hindi puro math lang."
"Ikaw naman, c'mon, hype me up my baby girl!" I said and nudged her shoulder.
"I am busy, at wala akong energy para imotivate ka sa buhay pag-ibig mo."
Pero one thing for sure, kahit na delusyonal ako, andito si Charlotte para sabihin sa'kin ang katotohanan. She's pretty realistic o wala lang talaga siyang panahon para sa mga ganong bagay.
But when it comes to Timothy sobrang motivated siya.
"Bakit? Minomotivate naman kita ha? Kay Timothy, remember? Ilang beses kong pinagbantaan yung may crush sa kanya? I told her nga na putangina mo! Subukan mo!"
Inirapan ako ni Charlotte.
"Kaya tayo napahamak, nandamay ka pa. Muntik akong masuspende sayo, tanga."
"At least tinulungan kita, right?"
"Just don't do it again, that's stupid."
'Di ko naman din nagustuhan yung babae, madaldal tsaka yun yung nambully sa'kin sa grade 1, 'kala niya ba makakalimutan ko yong ginawa niya sa'kin, ha?
Sabi niya may earthquake raw dahil sa'kin kasi ang taba taba ko, yumayanig daw yung mundo sa bawat lakad o takbo ko.
'Di bale ng mataba ako kaysa pangit! At least pagpumayat ako talagang dyosa datingan ko, kaysa mataba o payat ka man ang pangit mo pa rin!
Oh my, hate na hate ko talaga siya ha?
Naku, bawal yan!
Kailangan happy happy ako para walang akong angry wrinkles. Nakakainis talaga yung babaeng yon.
"Don't worry, marami naman nang may ayaw sa kanya, sure ako na narinig na ni Timothy yung kagaguhan nung babaeng yon tapos... babalik nanaman siya sa'yo~." Hype ko kay Charlotte.
Ilang taon na ring naghihintay tong si Charlotte, she loves Timothy kahit na player naman yung Nakamoto na yon. Mayaman din si Timothy, mayaman din si Charlotte pero sabi niya sobrang yaman daw si Timothy.
BINABASA MO ANG
WASTE OF TIME
RomanceBeautiful and smart with a strong personality--Maryse Rivera Rocero is not an easy woman due to the scar carved in her heart after a man she liked broke her heart and humiliated her in the past. Maryse will be tested once again when she becomes the...